Date? Chapter 45...

5.1K 63 9
                                    

"Isang araw may taong dadating sa buhay mo at magpapaintindi sayo kung bakit hindi kayo nagkatuluyan ng ex mo." -Random Quote 

Kung bakit ganyan na lang kaikli ang update, please wag niyo po akong sisihin dahil si flappy bird ang may kasalanan neto at hindi ako! -_____-

-Hazelnot

Chapter 45

 

Clarice POV

 

Ilang araw ng nakakaraan pagkatapos ng meet up naming ni Andrea. Natutuwa ako kasi akala ko, pagkatapos ng meet up naming dalawa ay magiging strangers na lang kami. Hindi ko ineexpect na masusundan pa pala yung pagkikita naming yun.

Dapat ay nakauwi na ako sa amin, pero nandito pa din ako sa Manila. Gumawa ako ng paraan para makapagstay pa, kasi gusto ko pang makasama si Andrea. Kahit na saglit lang. Kasi alam ko na baka pag pinakawalan ko pa yung pagkakataon na makita at makasama siya, manghinayang ako pag dating ng panahon.

 

To: Andrea

-Tapos na klase mo?kain tayo! Nagugutom ako! Sige na!

 

-Magrereview pa ako. May exam pa kami!Psh.

 

-Sige na! :)

 

-Okay sige na nga!

 

-Yes! Papunta na ko dyan! :D

 

Yey! Hahaha. Ang saya ko lang. Akalain mong pumayag ulit siya? YES! :)

After 10minutes nandito na ako sa labas ng mall, kung san malapit yung school niya. As usual, mas nauna na naman ako sa kanya. Late talaga siya lagi. Tsk.

Ilang minuto pa ay dumating na din siya. Nakat-shirt lang sya na white, nakapants, nakalugay ang buhok niya, nakashoes. Ang simple niya. Ang cute nya! O____O

“Kanina ka pa?” Yan ang naging bungad niya sa akin.

“Hindi naman, kakadating ko lang din, traffic kasi eh.”  Sagot ko namam.

“Anong gusto mong gawin?”

 

“Kahit ano, ikaw ba anong gusto mong gawin?” Shi*t lang, bakit ba pag dating sa kanya lagi na lang akong walang masabi! -___- Nakakainis!

“Wala din akong maisip eh. So kung wala tayong maisip parehas na gagawin, uuwi na lang ako.” Tignan mo tong taong to, umatake na naman ang pagiging masungit eh! Tsk. Pero sa totoo lang, makita ko lang siya, okay na! Kumpleto na yung araw ko! *___*

“Tara Luneta.” O_______O

Pakiramdam ko ay nabobo ako ng konti sa suggestion ko. Ang corny ko naman kasi. Ano namang gagawin naming dun? Saka ang daming tao dun. Tapos..

“Sounds good. Tara? :)” Yung ngiti niya! Matutunaw na ako! (Ang feeling mo Clarice!)

Haaaay. Ngayon napapaisip na naman ako kung anong gagawin ko. Kelangan ako ang mag-isip dahil ako ang nagsuggest! Tsk. Namomroblema tuloy ako! Bahala na nga!

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon