Chapter 2

53.1K 1.6K 184
                                    

SEDRIC

Natapos na ang huling klase namin ngayong araw.

Wala masyadong activities na pinagawa sa amin at puro nakakaantok na discussion lang ang naging sentro ng maghapon naming pag-aaral.

Aaminin ko, hindi ako gano'n ka-sipag mag-aral. Hindi ako gano'n kahilig magbasa at hindi rin ako 'yong tipong may matataas na gradong nakukuha tuwing exam. But it doesn't mean na nagpapabaya na ako. Ako lang talaga 'yong tipong average student kung ika-klasipika pagdating sa mga academic-related things. Ang goal ko lang naman ay ang maka-graduate ng kolehiyo.

Alas cuatro pa lang pero sina Hannah at Brent, nauna na silang umalis ng campus. Unlike me, hindi sila nagdo-dorm malapit dito. Mahigpit kasi ang parents ni Hannah kaya hindi siya pinayagang magdorm o magrent ng space malapit sa pinapasukan namin. Si Brent naman, committed siya kay Hannah at sa paghatid-sundo rito araw-araw.

Halos tuwing may pasok ko lang sila nakakasama or kapag sinu-swerte, I get to be with them some time during weekends. Isa pa, palagi silang missing in action dahil kung saan-saan sila pumupunta para magdate. Kaya madalas, mag-isa lang talaga ako.

Since mamayang alas cinco pa 'yong basketball practice namin sa gym, I decided to go to the cafeteria for a little while. Nakaramdam rin kasi ako ng gutom dahil sa maghapong discussion sa loob ng classroom. Pakiramdam ko'y pati ang mga bulate ko sa tiyan ay apektado rin ng boring na lessons kanina.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng cafeteria, unang bumungad sa akin ang mga magjo-jowang masayang kumakain sa kani-kanilang mga table. They look so happy. Sino bang hindi sasaya kung matapos ang maghapong pag-aaral ay makakasama mong kumain 'yong taong gusto mo?

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa counter. I ordered my casual thing, cheeseburger. After that, dumiretso ako sa vending machine para sa isang malamig na canned juice.

Habang patungo sa table na uupuan ko, some girls greeted me. I just smiled at them. Palagi namang ganito, they always do that. Some girls will ask me if I have a girlfriend at sa tuwing sinasabi kong wala, para silang nakarinig ng milagro.

To be completely honest, nagkaroon na ako ng ilang girlfriends noong high school pero simula noong mas makilala ko ang aking pagkatao at kung sino talaga 'yong taong gusto, hindi na naulit 'yon.

At the back of my mind, sorry girls, I'm not into your kind.

Nang makaupo na ako sa napili kong pwesto at nakagatan na ang cheeseburger ko, natigilan ako sa aking masarap na pagnguya nang mapukaw ng atensyon ang taong kakapasok lang sa loob ng cafeteria. Napangiti ako nang makita si Liam. Ngunit napawi 'yon nang mapagtanto ko kung sino ang kasama niya.

Ang best friend niyang si Carter.

Wala nang ibang Carter pa kundi ang singkit na lalakeng kinaiinisan ko at ang lalakeng pumunta sa department namin para lang hagisan ako ng bola kaninang umaga.

Nang tila naka-order na sila ng pagkain ay pumwesto sila sa table na lagpas limang metro ang layo mula sa pwesto ko. Bakit ba kasi dito ko pa naisipang umupo sa likuran?

Maraming babae ang nakatingin sa kanilang dalawa. Ang ilang lalake rito sa loob ng cafeteria ay hindi mo alam kung natatakot ba o nagagalit dahil sa mga tingin nila kina Liam at Carter.

Pareho silang gwapo at magkaiba sila ng uri ng ka-gwapuhan. Ngunit kung ugali ang pag-uusapan, walang siyang panalo kay Liam. Hindi ko nga alam kung bakit niya naging best friend ang Carter na 'to. Magkaibang-magkaiba silang dalawa ng personalidad para sa dalawang taong malapit na magkaibigan.

Hindi ko na naituloy ang pagkain ng cheeseburger kong nangangalahati pa lang. Habang tinitingnan ko kasi siya ay para na akong nabubusog. Makita ko lang 'yong kulay ng buhok niya, ang kulay sobrang asul niyang mga mata at ang kanyang ngiti, sobrang solve na ako.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon