Kabanata 27

371K 13.1K 3.1K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 27 

My plan was stupid... and childish, but I was desperate to talk to him. O kahit makasama man lang siya sa isang lugar na hindi niya ako nilalagpasan o tina-trato na parang hangin. I wanted to give Parker space and time to forgive me a little... pero noong narinig ko na papadalhan niya ng bulaklak si Cindy—iyong ex niya, biglang parang nagkaroon ng countdown sa loob ng dibdib ko.

Jenny was hesitant to help, but she probably pitied me. Ilang beses niya na akong nakita na nasasaktan tuwing tinatapon ni Parker iyong mga bigay ko. But even though a small part of me died every time he'd do it, I held on. Alam ko kasi na dadating iyong panahon na pareho na kaming okay...

And maybe then, the timing would finally be right.

"Fuck," Parker said for the third time nung subukan niya na buksan iyong pintuan. Nakatayo lang ako sa likod niya at tahimik na pinapanood siya habang sinusubukan niya na buksan iyong pinto. Nakita ko na tinignan niya kung dala niya iyong cellphone niya, but thanks to my luck, hindi niya dala iyon.

Naglakad si Parker papunta sa pwesto kung saan naka-install iyong CCTV camera, pero nakuntsaba ko na iyong mga tao sa control room. Mabuti na lang at alam nila iyong sitwasyon kaya pumayag sila. Though sabi nila, one hour maximum lang daw.

Parker kept on waving at the camera, probably ay umaasa na mapansin siya. Malas niya lang na nautakan ko na siya.

"Shit," he uttered again. He looked around at ni hindi man lang siya huminto nung matapat iyong mga mata niya sa akin. It seemed like he purposely trained himself not to notice me anymore.

Para na talaga akong invisible girl pagdating sa kanya.

"Masasaktan ka lang," sabi ko nang subukan niya na sipain iyong pintuan. I got ignored, but I was worried that he'd injure himself dahil sa ginagawa niya.

"Parker."

He stopped kicking the door, but he still ignored my presence. Pumunta siya sa isang gilid na pinaka-malayo mula sa kinatatayuan ko at saka doon siya naupo. I stared at him and sighed.

'Sabi mo hindi ka susuko...' I reminded myself. 'Resilience, Genesis. Panindigan mo. Walang sukuan kahit gaano ka itaboy...'

Naupo rin ako sa kabilang gilid. The room was small, but it felt bigger because Parker felt so far away. Kahit na gusto kong mapanghinaan ng loob dahil sa sobrang lamig niya, pinanghahawakan ko iyong sinabi niya na gusto niya ako...

Because if you like someone, the feelings don't just vanish... kahit kakaunting feelings na lang 'yan, panghahawakan ko. Kakapit ako.

"Nung isang araw, nagpasama ako kay Preston," pagsisimula ko. Alam ko na naririnig niya ako kahit hindi niya ako pinapansin. "Nagdala ako ng flowers sa Mama mo... Nagsorry din ako sa kanya kasi nasaktan ko 'yung nag-iisa niyang anak na lalaki. Tapos alam mo ba? Biglang humangin nang malakas. Natakot si Preston kaya iniwan ako. Baliw talaga 'yung best friend mo," sabi ko habang naiiling.

Parker's eyes were still blank, but I pushed on. At least alam ko na naririnig niya ako. This was much better than the situation before.

"Anyway, sabi ko sa Mama mo, aalagaan kita. Kaya nga pinapadalhan kita ng dinner kasi alam ko na kapag babad ka na sa mga binabasa mo, hindi mo na naaalala na kailangan nga pala ng tao na kumain para makapagfunction." I sighed. "Alam ko na galit ka sa akin... Naiintindihan ko... pero 'wag mo naman sanang idamay iyong sarili mo sa galit mo sa akin. Kumain ka naman..."

The last thing I wanted was for him to get sick. Walang mag-aalaga sa kanya.

Baka si Cindy.

Just This Once (COMPLETED)Where stories live. Discover now