What do I feel? Chapter 37

6.5K 77 9
                                    

"Ang pagibig ay parang bisitang hindi mo inaasahan, bigla na lang dadating."

-Hazelnot :)

Chapter 37

 

Andrea’s POV

 

From: Clarice

-Anong nakain mo ha?

 

Natatawa na naman ako dito kay Clarice, parang gulat na gulat siya sa message ko, tinanong ko lang naman kung kumaen na siya. Gusto ko lang naman itry magpakasweet, lagi na lang kasi siyang sinasabi na masungit ako. -___-

To: Clarice

-Bakit? Ano bang mali sa text ko? Tinanong ko lang naman kung kumaen ka na. :)

 

From: Clarice

-Hindi naman sa may mali, nakakapanibago lang kasi hindi ka naman nagtetext ng ganyan! Hahaha.

 

Oo nga naman may point siya, hindi talaga ko nagtetext ng ganun, lalo na sa kanya. Saka hindi naman talaga ko ganung tao!

To: Clarice

-Haha, natatawa ako sa sarili ko. Kinilabutan ako. Trny ko lang naman magpakasweet. Hindi ko talaga kaya. Hindi naman kasi talaga ako ganun! Hahaha.

 

Sinabi ko na sa kanya yung totoo. Natatawa na kasi ako eh. Ang simple lang nung pagkatext ko pero iba na sa pakiramdam. Uneasy talaga ko pagdating sa mga ganung bagay! Hahaha.

From: Clarice

-Hahahaha, adik ka talaga wag mo ng uulitin yon! Hindi nga bagay sayo! Magsungit ka na nga lang!

 

To: Clarice

-Hindi na talaga! Haha.

 

Clarice POV

 

Sabi ko na nga ba! Nangtitrip na naman yung babaeng yun! Kasi impossible ata na magtetext siya ng ganun sa kin.

Kahit na alam kong trip lang yung pagiging sweet niya, sa totoo lang deep inside, umasa pa din akong baka totoo yun, baka hindi biro, baka seryoso na siya. Kaso hindi talaga eh. Haaaaaay.

Kanina lang kilig na kilig ako sa text niya, at take note tuwang tuwa talaga ako, pero ngayon naman, nalulungkot ako.

Ramdam na ramdam ko yung kirot sa puso ko. Ano bang nangyayari sa kin! Hindi na ba ko nagsasawa sa ganitong set up. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko, kung bakit ba kasi natutuwa ako sa taong wala namang pakialam sa akin. Iba na ata tong nararamdaman ko. Gusto ko na atang tumigil, or should I say, gusto ko ng tigilan. Baka kasi kapag lumalim pa tong nararamdaman ko, hindi na ko makaahon pa.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon