Chapter 46

27.3K 966 152
                                    

SEDRIC

Alas nuebe na ng gabi at parang mababaliw ako sa loob ng dorm ko sa kakaisip kaya't nagdesisyon akong lumabas at maglakad-lakad. Hindi rin 'yon nagtagal dahil nagpasya na rin akong maglakad pabalik matapos ang halos isang oras na pagpapahangin.

Para akong mababaliw dahil sa dami ng 'what if' na pumapasok sa utak ko. What if, makipagbalikan si Carter sa ex-girlfriend niya? What if, sa mga oras na 'to ay sila na pala? What if, tama si Liam? That she was the greatest love of Carter? Well, kung totoo man 'yon ay paano ako? What if, mas matimbang 'yong pagmamahal niya para sa ex-girlfriend niya than what he feel for me? What if...nakakabaliw!

Papasok pa lang ako sa gate ng campus nang mapansin kong may taong nakatayo sa gilid no'n. Hindi pa man ako nakakalapit ay nakilala ko na ito. Madilim ang paligid ngunit alam kong si Carter iyon. Gumuhit ang ngiti sa mukha ko.

Nagmadali akong naglakad palapit sa kanya. Napansin niya ako and only gave me a cold serious stare. Hindi ko 'yon ininda but I greeted him, instead.

"Anong ginagawa mo rito sa labas?" Nakangiti kong tanong sa kanya nang makalapit ako. Nakatingin ito sa akin nang seryoso na ipinagtataka ko. Hindi naman siya ganito noong huli kaming mag-usap.

Napansin ko ang paghinga nito nang malalim. "Kumakatok ako sa kwarto mo pero wala ka roon. Kaya naisip kong hintayin ka rito sa labas ng gate," seryosong sabi nito na umiwas sa akin ng tingin. Bakit niya ako hinahanap? "Gusto kitang makausap. I need to tell you something..." nang marinig iyon sa kanya ay hindi na maganda ang kutob ko. Nagsimula na ring mawala ang ngiti sa labi ko.

Instead of answering him by what he said, inunahan ko na siya. "Balita ko, dumating daw 'yong ex-girlfriend mo galing New York?" Pilit akong ngumiti sa kabila ng pagka-seryoso ng tono ng boses ko. Marahan itong tumango.

"Si Katrina..." ang sambit nito. "Noong isang buwan niya pa sinabi sa akin na pupunta siya rito pero I didn't believe her. Hindi ko naman akalaing tototohanin niya pala," Carter said, hindi ito makatingin sa akin nang diretso.

"M-Maganda siya..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos ang sinabi niya kaya't iyon na lang ang naiusal ko kasabay ng isang pilit na ngiti.

Saglit niya akong tiningnan ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil umiwas agad siya. "Nakikipagbalikan siya sa akin after three years since we broke up," habang tinitingnan ko siya'y ramdam ko ang pagiging hindi kumportable nito. "And now, we're in a relationship again." Parang gumuho ang mundo ko nang marinig iyon mula kay Carter. Hindi ito makatingin sa akin nang diretso't ngayo'y ako naman 'yong napayuko.

Parang kahit anong oras ay bibigay ang tuhod ko dahil sa panghihina nang marinig ang sinabi niya. They're in a relationship again. Nangyari na 'yong kinatatakutan ko lang kanina. Pilit kong pinipigil ang mga luha ko mula sa pagpatak. I faced him. Ngunit sa loob ko'y ang sakit-sakit. Nanatili akong kalmado.

Balewala rin pala kung umamin ako sa kanya ngayong araw. Ano nga namang laban ng isang tulad ko, sa babaeng minahal niya nang ilang taon? After all, pipiliin pa rin niya 'yong greatest love niya. Ang sakit lang na hindi ako 'yon.

"G-Good for the both of you..." ang sabi ko rito habang nangingilid ang luha sa mga mata ko kasabay ng isang pekeng pagngiti. "Ngayong araw, plano kong magtapat sa'yo at sabihin 'yong nararamdaman ko. Pero mukhang hindi na 'yon kailangan dahil nand'yan na siya," tinuro ko ang dibdib niya. I smiled for the last time bago tumalikod sa kanya.

I walked away from him. Naiwan siya roon sa kinatatayuan niya. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko habang naglalakad. Parang nangyari na ang tagpong ito no'n. Ganitong-ganito 'yon. May sasabihin siyang masakit na salita tapos aalis ako. Pero bakit mas masakit ngayon? Ang sakit-sakit.

Marahan akong naglalakad palayo, umaasang hahabulin niya ako at pipigilan pero hindi iyon nangyari. Hindi niya ako hinabol. Walang pagpigil na naganap. Nanatili siya sa kinatatayuan niya with his serious damn face.

Paano niya nasabing mahal niya ako kung bigla niya ring babawiin 'yon kung kailan naniwala na ako sa kanya? Kung kailan handa na akong mahalin siya. How?!

***

"I told you! Sinabihan na kita tungkol d'yan pero ano? Hindi ka nakinig!" Gigil na sigaw sa akin ni Hannah, expressing her anger after I told them what happened. I crashed at Hannah's place, nandito rin si Brent. "Humanda talaga sa akin 'yang Carter na 'yan!"

"Wala na..." lutang kong sabi habang nakaupo sa couch katabi ang humahaplos sa likod kong si Brandon. Paikot-ikot si Hannah at hindi mapakali. "Sila na ulit and I can't do anything with that. Ang sakit-sakit," naiiyak kong paglalabas ng loob sa kanila.

"Sinabi ko naman sa'yo na sasaktan ka lang no'n!" Pagpapagalit pa sa akin ni Hannah. "Nakakainis ka talaga, Sedric!" Paglalabas nito ng sama ng loob.

"Bhie, can you stop? Nasasaktan na nga itong kaibigan natin, eh." Pagsaway nito kay Hannah habang patuloy sa paghaplos ng likod ko. "Hindi makakatulong 'yang galit mo," dagdag pa nito.

Patuloy ako sa paghikbi. Hindi ko na mapigilan ang umiyak pa.

"Ayoko lang na nakikita siyang ganyan!" Hannah said. Umupo ito sa tabi ko. "Ganito ako kagalit dahil ayokong nakikitang nasasaktan ang bestfriend ko," ang paiyak na rin niyang sabi sa akin matapos ang pagsigaw.

Pinigil ko ang sarili ko sa pag-iyak at pinunasan ang luha ko sa mga mata.

"Salamat sa inyo..." hihikbi-hikbing sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo. "Aalis na ako." Paalam ko sa kanila. Napatayo ito pareho.

"Saan ka pupunta?" Hannah asked. "You can stay here tonight, Sedric. Huwag ka nang umalis," pamimilit nito sa akin.

"She's right." Brent agreed. "Malalim na ang gabi, dude. Bukas ka na bumalik sa campus," pag-aalala sa akin nito.

But I sticked with my decision.

"I'm sorry..." sagot ko sa kanila. "I need some time alone."

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon