Kabanata 21

401K 12.7K 2.3K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 21 

Nung Sabado, nagkulong ako sa apartment dahil marami akong kailangang pag-aralan. Sabay dapat kami ni Parker na mag-aaral kaya lang may kailangan siyang puntahan para sa firm. Okay lang naman sa akin since aware naman ako na marami akong kahati sa oras niya. Hindi naman ako selosa talaga. Kahit nung kay Tristan, masyado akong complacent sa relationship namin. Siguro kasi akala ko, ginagawa ko naman lahat ng tama. I was faithful, I was dedicated... hindi ko alam na kulang pa pala iyong dalawa na 'yun.

I didn't want to make the same mistake that I did with Tristan... pero ayoko rin naman na pagbawalan si Parker.

Kaya siguro pangaral ng mga matatanda na magboyfriend na kapag tapos na sa pag-aaral. Sobrang distracting talaga.

When Sunday came, maaga pa lang ay may kumakatok na sa labas ng apartment.

"Good morning," Parker said, with a cup of coffee in his hand. May paperbag din siya ng Starbucks sa kabilang kamay. Hobby kasi niya na dalhan ako ng breakfast dahil sabay naman kaming pumapasok sa school.

"Good morning," I replied with my hoarse voice. "Ang aga pa, ah," I commented. Sanay kasi ako na kapag ganitong weekend, late na nagigising si Parker para magbawi ng tulog. Tuwing weekdays kasi, literal na wala siyang tulog. Swerte na ang four hours sa kanya.

"Yeah. Tita Imogen said I need to be at the church before 9," sabi niya. "Did I wake you up?" I nodded habang medyo napipikit pa iyong mga mata ko. Past 3 am na nung natapos ako na magmemorize. "Alright. Go back to sleep," he said, smiling gently.

Tahimik ako na tumango. Sunday na pala ngayon.

Parker was looking at me. "I won't stay there for too long," sabi niya na parang pinapagaan ang loob ko. I just nodded, not really wanting to talk about it.

"Genesis..." pagtawag niya sa pangalan ko.

"Yes?"

He sighed, probably feeling that I was in no mood to further discuss kung paano na magkikita na naman sila ni Imo mamaya. Kahit pala na sa America nakatira si Imo, parang nandito lang din siya. Palaging umuuwi... palaging nakikita...

"Nothing. I'll see you later," sabi niya at saka tumalikod at naglakad palayo. I watched him walk away from me and then sighed. Ganito na lang talaga yata palagi.

Nang makaalis siya, hindi na ako nakabalik sa tulog. I felt guilty for acting cold dahil lang sa personal insecurities ko. Pero hindi ko rin naman kasi kaya pa na sabihin sa kanya... nakakatakot kasi talaga na marinig kung anuman ang sagot niya. Sa ngayon, kuntento na ako sa uncertainties.

Tahimik ko na kinain iyong dala niya na breakfast at saka nagsend ng text sa kanya. Ingat ka. Hindi na ako nag-expect ng reply dahil deserve ko naman kung magsusuplado siya sa akin. Pero nabigla ako nung maka-receive ako ng reply. I will. See you later.

Haaay. Nag-iba na ba talaga si Parker? Kasi kung dati ko sa kanya ginawa 'yun, sigurado na minimum of two weeks bago niya ulit ako kausapin. Pero ngayon, kahit aminado ako na ako ang may problema, sumasagot pa rin siya.

Mabilis akong naligo tapos dumiretso sa school. Nagtext ako kay Parker na doon na lang kami magkita. May kailangan din kasi akong kunin para sa isa kong subject. Pagdating ko roon, nagulat ako dahil may nanghiram nung research book.

"Pwede pong malaman kung sino ang nanghiram?" I asked the librarian. Kailangan ko kasi talaga iyong research dahil nandun iyong data na kailangan ko.

"Maven de Marco," tipid na sabi nung librarian.

Fuck. Really?

Gusto ko pa sanang tanungin iyong librarian kung sure siya na sa dinami-dami ng tao sa College of Law, si Maven ba talaga 'yung nanghiram? Hindi ko kasi alam kung paano ko kakausapin iyong tao! I basically told him to go fuck himself nung huli kaming nagkita! Tapos biglang kakausapin ko siya kasi may kailangan ako?

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon