Phone Call.... Chapter 16

7.6K 87 9
                                    

@linjert21 Ate! Thank you kasi hanggang ngayon, suportado mo ko sa story ko. Uwi ka na, miss ka na namin, super! -___-

Hi guys! Sa chapter na to, malalaman niyo kung saan nagsimula yung story na to! :) Enjoy!

Thank you sa mga nagbabasa! Salamat! :D

_______________________________________________________________________________

Chapter 16

Andrea’s POV

Natawa ako bigla sa sinabi ko kay Clarice. Kasi naman yung text niya, halatang gustong tumawag. Sakto naman na wala pa din akong ginagawa kundi naglalaro kaya pinatawag ko siya.

Message: 1

From: Clarice

Hahaha, natawa ko sa text mo. Hindi ko naisip na tumawag pero dahil pinapatawag mo ako, sige tawagan kita maya, may gawin lang ako saglit.

-Hindi na ko pwede mamaya, so wag na lang. XD

Ayoko ng naghihintay sa tawag ng isang tao, kasi sa totoo lang mainipin ako. So ang ginawa ko naglaro na lang ako sa ipad. Past time ko din to, ang maglaro kapag wala akong ginagawa.

Hindi ko namalayan kung gaano ko katagal na ko naglalaro, pero parang wala pang 5 minutes, eto tumatawag na si Clarice. Ayaw ko na sanang sagutin pero sinagot ko pa din.

Ako: Hello.

Clarice: HIIIIIIIIIIIIII!

(Grabe ang taas na naman ng energy niya!)

“Ang taas naman ng energy mo!”

“Haha, wala lang, ewan ko ba bakit hyper na naman ako!”

“Ah baka may nakain kang papahyper.”

“Haha, baka nga, so kamusta ka?”

“Parang ang tagal nating di nagusap ah! Eto okay naman.”

“Masama bang mangamusta? Haha.”

“Ang saya mo palagi, tawa ka ng tawa.”

“Ayoko kasi ng malungkot, so anong ginagawa mo?”

“Eto naglalaro ako ng game sa ipad.”

“Para ka talagang bata, kasi parang larong pambata yang nilalaro mo eh.”

(Iniinsulto niya ba ako? -___-)

“Eh mahilig talaga kong maglaro, bakit ba.”

“Wala naman, nasabi ko lang. Haha.”

(Wala na kong masabi kaya naisipan kong magkwento.)

“Uy may ikukwento ako, okay lang ba?”

“Haha, sige lang, go lang. Ano ba yun?”

(Seryoso, bakit kaya siya tawa ng tawa, lahat ata ng sasabihin ko matatawa siya. Siguro nakadrugs tong si ate, laging hyper eh. Haha)

“May gusto ako, kaso hindi kami pwede.”

“Huh? Teka paano mo naman nasabing hindi kayo pwede? Umamin ka na ba?”

“Hindi kasi, alam kong straight siya. So malabong magustuhan niya din ako.”

“Nagparamdam ka ba sa kanya?”

“Ewan, oo, parang hindi ko alam.”

“Pwede ba namang hindi mo alam.”

“Basta magulo, kasi kinukwentuhan niya ako, na may gusto siyang guy.”

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon