Facebook Friends... Chapter 21

7.2K 89 9
                                    

Chapter 21

Clarice POV

Dalawang araw ko ng alam yung totoong Facebook niya, simula noon ay naging madalas ulit ang paguusap naming ni Andrea. Lagi ko pa ding tinitignan yung Facebook niya, pero hanggang ngayon, hindi ko pa din siya ina-add.

There is a part of me na natatakot. Kasi baka hindi niya din ako iaccept. Kasi sa iilang tao na nakakaalam ng Facebook account niya na nasa wattpad, wala ni isa dun ang friend niya sa Facebook. So I assume na ayaw niyang irelate ang Facebook account nya sa Wattpad.

Kanina ko pa siya katext. Kung ano ano lang napag-uusapan namin.

Dahil tinamad na akong magtext tumawag ako.

Calling: Andrea…

“Hello!” Yan ang bungad niya sa kin! Mukang maganda ang mood niya ah.

“Hi, anong ginagawa mo?”

“Wala nagchecheck lang ng Facebook saka Wattpad.”

“Himala sumagot ka ng tawag ngayon. Haha” Kasi 830 na ng gabi, usually nandun na yung ate nya sa condo nila, kaya hindi na siya tumatanggap ng tawag.

“Mag-isa ko lang kasi dito ngayon.”

“Bakit? Nasan si ate?” (Maka-ate ako eh! Hahaha, Feeling close lang kay ate! Char!)

“Lumabas siya, gumala with friends.”

“Ah kaya naman pala, ikaw ba hindi ka mahilig lumabas, I mean night out.”

“Hindi eh, usually pag wala ako dito ng ganitong oras, nag-oovernight ako sa mga kaibigan ko.”

“Ah, talaga? Sabagay mas okay yun, nakakatamad din gumimik eh!” (Tinatanong nya ba ako? Haha. Eh sa gusto ko lang sabihin. Wala na din kasi akong masabi.)

Habang magkausap kami, nagpapiano lang ako.

“Ay nagpapiano ka pala ngayon.”

(Hindi, guni-guni mo lang yun! Haha.) “Oo eh, magpiano ako, Kanta na nga!”

“Ayoko nga!”

“Sige na.” Habang pinilipilit ko siyang kumanta, pinapiano ko yung Just the Way You Are ni Bruno Mars. Mejo favorite ko kasi yun. Saka yun lang yung mejo alam ko! Haha.

“Hmmmm, ayoko yan, alam mo yung Bubbly?”

For a while inisip ko yung tono nun, familiar, pero hindi ko pa tinatry tugtugin yun. So ang ginawa ko, kinapa ko siya. Kasi hindi ako marunong bumasa ng nota, usually pinapakinggan ko lang yung kanta saka ko tinatary tugtugin. (Gusto niyo sample? Haha.)

Mejo nakuha ko na yung kanta, nagulat ako nung nagsalita siya.

“Ikaw na magaling, nakuha mo agad!” (Seryoso ba tong pinupuri niya ko? Medyo hindi kasi ako sanay. Baka kung nilait niya yung pagpapiano ko, hindi pa ako nabigla. Hahaha. -____-)

“Hindi pa nga eh, hindi ko na kasi masyado maalala yung tono. Haha.”

Ganun lang usapan namin. Simpleng conversation lang, pero some how, there’s a part of me, na gusto ko sana lagi ko siyang nakakausap.

Madalas ko  lang kasi siyang kinukulit, lalo na pag alam kong nasa mood siya magkwento. Lagi ko kasi siyang tinatanong ng kung ano ano, at ang lagi kong dinadahilan ay “para to sa story ko”. So technically para ko siyang iniinterview, at sa mga simpleng conversation nalalaman ko yung ugali niya.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon