Gusto kita... Chapter 47

5.6K 71 34
                                    

Sorry kung ilang araw ako bago makapagupdate, kasi busy busyhan ang drama ko. Hahaha.

Pero I guess worth it naman yung paghihintay niyo! Hahaha.. Thank you so much sa mga naghihintay at nagbabasa pa din. :D

"Ang I love you ay hindi isang tanong na kelangan ng sagot!"

-Hazelnot

Chapter 47

 

Andrea’s POV

 

“Fudge.” Gulat na gulat talaga ako dahil sa malamig na dumampi sa pisngi ko. Pag bukas ko ng mata ko, nakita ko si Clarice. There she is, laughing at me. At wala namang ibang gumising sa kin kundi siya! I just stared at her with a blank expression. Sabi nga nila, biruin mo na ang taong lasing wag lang ang bagong gising. Tsk.

She just smiled at me. Tuwang tuwa siguro siya sa naging reaction ko. Tsk. Kung bakit ba kasi ako nakatulog. Pagod lang din ako.

“Water? :)” Hindi ko alam ang magiging reaction ko, kasi ang lakas din ng trip ng babaeng to. I don’t know why suddenly nawala na lang yung inis ko sa ginawa niya. Siguro dahil Haynaappreciate ko na bumili siya ng tubig para sakin? Ah ewan ko!

“Thanks.” Maikling sagot ko sa kanya. Wala naman akong dapat sabihin kundi thank you. Kaya naman inopen ko na yung tubig, kasi nauhaw din ako sa paglalakad naming dalawa. I was about to drink my water...

“Uy galit ka ba kasi ginising kita?” She holds my arm, that causes para hindi ko mainom yung tubig. Psh. Hindi ko alam kung nangiinis ba talaga siya o ano. Tsk.

“No. Its okay.”

 

“Promise? :)”

 

“Yeah.”

 

Wala na atang mas kukulit pa sa kanya. Hay. Kakaiba siya!

After nya ko kulitin she suddenly became quiet. At ang layo ng tingin niya, yung parang may malalim na iniisip, ganun. Then I stared at her. She’s not that beautiful like others, but she’s pretty. Makulit lang talaga. But I guess, I’m not here with her kung hindi dahil sa kanya.

I like her being calm and silent, pero mas gusto ko yung makulit siya. Kasi sa totoo lang kahit second meeting na naming to, ramdam ko pa din yung awkward phase. Para kasi siyang laging kinakabahan na hindi mapakali. I just want her to act normal. Kasi ganun naman ako sa kanya.

Clarice POV

 

Hay. Parang nainis siya lalo sa kakulitan ko. Well sinadya ko talagang inisin siya, para magso-sorry ako, para may masasabi ako sa kanya. Gulo ko din talaga. Haha.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Where stories live. Discover now