"Kahit gaano kadaming signs ang dumating at matupad, kung hindi ka niya mahal, hindi ka niya mahal!" -MisterBanatero
Namiss ko magupdate. Hahaha. At nahihirapan na din akong magupdate! :) Thank you sa mga nagbabasa pa din. Kahit alam ko boring. Hahaha. ;)
-Hazelnot
Chapter 46
Andrea’s POV
Tinatamad akong makipagkita kay Clarice, pero naisip ko ay wala din naman akong gagawin pag dating sa bahay. Dahil panigurado ay hindi din naman ako makakapag-aral paguwi ko, makakatulog lang ako panigurado.
Naglalakad kami ngayon papuntang Luneta. Actually natuwa ako nung isuggest niya na pumunta kami dun. Kasi nakakasawa na din mag-mall.
Hindi ko naman talaga maisip kung anong gagawin namin dito. At dahil siya ang nagsuggest, baka naman mag alam siyang pwedeng gawin.
“Anong gagawin natin dito? Haha.” Tanong sa kin ni Clarice nung makarating na kami dito sa luneta.
“Uupo!” Pilosopong sagot ko kay Clarice. At umupo ako sa isang bench. Napagod din akong maglakad. Malayo-layo din yun. Magrereklamo na sana ako nung marealize kong pumayag din naman ako sa gusto niya, so hindi ako dapat magreklamo. Pero siya ang nakaisip neto eh!
Paglingon ko, wala na siya! Psh! San na naman kaya nagpunta yun? Tsk. Inisip ko kung hahanapin ko siya. Pero nagdecide ako na umupo na lang dito. Babalik din yun.
Nilabas ko yung earphones ko. Sinakasak ko sa phone ko. At nagsounds ako.
Nakarandom lang yung playlist ko….
I'm gonna pick up the pieces,
And build a Lego house
If things go wrong we can knock it downMy three words have two meanings,
There's one thing on my mind
It's all for youPinagmasdan ko yung mga taong nakapaligid sa akin. May mga batang tumatakbo at naglalaro. May mga pamilyang parang wala lang magawa. Meron din namang mga magkakaibigan na tila ba nantitrip lang. Meorn din mga nagddate.
Ang saya talaga magmasid-masid ng ibang tao sa paligid ko. Nakakaaliw kasi mapapaisip ka kung ano ba yung kanya kanyang storya ng buhay nila. Kung anong dahilan ng mga tawa at ngiti nila. Kung bakit sila nalulungkot at umiiyak.
Ano bay an, kung ano ano na naman iniisip ko. Inaantok na tuloy ako… Hindi ko namalayang napapikit na pala ako.
Clarice POV
Umalis ako saglit nung umupo siya. Dahil busy siya sa pagrereklamo dahil napagod siya maglakad, sure akong hindi na niya ako napansin na umalis.
Pagbalik ko, ayun siya, nakaupo pa din, nakaearphones, for sure nasasounds yun. Kasi gawain niya daw yun kapag magisa siya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. At napakingiti ako nung makita ko syang nakapikit. Pagod siguro siya kaya naman nakaidlip siya.
Sinamantala ko ang pagkakataon para mapagmasdan ko siyang mabuti. Nakakatuwa, parang ang dami niyang ginawa. Ang cute niya! Nawala yung nakakatakot niyang image. Tila anghel ang nasa harapan ko ngayon.
Unti-unti akong umupo sa tabi niya. Hindi ko siya magigising dahil semento yung bench na inupuan niya.
“Alam mo, kahit na ang sungit sungit mo sa kin, gusto pa din kitang makasama at makausap.” Halos bumulong na lang ako sa kanya para masiguradong hindi niya ako naririnig.
“Ang amo ng muka mo pag tulog, ang sarap mong titigan. Saka gustong gusto kong pisilin yung pisngi mo, pero ayaw kitang magising at magalit sa kin.”
“Hay ano bang meron ka. Bakit ako nagkakaganito sayo Andrea?”
Busy pa din akong pinagmamasadan siya ng biglang may nagplay sa likuran namin. “Pakisabi na lang na mahal ko siya, di na baling may mahal siya iba.” Psh! Badtrip mga kanta ngayon. Hay. Tigilan na nga tong pagiisip na to.
Unti-unti akong lumapit sa muka nya…
At dinampi ko yung malamig na tubig na binili ko kanina.
“Fudge” Nagising siya sa ginawa ko. At nakakatawa kasi gulat na gulat talaga siya! Hahahaha. Halos mapatalon pa siya sa kinauupuan niya. Hahahaha. Her reaction was priceless! :D
BINABASA MO ANG
Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)
RomanceIto ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexual/lesbian story, and "somehow" its a true to life story. :)