Kiss sa cheeks... Chapter 48

4.8K 68 15
                                    

Ngayon pa lang ay humihingi na ko ng patawad sa kaiklian ng chapter na to. Hahahaha.

Una, lutang ako.

Pangalawa, antok ako.

Pangatlo, nasabakasyon pa ang utak ko. :) Hahaha.

Thank you sa mga bagong readers! 

Yung kahit gaano ka pa kagaling magpayo, kapag ikaw na mismo ang may problema, hindi mo na alam ang gagawin mo.


-Hazelnot

Chapter 48

 

Clarice POV

 

Patuloy pa din kaming naglalakad papunta sa condo niya. Kung kanina ay makulit kaming nagkukulitan at nagkukwentuhan, after ng sinabi ko, eto kami ngayon, nababalot ng katahimikan. -_____-

Haaaaaaay. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at sinabi ko yun! Ang awkward na tuloy. -___-

Ang hirap pa neto, kasi hindi ko naman kung anong nararamdaman niya tungkol sa sinabi ko! Psh. Buti na lang bigla siyang nagsalita, kundi baka napanis na yung laway naming parehas.

“Kelan ka uuwi sa inyo?” Tanong niya sa kin. Ano ba yan, gusto na niya ata akong pauwiin sa amin. Ayaw niya ba ko makasama! Haha. O diba nakuha ko pag magisip ng mga ganyan pagkatapos ng nangyari.

“Ah bukas uuwi na din ako, wala na din naman akong gagawin dito.” At wala na din naman akong pag asa sayo, ano pang point para magstay ako? Wala na diba?

Kung sana kaya ko din sabihin ang mga bagay na yan sa kanya. Kung sana may lakas lang ako ng loob para sabihin sa kanyang, totoo yung nararamdaman ko para sa kanya, at hindi joke lang.

Kaso eto pa din ako, takot mareject. Sino ba naman ang taong gusto mareject ng taong mahal nila? Wala naman diba?

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa condo kung san siya nakatira.

“Dito ako nakatira. :)”

 

“Ah talaga? Ang lapit nga lang, walking distance. :)” Pero pakiramdam ko kanina habang naglalakad kami feeling ko wala ng katapusan yung paglalakad namin eh.

“Oh hindi mo na kelangan mag stalk sa kin, baka mamaya kasi sundan mo pa ko. Hahaha.” Ang kapal din neto eh! Hahaha. Well kung sa bagay may possibility nga na gawin ko yun, knowing me. Hahaha.

“Haha, ang yabang mo din talaga nu? Haha.”

“Actually hindi ako nagyayabang. :) Nagsasabi ako ng totoo. Haha.” Haaaaaaay, mas lalo akong naaattract sa kanya sa mga kayabangan niya. Psh. Ganun ba talaga kapag gusto mo yung isang tao? Tsk. Eto na ba yung tinatawag nilang love is blind? Hahahaha.

“O sige na, aalis na ko, para makapagpahinga ka na din. :)”

 

“Sige sige, magiingat ka! Thank you for today! :)” Grabe! Feeling ko yung “Thank You” na sinabi niya, “I like you” sa pandinig ko! Hahaha. Napangiti na naman ako, pero kelangan ko ng talikuran siya, dahil feeling ko namumula na yung pisngi ko! Hahaha.

“Bye! :)” And I smiled. Pero bago pa siya makapasok ng condo…

“Andrea!!! Wait!” Sigaw ko sa kanya. Sabay lapit sa kanya, at humalik sa pisngi niya! *____*

Pagkatapos ng ginawa ko ay tumakbo ako ng mabilis na mabilis, at hindi na hinintay pa ang reaction niya!

What am I thinking??? -______-

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon