Kabanata 28

383K 13K 3.5K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 28 

When sembreak came, mas lalo akong nabuhayan ng loob dahil alam ko na mas madalas kong makikita si Parker. Kapag kasi nasa school, hindi ko siya madalas makita dahil syempre, busy din naman ako sa pag-aaral. Ewan ko ba. Kahit kasi hindi ako pinapansin ni Parker, alam ko naman na malulungkot 'yun kapag bumagsak ako. Sobrang grade conscious pa naman nung tao na 'yun.

Bakit kaya hindi sila magkasundo ni Maven? Pareho naman silang grades freak. Grabe. Kulang na lang pakasalan nila mga law books nila, e. Tapos pareho din silang naka-salamin. Though, mas maangas nga lang itsura ni Maven. Tapos si Parker naman, more on the serious side.

"Good morning!" I greeted everyone I met nang papasok na ako sa firm.

"Nasa office na si Sir!" Manong Ben told me. Natawa naman ako. Kalat na yata sa firm iyong hindi pagpansin sa akin ni Parker. Everyone's rooting for me! Though alam ko naman na kasalanan ko rin kung bakit ganito ang trato ni Parker. But I firmly believe that everything happens for a reason. Oo, siguro hindi kami sobrang okay ngayon, pero ang maganda sa nangyari, nagkaroon ako ng chance na malinawan sa mga bagay-bagay.

Saka siguro, clean slate na rin namin 'to.

I was smiling to myself... and feeling a bit better... nang may makita akong babae sa office ni Parker. Agad akong natigilan.

I stood there, looking at them. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, pero pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Ayan ka na naman sa tamang hinala mo," I said to myself as I watched Parker talk to Cindy. Pilit kong inalis iyong atensyon ko sa kanila, pero iyong mga mata ko, ayaw sumunod sa akin. Nakatayo lang ako roon at pinapanood sila na mag-usap.

"She's his ex, Gen. Past na 'yan. Bakit ba ang dami mong trust issues sa katawan?" I continued berating myself. Baka naman kasi may pag-uusapan lang sila... After all, she's a part of his life. Iyong bago ako nakilala ni Parker. And it's not I could just wipe everyone from his past just to make myself feel better.

I really should just be mature about it. To suck it up and accept that things would not always go the way I want them to go... because that's life. You don't always get what you ask for.

Huminga muna ako nang malalim bago ko napilit ang sarili ko na tumalikod at maglakad palayo.

* * *

Lumipas ang buong umaga na nag-aayos lang ako ng mga gagamitin para sa mga cases. Nung dumating iyong lunch, lumabas na ako sa filing room tapos nadaaanan ko na naman iyong office ni Parker. He wasn't there kagaya nung mga nakaraang araw na halos doon na siya tumira.

I was staring at his office when I felt someone tapping my shoulder. "Okay lang 'yan, girl."

"H-ha?" naguguluhan na sabi ko kay Jenny.

"Pina-cancel ni Sir 'yung lahat ng appointments niya ngayong araw," makahulugang sabi niya sa akin.

I tried to smile. I was practicing not letting negative thoughts invade my mind. "Ah... baka busy lang. Deserve niya naman na magpahinga."

Jenny looked at me with pity... something that I didn't deserve. Sa paningin kasi ng mga tao sa office, ang sama ni Parker dahil ilang beses niya na akong hindi pinapansin. Lahat ng binibigay ko, hindi niya ginagalaw. But I knew otherwise. I asked for this when I dumped him...

In our short story, I was the villain.

...and maybe Cindy's the princess. Hindi ko alam. But our story wasn't done yet. Hindi naman siguro masamang umasa na baka huli, sa akin din siya mapupunta.

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon