Kabanata 13

442K 15.1K 3.9K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 13 

"Naked Thursday?"

I groaned. "Yes, please!" Mabilis na inayos ko ang mga gamit ko at naghandang umalis. The past few weeks had been tedious. Every second of my day was accounted for—8 to 5 pm were spent in school habang iyong 5 pm hanggang 9 pm ay nasa law firm ako para magsort ng mga gamit. Pag-uwi ko sa apartment, nagbabasa ako ng mga required readings. Heck, I was lucky kung maka-dalawang oras ng tulog ako.

Pagbaba ko sa lobby, agad na nakita ko iyong sasakyan. Mabilis akong naglakad doon at pumasok. I just wanted to have a good time tonight. Pakiramdam ko ay mababaliw na talaga ako kapag aral at trabaho lang ang ginagawa ko.

"Busy?"

"Yeah," I replied at saka pinatay iyong cellphone ko. We had this rule—no phone during Naked Thursdays. Ito lang kasi iyong araw na hindi namin iniisip iyong nangyayari. It was like... freedom.

Pinikit ko ang mga mata ko habang nasa daan pa. I just had this crazy recitation earlier—at nagkataon pa na iyong nag-iisang case na hindi ko binasa kagabi dahil antok na antok na ako, iyon pa iyong natapat na tinawag ako. So, I had to endure the whole 5 hours worth of recit na naka-tayo. At kaunting sermon na paano ako magiging lawyer kung tamad akong magbasa. Same old stuff, nothing new.

Nang makarating kami, agad na umorder kami ng beer.

"Are you sure pwede kang uminom ng beer?" I asked.

Nari rolled her eyes exaggeratedly. "Gosh, para ka na ring si Preston! Hindi nga ako buntis!"

"I'm just worried," I calmly replied. OA kasi si Nari at hyperactive palagi—siguro dahilan kung bakit naging close kami. Sobrang mas kalmado kasi ako kumpara sa kanya. Complement iyong personality namin—well, aside sa isang bagay na never naming pagkakasunduan.

Saktong dumating na iyong order namin na beer at nagsimula na ang Naked Thursday.

"Sorry," she said. "Nakaka-pressure lang kasi. Sobrang vocal ni Preston na gusto niyang bumuo ng soccer team. Tapos ayan, buwan na pero hindi pa rin ako nabubuntis."

"Nagpa-check-up ka na ba?" I asked. Three months simula nung una kaming nagkakilala ni Nari, palaging ito iyong problema niya tuwing nagkikita kami. She felt pressured dahil hindi pa rin siya buntis ngayon.

"Hindi pa. Kinakabahan ako, e."

"It's just probably stress. May John na naman kayo, so impossible na may baog sa inyong dalawa," I replied para pagaanin ang loob niya. She's been a real good friend kahit na ang unang pagkikita namin, nasira ko iyong house dinner niya.

She sighed. "Siguro nga..." she trailed and then shifted her focus on me. "Ikaw? Kamusta? Deadma pa rin?"

I downed my beer before answering. I knew I needed to be honest with her—that's the reason for all the Naked Thursdays. Naked Truth. Kasi ito lang din iyong araw na pwede naming ilabas iyong iniisip at nararamdaman naming dalawa, no judgment.

"Yup. Nothing new," I replied.

"Grabe naman. Best friends talaga 'yang si Parker at Preston. Talent nila na magtanim ng sama ng loob."

I shrugged. "Naiintindihan ko naman si Parker na nagalit talaga siya sa ginawa mo..." I said and then smiled a bit. "But at least he's nice enough para ipasa ako sa law firm niya."

I had been attending law school for 3 months now at almost 5 months na akong nagtatrabaho sa law firm ng mga Palma. Wala akong sweldo dahil iyong sweldo ko, iyon 'yung bayad sa tuition ko. And the tuition in St. Claire's is no joke. Besides, nagsosort lang naman ako ng mga documents kaya wala namang problema.

Just This Once (COMPLETED)Where stories live. Discover now