Kabanata 20

435K 13.4K 1.9K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 20 

"Bakla ka! I'm so happy for you!" sabi ni Nari habang tumatalon-talon. Dahil sa sobrang excitement niya, napatalon na rin tuloy ako. Sobrang nakakahawa talaga ang energy ng isang 'to! Hindi ko talaga akalain na mas matanda siya sa akin dahil sobrang energetic niya. Ang hyper!

"Thank you!" I replied, beaming. Sabay kaming tumalon-talon, hindi pinapansin iyong mga tao na tinitignan kami dahil sa totoo lang, para talaga kaming baliw dalawa ni Nari.

Finals already ended at as much as possible, ayokong isipin ang grades ko roon dahil baka ma-depress lang talaga ako. Ang iniisip ko na lang, I already did my best... bahala na sa grades. At saka nag-e-effort naman talaga ako na mag-aral. Ayoko lang na i-depress ang sarili ko dahil baka mas lalo akong mangamote.

"San tayo? Libre mo ko!" she said.

"Ay grabe? Ikaw 'yung may trabaho sa atin, tapos ako ang manlilibre?" sabi ko sa kanya. Sobrang kuripot talaga nito. Ang yaman-yaman ng asawa tapos nagagawa pang magpalibre? Unfair.

"Ay? Ako ba ang nagka-lovelife? Ikaw kaya! Nakuha mo na finally si Parker! Nako! Kinikilig talaga ako!" Tawang-tawa ako sa reaction niya dahil mukha talaga siyang kinikilig.

"Hindi ka ba pinapa-kilig ni Preston kaya ka kinikilig sa lovelife ko?"

"Nako, 'yang si Preston e puro pagpeperform ang alam," sabi niya at saka kinawit ang braso niya sa braso ko. "Libre mo akong chicken joy tapos kwentuhan mo ako ng happenings lately," she continued.

Napailing na lang ako pero pumayag na rin ako. After all, kailangan ko talaga ng mapapagkwentuhan! Grabe kasi si Parker. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng time lumandi. Busy sa pag-aaral at sa pagtulong sa firm pero bawat araw, may time pa rin siya.

I let Nari order habang naghintay ako sa table. While waiting, my phone vibrated. Automatic na napa-ngisi ako nung makita ko iyong pangalan ni Parker.

"Yes?" I answered.

"Where are you?" he asked, his voice a little husky. Napa-tingin ako at nasa counter pa naman si Nari. Hindi kasi ako comfortable na kausap si Parker tapos may ibang nakikinig. Ewan ko ba.

"Kasama ko si Nari," I replied. "Bakit?"

"Just finished with work. I was about to ask you for dinner. Maybe tomorrow?"

I sighed. "Uwi ka na lang tapos puntahan kita 'dun. Ano bang gusto mong kainin?" I asked him. Nakapagpromise na kasi ako kay Nari na siya ang kasama ko sa dinner. Ayoko naman na maging babae na nagka-love life lang, nakalimutan na ang kaibigan.

"Anything sounds good," he replied and then yawned. Bigla naman akong naawa kay Parker. Literal na wala na talagang tulog ang isang 'to. Hinahati niya ang oras niya sa school, sa firm, at saka akin. Medyo nakakakonsensya pero... haaaay.

"Okay, sige. Pero pa-drive ka na lang pauwi. Baka maka-tulog ka pa sa manibela," I reminded him.

"Yes, ma'am," he replied.

"Seryoso nga kasi," bilin ko sa kanya. Kaka-simula pa lang ng pagpapakilig niya sa akin kaya hindi niya pa talaga ako pwedeng iwan!

"Alright, alright," he said, yawning again. "Text me your location. Papa-sundo na lang kita."

"Hala, hindi kasama ko naman si Nari. Idadaan niya na lang ako diyan."

"Is she not drunk?" surprised na sabi ni Parker. Grabe talaga! Pero seryoso din, may alcohol problems yata 'tong si Nari—pero sa wine lang naman. At saka hindi naman ako sasakay sa sasakyan niya kung lasing si Nari. Tatawagan ko agad si Preston dahil ang bilin sa akin ni Preston, i-contact siya once na maka-hawak ng kahit isang baso ng wine si Nari dahil nag-iiba talaga ang mood nung lukaret na 'yun.

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon