Picture! Chapter 10

8.6K 98 1
                                    

One day when the sky is falling, I'll be standing right next to you!-LSS ko lang guys! haha

Chapter 10

 

AN: Naisip kong wag na ilagay yung buong conversation ni Andrea at Clarice for safety purposes? Hahaha. Saka para hindi kayo maboring sa usapan nila… :)

 

Clarice POV

 

Ilang araw na kami nagkakausap ni Excel, pero ni hindi ko pa din alam kung anong tunay na pangalan niya. Ang tanging alam ko lang sa kanya, isa siya author, babae siya, ***** graduate siya, at bisexual siya.

Nakita ko na din yung itsura niya, nagsend siya ng picture nya, kaso baby picture nga lang, as in baby! Parang mga 1year old pa lang siya dun sa pic na yun eh. Ang daya lang kasi nung nagsend siya ng link, talagang hindi mo matetrace kung saan galing yung picture, hindi ko kasi alam na pwede pala yun.

From: Excel

 Mag-exchange tayo ng picture :D yey. mauna ka. ako na nag-isip ng deal so ikaw mauna magbigay

 

Porket siya nakaisip ng deal kelangan ako una mag bigay ng picture? What if hindi siya tumupad sa usapan? Ang hirap naman ng ganito. Well I guess if I really want to see her face I have to take some risks? I don’t know. Bahala na nga, wala naman sigurong mawawala if ipakita ko yung itsura ko, feeling ko harmless naman siya. Hahaha

So end up, nagsend ako ng link, picture ko na galing sa facebook. For some reasons, parang kinabahan ako. What if dahil sa itsura ko hindi na siya magreply. Well hindi naman ako pangit, pero I admit na hindi din ako kaganda.

Inbox: 1

Yes nagreply siya! (So bakit naman ako tuwang tuwa? Eh lagi naman na siyang nagrereply sa kin, wala ng bago dun.)

From: Excel

Wow! Hi Clarice San Diego!

 

Bakit hindi ko nga ba naisip na kapag sinend ko yung link sa Facebook, eh makikita niya yung pangalan ko! Hindi pa ata ako nakaprivate at usually yung mga posts ko, info ko, is makikita ng lahat!

Magaling ka talaga Clarice hindi ka na naman nag-isip wrong move!” (And there, kinakausap ko na naman yung sarili ko for some reasons!)

Kahit naman anong gawin ko, hindi ko na mababago yung nangyari. I think I just have to trust a stranger?

Andrea’s POV

 

Akalain mo nga naman, picture lang hiningi ko, pati profile nya sa Facebook nakita ko na din! Haha. Hindi niya siguro alam yung way para makuha mo yung link ng picture na hindi makikita yung profile sa Facebook. Alam na alam ko yun, dati pa, kasi hindi ako yung tipo ng tao na mahilig magbigay ng personal info ko, lalo na kung sa isang wattpad user pa. Kasi Wattpad is a secret place for me. Dahil hindi naman ako open sa lahat ng tao about sa true identity ko.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon