Chapter 35

28.6K 1K 128
                                    


SEDRIC

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa loob ng banyo.

Patuloy sa paglagaslas ang tubig mula sa shower pababa sa katawan ko. Hindi na ako umiiyak, hindi katulad kanina. Ngunit habang iniisip ang mga nalaman ko kay Liam kanina, nadudurog ang puso ko sa sakit.

Hindi naman issue sa akin kung straight siya o hindi, eh. Tanggap ko naman kahit ano pa siya. Masakit na 'yong malaman kong wala akong pag-asa sa kanya dahil may ibang nagmamay-ari na ng puso niya. Pero mas masakit no'ng nalaman ko kung sino 'yon.

Kaya pala, kaya pala noon pa lang ay gano'n na niya tingnan si Carter. Akala ko kasi purong pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila. Akala ko rin na kaya gano'n na lang ilarawan ni Liam si Carter sa akin noong nasa Brews Clues Café kami ay dahil best friend niya ito. Mali pala ako. Bakit hindi ko man lang napansin? Ba't hindi ko man lang nahalata?

Bakit si Carter pa 'yong nagustuhan niya?

Lumabas ako mula sa banyo, lutang pa rin ngunit kailangan kong kumilos at magbihis. Dapat nga ay masaya ako ngayon, eh. We won the annual baskaetball tournament. And I became a big part of that success. Pero bakit hindi ko makuhang maging masaya ngayon? Ito ba 'yong kapalit ng pagkapanalo namin ng team? Ang pagkatalo ng puso ko kay Liam?

Hindi na sana ako pupunta pa sa bahay ni Coach Melvin if they aren't expecting me there. Parang hindi ko kayang makita si Carter doon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakita ko siya. Selos? Inggit? Inis? Hindi ko alam.

Pero siguro, mabuti na rin itong pagpunta ko roon. At least doon, may alak at pwede akong magpakalasing para kahit papaano ay makalimutan ko 'tong sakit na nararamdaman ko.

Sampung minutong byahe sakay ng taxi ang ginawa ko bago makarating sa bahay ni Coach Melvin. Bumaba ako sa tapat ng gate nito. May mga motorsiklong naka-parada sa labas no'n at ang isa sa mga 'yon ay pamilyar sa akin.

Hindi nga ako nagkamali nang makita ko 'tong nakasandal sa gilid ng gate. Nakangiti nang makita ako. Ngunit hindi ko siya mangitian pabalik. Pakiramdam ko'y lolokohin ko lang ang sarili ko kapag ginawa ko 'yon. Kaya't dumiretso na ako papasok ng gate.

"Uy, Sedric!" Pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko siya nilingon. "Hinintay pa naman kita. Sana pala nagsabay na lang tayong dalawa." Narinig ko 'yon pero umakto akong hindi. Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa loob ng bahay ni Coach Melvin.

"Nandito na pala 'yong star MVP ng taon, eh!" Kantyaw sa akin ng ilan kong ka-team nang maabutan ko sila sa sala, nagsisimula nang uminom.

Nginitian ko ang mga ito bago umupo sa tabi ng pinsan kong si Brandon na nandito rin ngayon. He greeted me at tinapik ko lang ito sa balikat.

"Pati si Ong ay late rin!" Pagpuna nila kay Carter na halos kasabay ko lang pumasok sa loob ng bahay ni Coach. Nakipag-apiran ito sa mga ka-team namin.

"Parang hindi naman kayo nasanay sa akin!" Pagsagot niya sa mga ito't umupo sa tabi ng iba naming ka-team, facing me. Nagtama ang paningin naming dalawa pero umiwas agad ako.

"Ikaw, Martinez? Anong dahilan mo?" Pabirong tanong ni Coach Melvin.

Natawa ako nang pilit. "Naidlip lang dahil sa pagod, Coach." Pagsisinungaling ko kahit ang totoo, nagbabad ako sa banyo. Late naman kasi talaga ako ng mahigit isang oras.

Nagtawanan ang masasayang ka-team ko. Inabutan kami ni Coach ng tig-isang beer mula sa dalawang bucket ng beer na nakahain sa lamesa na pinagigitnaan namin. Bukas na 'yon kaya agad akong lumagok ng inom.

"At dahil nandito na 'yong dalawa, uminom na tayo ulit!" Nakatawang anunsyo ni Coach Melvin sa aming lahat. "Gusto ko lang sabihin sa inyo na sobra akong proud sa pagkapanalo niyo. Nagbunga lahat ng practice ninyo at salamat sa pagbibigay ng karangalan sa ating team, pati sa buong campus ng UDMC!" Pormal na litanya nito at itinaas ang bote ng beer na hawak niya, mukhang may tama na ito ng alak.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon