Chapter 50

54.4K 1.6K 657
                                    

SEDRIC

Matapos ang halos anim na oras na byahe ng bus mula sa syudad, sa wakas ay nakarating na ako sa Baguio. Napalunok ako nang makababa ng bus, it feels good to be back here again after a year. Napangiti ako habang naglalakad palayo sa terminal ng bus.

Masyado akong excited kaya't pumara agad ako ng taxi at bumyahe ulit patungo sa bahay namin. Hindi na ako makapaghintay na makita ang pamilya ko. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang nakatingin sa bintana ng taxi. Hindi pa rin nagbabago ang ganda ng Baguio at ang mga lugar rito. Parang kahapon lang noong huli ko itong makita.

Wala pang sampung minuto ay huminto na ang taxi sa tapat ng isang kulay asul na gate, sa loob no'n ay ang bahay namin. Nagbayad na ako't dala ang mga gamit ko'y bumaba na ako mula roon. Bumuntong-hininga muna ako bago ko tuluyang buksan ang gate na hindi naka-lock. Ma-swerte ako't alas cuatro ng hapon ako dumating rito. May pagkakataon pa akong ma-surpresa sila sa pagdating ko. Wala kasing ideya ang mga ito sa pagdating ko.

Nang sapitin ang tapat ng pintuan namin, agad kong nakitang nakatayo roon si Shane, ang bunso kong kapatid. Bakas sa mukha nito ang pagtataka't pagkagulat nang makita ako.

"Kuya Sedic?" Hindi ito makapaniwala habang nangingiti. "Ma, Pa! Si Kuya Sedric, nandito!" Agad niyang sigaw habang tinatawag sina mama at papa sa loob ng bahay.

Sumilip naman agad ang nakatatanda kong kapatid na si Ate Serena nang marinig ang pagsigaw ni Shane. Nagulat rin ito nang makita ako. "Si Sedric nga!" Nakangiti nitong usal nang makalapit ako sa kanila. "Ma, Pa! Bilis, lumabas kayo rito!" Pagtawag nito kila Mama at Papa.

Nang makalabas mula sa loob ng bahay, natutuwang-gulat sina Mama at Papa nang makita ako. "I'm back!" Masiglang sabi ko't agad silang niyakap. Pati ang dalawa kong kapatid. "Namiss ko kayo, sobra!" I told them.

Nang kumalas mula sa pagkakayakap, nagtaka si Mama dahil sa biglaan kong pag-uwi. "Hindi ka man lang nagpasabi anak na uuwi ka pala rito sa atin. Sana man lang ay nakapagluto ako nang masarap para sa'yo," ang sabi niya. "Tingnan mo nga't nangangayayat ka. Hindi ka yata nagkakakain doon, eh." Ang tipikal na nanay-line ni Mama.

"Biglaan po kasi 'yong plano kong pag-uwi kaya hindi ko na nasabi sa inyo," sagot ko't ngumiti. "At para surprise na rin," dagdag ko pa.

"Naku, papasukin muna natin 'yang si Sedric, Ma, Pa!" Ang suhestyon ni Ate Serena. "Doon na tayo sa loob magkuwentuhan," sabi pa nito.

Sumang-ayon naman si Papa. "Sigurado akong gutom ka na anak," inakbayan ako nito. "Marami-rami ka ring iku-kwento sa amin ng Mama at mga kapatid mo. Gagawin natin 'yan habang kumakain," dagdag pa ng nakangiting si Papa.

"Naku, mukhang kailangan kong magluto nang masarap-sarap ngayong hapunan!" Ani Mama. "Halika't pumasok na tayo sa loob," masayang anyaya nito sa amin at aktong papasok na kami sa loob nang maantala ito ng isang sigaw.

"Sedric?! Ikaw ba 'yan?!" Nang lingunin ko ito'y nakita ko ang babaeng nakasuot ng malaking T-shirt at panlalakeng short. Mahaba ang buhok nito't may sombrerong pabaliktad ang pagkakasuot. "Dumating ka na pala! Hindi mo man lang ako sinabihan!" Dagdag pa nito habang palapit sa amin. Napangiti ako dahil hindi pa rin siya nagbabago.

"Pareng Rovelyn! Namiss kita, ah?" Nakatawa kong sabi sa kanya.

Halatang nainis ito dahil sa pagtawag ko sa kanya. "Hoy, Seding abnoy! Huwag mo nga akong tawagin sa pangalang 'yon, pwede? Ang lakas maka-babae!" Nanghihilakbot nitong sabi. "Rovy nalang!" Dagdag niya't nagpogi sign sa harap ko. Lahat kami'y natawa sa kanya.

Namiss ko ang tomboy na kaibigan kong 'to!

She gave me a bro hug. Matapos 'yon ay pumasok na rin siya sa loob kasama namin. Halos walang katapusang kwentuhan 'yong naganap sa loob kahit hindi pa hapunan. Hindi lang ako 'yong nagkwento ng kung anu-ano, pati ang pamilya ko at si Rovy.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now