Chapter 9

37.1K 1.1K 28
                                    

SEDRIC

Nakatambay ako ngayon sa loob ng cafeteria. Mamaya pa kasi ang huling klase ko ngayong araw. Kaya dumiretso muna ako rito para magkape saglit. Halos bente minutos na rin akong nandito at pinapalipas ang oras habang tinitingnan ang mga estudyanteng napapadaan.

Sa totoo lang, sobrang ramdam ko 'yong pagka-bagot ngayong araw. Bukod kasi sa hindi pagpasok nina Hannah at Brent, na hindi ko alam kung saan na naman naglakwatsa, wala rin kaming practice ng team. Halos dalawang araw na ngang wala si Coach Melvin, eh. Ano na kayang plano niya sa amin?

Kahapon, ang tanging ensayo lang na ginawa ko ay ang paglalaro kasama si Carter.

Mahirap mang paniwalaan pero 'yong nangyari noong isang araw ay totoo. Carter and I became friends. Siguro that's the least I can do to thank him fo saving my life. Isa pa, mula noong nalaman ko ang kwento tungkol sa nakaraan niya, I became more curious about him. Kumbaga, naisip ko munang isantabi 'yong personal kong inis sa kanya at piniling mas kilalanin pa siya bago ko siya husgahan. Wala namang masama sa maliit na pagbabago, 'diba?

Paubos na ang kapeng kanina ko pang iniinom. Nababagot na talaga ako. Kung pwede ko nga lang yayain si Carter magpraktis ngayong araw ay ginawa ko na. Kaso, ang paalam niya sa akin bago matapos ang practice namin kahapon ay may pupuntahan daw siya kaya walang kasiguraduhan kung makaka-attend siya ng practice namin ngayong araw. Hindi ko naman siya pinigilan dahil alam ko naman kung saan 'yon pupunta, sa mga babae niya.

Heto na naman ako't hinuhusgahan na naman siya kahit ang sabi ko sa sarili ko'y hindi ko na basta-basta gagawin 'yon.

Also, the reason why I feel blue today is because I didn't see Liam. Patapos na ang araw pero ni-anino niya ay hindi ko pa nasisilayan. Eh, mukhang tuluyan nang matatapos 'tong araw na 'to nang 'di ko siya nakikita. Hindi ko alam kung abasent ba siya o busy lang sa loob ng office nila. Pero sigurado naman akong hindi siya a-absent nang basta-basta.

Still, ayokong matapos ang araw na 'to nang hindi man lang siya nasusulyapan.

Sana lang talaga ay maghimala ang langit at makita ko si Liam rito sa cafeteria.

Habang nakatitig sa mga estudyanteng umu-order sa harap ng counter, tatlong metro ang layo mula sa table ko, napansin ko ang isang pamilyar na taong nakapila rin doon. Nakatalikod siya ngunit alam kong siya 'yon. Si Liam ang lalakeng 'yon.

Bigla akong nabuhayan ng loob nang mapagtantong siya nga talaga 'yon at wala nang iba pa. Totoo ngang may himala at ang himalang 'yon ay si Liam! Abot-tenga na naman ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya mula rito sa kinauupuan ko.

Isang naka-can na soda lang ang binili niya't matapos 'yon, aktong lalabas na siya ng cafeteria. Kaya 'di na rin ako nag-aksaya pa ng sandali at tumayo na rin para sundan siya nang palihim.

Naka-earphones siya habang iniinom ang binili niyang soda sa cafeteria. Marahan lang siyang naglalakad sa pathway na sa aking tant'ya ay patungo sa opisina ng student council. Ako nama'y ingat na ingat rin ang bawat hakbang na nakasunod sa kanya. Para na talaga akong isang legit na stalker ngayon. Ganito yata talaga kapag wala kang magawa tapos makikita mo 'yong taong gustong-gusto mong makita.

Mabuti na lang talaga at hindi pa siya lumilingon sa likuran niya dahil kung magkataon, mahuhuli niya ako sa aktong pagsunod ko sa kanya.

Habang nasa dalawang metrong pagitan, amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Alas cuatro na ng hapon pero 'yong amoy niya ay parang bagong ligo pa rin. Lalo akong na-turn on sa kanya.

Malapit na siya sa building ng student council at ako'y palihim na humihiling na bagalan pa niya lalo ang paglalakad niya para hindi agad matapos ang momentum na 'to.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now