Bistro Night... Chapter 27

6.9K 76 20
                                    

Update para kay ate Odes na may pasok na bukas at nagaantay ng update ko! hehe...

:)

-Hazelnot

______________________________________________________________________________

Chapter 27

 

Clarice POV

 

Hanggang ngayon nandito pa din kami sa coffee shop, mga 30 minutes na ang nakakaraan, pero iyak lang siya ng siya. Parang gripong hindi masara yung pag tulo ng luha niya! -____-

Ako eto, nga nga. Kasi hindi ko naman alam ang gagawin ko, mas lalong hindi ko din naman alam ang sasabihin ko, dahil hindi ko naman alam kung bakit siya umiyak na lang basta! Napapayosi na lang ako eh! Nakakatense pala yung ganito!

Kaya naman naisipan ko na siyang kausapin, bahala na si Batman! Kasi kung hindi ko pa gagawin yun, baka abutin kami ni haring araw dito!

Muli akong lumapit sa kanya, at marahan kong hinagod ang likod niya, na tila ba pinapatahan ko siya, well yun naman talaga ang ginagawa ko. Hanggang sa nagulat na lang ako nung humarap siya sa akin at niyakap ako!

“Ano bang problema mo? Sabihin mo sa akin makikinig ako.” Hindi ko na napigilang hindi magsalita.

“Mahal mo pa ba si Shayne?” Tanong niya sa kin habang dahan dahan niyang tinanggal ang pagkayap niya, saka siya tumingin sa mga mata ko.

“Si Shayne ba ang iniiyakan mo?” Hindi ko alam kung bakit may konting kirot akong naramdaman nung nabanggit niya si Shayne.

“Pl-please na-naman sagutin mo y-yung tanong k-ko.” Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Isha nung binitawan niya ang mga salitang yun. Tila ba naghahanap siya ng kasagutan.

“Mahalaga pa ba yan ngayon? Wala na kami Isha, alam mo yan, impossibleng hindi mo yan alam.” Medyo tumaas ng kaunti ang boses ko, kasi naman hindi ko maintindihan yung point niya.

“Oo mahalaga yun sa akin dahil mahal ko si Shayne!” Wow! Bakit parang nabigla pa ako? Eh last time na magkakasama kami halos hindi sila mapaghiwalay na dalawa. Yung mga tinginan na kakaiba. Alam ko namang may something na sa kanila nun. Tanga ako pero hindi ako bulag.

“Ayun naman pala, muka namang gusto ka din niya. :)” Yan na lang ang nasabi ko. Pinilit kong ngumiti, sana maniwala siyang totoo ang ngiti nay un kahit hindi naman talaga.

Muling tumulo ang luha sa mga mata niya. Ramdam ko ang sakit niya. Pero ang hindi ko maintindihan, ay kung saan ito nanggagaling at kung ano ang dahilan, kung bakit kelangan niya pa akong makausap. Ang dami kong tanong sa utak ko, na hindi ko alam kung paano ko itatanong sa kanya.

“Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito ngayon?”

 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon