Kabanata 25

380K 11.7K 3.2K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 25 

It's hard to go to school lalo na kapag alam mo na pabagsak ka na... moreso kapag alam mo na makakasalubong mo ang ex mo sa hallway. And it's a misery when you know how hard it would be to see him while knowing that it's your fault why he's hurt.

Na kahit pinangako mo sa sarili mo na hindi mo siya sasaktan kagaya ng ginawa sa kanya ng iba, ikaw ang unang bumali sa salita mo.

Because I was weak. Like what Maven said. And Parker didn't deserve a weak girl like me.

"Ano? Hindi na talaga?" Nari asked me while she was munching on some fruits.

Umiling ako. "Hindi... at saka hindi ko na siya kaya na kausapin," sabi ko at saka nagbuntong hininga.

"Mahal mo pa rin, 'di ba?"

"Hindi ko na rin alam. Kasi kung mahal ko talaga si Parker, hindi ko naman talaga siya sasaktan nang ganoon, 'di ba?" sagot ko sa kanya.

"Mahal mo kaya nga ang paranoid mo," she preached. "Alam mo, Genesis, sabi ka nang sabi na hindi maka-move on si Parker kay Mary... pero sa lagay, feeling ko talaga ikaw iyong hindi maka-move on sa past ni Parker."

Napaawang ang labi ko sa mga sinabi ni Nari. "Baby ba talaga 'yang nasa tiyan mo? Bakit parang nagbaon ka ng wisdom?" sabi ko habang tinitignan iyong tiyan niya. Sabi niya, 19 weeks pregnant pa lang siya pero mukhang malapit na siyang sumabog sa sobrang laki ng tiyan niya.

Isa rin sa dahilan kung bakit hindi ko masyadong sinasabihan si Nari ng mga problema ko tungkol kay Paker dahil ayoko na ma-stress siya. Buntis pa naman siya. Baka mahawa pa iyong baby sa pagiging stressed ko at kapag lumabas, naka-kunot agad ang noo.

"Gaga!" she blurted out. "I mean, kinausap ko si Preston tapos tinanong ko tungkol kay Parker. Sabi ni Preston, ni hindi na nga raw nagtatanong si Parker tungkol kay Mary, e. Mukhang okay na talaga siya. At saka nung binyag kaya ni Cayden, nginitian niya lang si Mary as acknowledgement na nakita niya, but he didn't even try to talk to her."

My heart sank with what I heard.

"Tapos, alam mo ba, narinig ko si Mother Biscuit na tinatanong ka kay Parker!"

"H-ha?"

Nari animatedly nodded. "Oo kaya! Kahit medyo malayo ako sa table, nag-effort ako na marinig 'yung usapan!" she said. "Dahil mukhang moved on na talaga si Mother Biscuit sa pagpe-pairing kay Imo and Parker—"

"They're being paired?"

"Were, Genesis. Past tense, ha? Baka kasi mag-assume ka na naman," sabi niya tapos inirapan ko siya. "Anyway, alam ko na hindi ko naman story ito pero dapat kasi talaga, maintindihan mo muna iyong history between kay Mary and Parker—"

"I don't wanna know."

"But you need to know! Para naman alam mo kung bakit close talaga 'yang si Mary at Parker at kung bakit dapat hindi ka maparanoid. For the love of God, may asawa na si Mary! Jusko ka naman kasi talaga!" sabi ni Nari na kulang na lang e mapa-ire para mailabas niya na iyong bola sa tiyan niya.

"I just don't think knowing the story would make me change what I feel..." and I already hurt Parker. May mababago pa ba?

"Maybe, maybe not. But at least give it a try..." sabi ni Nari.

I sighed. "Fine. Tell me about Parker and Mary."

"Okay. Pero warning lang, ha? Version ni Preston 'tong maririnig mo so kapag may medyo OA na part, 'wag mo na masyadong pansinin kasi kilala mo naman iyong baliw na 'yun," Nari said and I nodded. My ears were attuned to every word she said. My heart ached every time she'd tell me about the time when Parker almost lost everything.

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon