She still makes me smile! Chapter 34

6.3K 74 6
                                    

Sorry for it took me more than a week para makapag-update. I'll try my best na hindi to mangyari ulit!

Thank You guys! :)

-Hazelnot

Chapter 34

Andrea’s POV

 

“Naka-enrol ka na ba?” Tanong sa kin ni Ram sa kin.

“Hindi pa nga eh! Kasi may mga inassist pa ako na studyante kanina, kaya naubos na oras ko, ang bait ko talaga, inuna ko pang tulungan yung iba sa pageenrol kesa sa sarili kong enrolment. Haha” Sagot ko kay Ram.

Malapit na kasi ang pasukan, kaya eto busy na naman ako, kasi nagvolunteer ako para mag assist sa enrolment. Tutal wala din naman akong gagawin, might as well tumulong na lang ako sa school. Saka kahit na super pagod ako, nageenjoy din naman ako at the same time.

Pag-uwi ko dito sa bahay, nahiga agad ako sa sahig. Gawain ko kasi to kapag sobrang pagod na pagod na ako. Nagcheck lang ako ng wattpad sa phone habang nakahiga ako, kasi tinatamad pa akong tumayo para magluto ng kakainin ko.

Sa di ko malamang dahilan napadpad ako sa profile ni Clarice. Chineck ko yung story niya na Once Upon A Stranger. Himala, mahigit isang linggo na siyang hindi naga-update, dati naman, halos araw-araw siyang naga-update? Ano kayang problema neto?

That moment I realized na ilang araw na din pala siyang hindi nagtetext or tumatawag or nangungulit sa kin. Hindi ko masyadong napansin yun, kasi sobrang busy talaga ako dahil sa enrolment week nga ngayon.

Nakakapanibago talaga? Ni wala siyang bagong posts sa mb niya, or sa mb ng friends niya. Pati sa Facebook ganun din! Nakakapanibago talaga.

Naputol ang pag-iisip ko tungkol kay Clarice nung dumating yung ate ko.

Pagpasok pa lang niya ng pinto…

“Ading, nagluto ka ba?” (Oo nga pala hindi pa ko nagluto ng hapunan! Tsk!)

“Ay ate hindi pa, kasi sobrang pagod ko sa school, nagugutom ka na ba? Kain na lang tayo sa labas! Nakakatamad magluto! -___-“ Para akong batang nagsusumbong sa ate ko, dahil sa pagod na naranasan ko ngayong araw.

“Ok lang ading, eto may dala akong spaghetti, kumaen ka na.” Kung kanina ay hindi ako makabangon sa pagod, ngayon naman ay napakabilis kong bumangon. Nakarinig kasi ako ng spaghetti! :) Feeling ko may energy na agad ako eh!

Tumayo na ako, at kinaen ko agad yung dalang spaghetti ni ate! Grabe ang sarap talaga! :) Nararamdaman kong ang lapad na naman ng ngiti ko dahil dito! :D

“Huy Ading huminga ka naman! Lunok ka na lang ata ng lunok dyan eh! Hahaha. Mukang ilang araw hindi pinakain ah!” Sabi ni ate sa akin.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon