Chapter 45

28.5K 981 113
                                    

SEDRIC

This is the day!

Matapos ang pag-uusap namin ni Liam kahapon, buo na ang desisyon kong magtapat ng nararamdaman ko kay Carter. Alam kong alam na nito na mahal ko siya pero gusto kong maging pormal ang lahat at sabihin sa kanya ito mismo. Handa na ako.

Ang pag-uusap naming iyon ni Liam kahapon ang nagtulak sa aking sarili para buksan ang puso ko at tingnan kung sino ba talaga ang laman nito. I love Liam. Minahal ko siya nang halos apat na taon at hindi ko akalaing hahantong ako sa ganito, that I will love a different person. Ang bestfriend niyang si Carter. Mahal ko pa rin si Liam pero kung may na-realize man ako sa mga nagdaang araw at sa madamdaming pag-uusap namin kahapon, iyon ay kung gaano ko na-a-appreciate si Carter ngayon. Ang totoo naman kasi'y hindi lang 'yong pananaw ko sa kanya 'yong nabago niya, pati puso ko. Siya na ang laman nito.

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa labis na pag-iisip at kasabikan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, kung gaano siya kahalaga sa akin ngayon. Hindi ko rin maiwasang mag-isip kung anong magiging reaksyon niya. Higit sa lahat, kung anong mangyayari pagkatapos no'n.

I even called both Hannah and Brent. Sa video chat naming tatlo, I told them everything. Kung anong mga nangyari na hindi nila alam at mga bagay na hindi ko nasabi sa kanila. Pati ang maliliit na mga detalyeng gusto kong sabihin sa kanila, ginawa ko. On top of that, kinuwento ko sa kanila kung paano nagsimula 'yong nararamdaman ko para kay Carter. Kung paano namin ni Liam na-settle 'yong tungkol do'n at kung paano ako nahulog kay Carter. I told them that I love Carter. They didn't believe me at first and thought I was tripping on them. Pero sa huli, I made them believe.

***

Pumasok ako sa bawat klase ko ngayong araw ngunit ang utak ko, lumipad yata kung saan. Hindi ako mapakali. Lalo na sa huling klase ko ngayong araw dahil pagkatapos nito, di-diretso na ako sa gym para kitain doon si Carter at magtapat sa kanya. Mixed emotions 'yong pakiramdam ko. Kinakabahan pero at the same time, excited.

"Hoy, Sedric Martinez!" Bigla kong tinapik ni Hannah sa balikat. Nasa kalagitnaan kami ng klase at kasalukuyang walang professor na nagbabantay sa amin. "Kaninang-kanina ka pang tulala d'yan. Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Hannah at ngumiti sa kanya.

"Kinakabahan kasi ako, eh. Hindi ako sanay sa gagawin ko mamaya at hindi ko rin alam kung anong kalalabasan no'n kaya hindi mawala sa isip ko 'yon kanina pa," pag-amin ko kay Hannah hawak ang ballpen ko. May seatwork kasing pinapagawa sa amin and yet, hindi pa ako tapos.

Biglang sumingit si Brent na nasa likuran namin ni Hannah. "Kaya mo 'yan, dude!" Pagchi-cheer nito sa akin. "Just follow your heart. Susuportahan ka namin," dagdag pa niya na nakapagpangiti sa akin.

Bigla akong tinapik muli ni Hannah sa balikat. "Basta ayusin lang niyang si Carter, ha? Hindi pa rin ako makapaniwala na magtatapat ka roon pero kapag pinaiyak ka niya, susugurin ko siya!" Pagbabanta nitong pabiro. Napailing ako dahil doon. "Pero nasa likod mo lang kami't naka-suporta sa'yo palagi ni Brent. Kahit ang dami na pala naming na-missed sa mga nangyari sa'yo!" Kunwaring pagtatampo nito na ikinatawa ko.

"Salamat sa suporta, guys!"

***

Nang matapos na ang klase naming 'yon, Hannah and Brent wished me a good luck bago sila umalis. Ako naman, kakaba-kabang naglakad na patungo sa gym. Alas cuatro na ng hapon.

Sigurado akong tapos na rin ang klase niya nang mga oras na 'to. Alam kong nasa gym siya ngayon dahil madalas ay doon siya tumatambay after class. Hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil sa gagawin ko. Iniisip ko na lang na it's now or never. Ayoko nang patagalin 'to at gusto ko na ring malaman niya kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na ako makapaghintay na masabi 'yon sa harap niya.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Onde histórias criam vida. Descubra agora