I'm interested in you... Chapter 5

12K 157 30
                                    

Chapter 5

Clarice POV

Minsan talaga hindi ko na napapansin ang oras. Dahil sa pagkabored, at pagkabusy. Kaya hindi ko rin napapansin na, mabilis lumipas ang panahon.

Tulad ngayon, ilang araw na lang magbibirthday na ko, parang wala namang bago, ganun pa din sa dati. Hindi ko akalain na pagkatapos ng isang taon, ganun pa rin ako.

Nawawala ako sa focus, oo nga pala 15 hours ago, ibig sabihin birthday niya ngayon. Ang galing lang sakto, kung kelan parehas kaming online, birthday pa niya. Ang simpleng bagay lang kung iisipin, simpleng bagay na nagpapangiti sa kin ng sobra. :)

Hindi ko pa din maexplain bakit gusting gusto ko siyang makilala. Natutuwa lang siguro ako dahil nagrereply siya. Na nagkakaron siya ng time na sumagot sa mga tanong ko, at mukang willing naman siya makipagkaibigan sa kin.

But the truth is, I really admire those bisexual na magaling magsulat. Siguro dahil isa akong frustrated writer.

Hindi ako yung tipo ng tao, na gagawa ng isang topic para humaba yung conversation namin ng kausap ko, pero kung interesado talaga ako sa isang tao, I would really think of something, para lang makausap ko siya. Kahit nga minsan, parang wala ng kwenta yung mga pinagsasasabi ko okay lang din, para paraan lang para makahanap ako ng way para maging close kami nung taong yun. Tulad ng ginagawa ko ngayon.

Kung bakit tinanong ko kung single pa siya? Simple lang, dahil interesado ako sa kanya. Kaya sana Oo ang sagot niya! :)

From: Excel

salamat sa pagbati :)

I have to say, may dalawang wattpad readers na akong napagbibigayn ng real identity ko :) Pero none of them are my friends on facebook :) And wow. ano kayang bagay ang interesting sakin, haha. Pero dba nga sabi nila, people get attracted to mysteries and maybe, just maybe, since wala kayong alam sakin baka nagiging mystery ako, I don't know. This is just me babbling nonsense.

(I suddenly feel excited, kasi kung may napagbigyan na siya ng real identity niya na wattpad reader, baka sakali ibigay niya din sa kin yung real identity niya. I’m really excited to know more about her, but then ayoko siyang madaliin. But I’m really looking forward to see her in person. Sana balang araw, makita ko siya, at makasama, kahit sandali lang.)

Wow. Hi ate >:) Advance happy birthday then.  Hooray to preferences! :D Six month rule :) Naniniwala akong kapag ang isang attraction ay less than six months, hindi yun dapat sineseryoso pero kung lumagpas na edi dapat ka na matakot. I do it all the time. Most of my crushes don't last for six months. Pag may lumagpas tsaka lang ako gumagawa ng paraan or any action like taking it seriously and confessing.

(Nakakaamaze yung mga taong tulad niya, sa totoo lang kasi, it’s my first time to hear such thing. Ako kasi wala sa span of time yan, kapag gusto ko, gusto ko. May mga nakarelasyon nga ko, wala pang 2 months kaming magkakilala naging kami na agad. Pero once I get into a relationship, sure ako na mahal ko yung tao nay un, hindi lang basta attraction.)

Salamat :) sa pagpapalakas ng moral.  Well anyway, yes I am single :) why did you ask? (no offense meant) :)

SINGLE pa siya? YES! May pag-asa na ko sa kanya. Haha. Well, I don’t have any plans na ligawan siya. It just suddenly escape from my mind. :) Siguro natuwa lang ako dahil kung single siya, ibig sabihin walang magagalit na may ka-message siyang iba. :)

Sa sobrang tuwa ko, agad akong nagreply sa kanya.

Andrea’s POV

Napansin kong 4pm na pala, at napatingin ako sa sink namin. Hindi pa pala ako nakakapaghugas ng mga pinggan. Natambakan na naman ako ng hugasin. -___- Kahit tamad na tamad akong kumilos, tumayo ako para mag hugas na. Maya maya kasi dadating na din yung mga kaibigan ko, nakakahiya naman sa kanila kung maabutan nilang madumi dito sa bahay.

From: Ella

Cool! Ako, marami ng nakakaalam kung sino ako dito sa wattpad, in fact they are my friends on facebook, but having a true friend in here?I guess I only find one. Mahirap naman kasi talagang magkahanap ng totoong kaibigan in this kind of interent world, dba? Pero anong malay natin, we can be friends for real? So what do you think about that? :) So if I'm attracted to mystery, and for now you are a mystery to me, does it mean that I'm attracted to you?

(Ang lakas bumanat ni ate, haha. Natawa lang ako sa kanya. Is  she trying to flirt with me? If yes, then the game is on.) :)

Ohhh, can you please not call me ate?haha, I feel old, and it doesnt feel good, coz I'll always be young at heart! :)

(Ano kayang itatawag ko sa kanya, eh mas matanda naman talaga siya sa kin.)

Six months rule... that is kinda cool...

Why did I ask if you are single? I'm interested in you that's why I asked that.

Wow! Yun lang ang masasabi ko. Kasi naman ilang araw ko pa lang siya nakakausap, tapos ni hindi naman talaga niya ko kilala, ni hindi pa niya alam kung anong itsura ko, tapos sasabihin niya interesado siya sa kin? Pero sa kin na din ng galing na ang ibang tao ay naattract sa mystery, isa siguro siya sa mga taong ganun at isa akong misteryo para sa kanya.

Ang hirap lang paniwalaan. Kung ako may 6 month rule, xa ata 6 hours rule. -___-

But honestly, natutuwa akong malaman, na may taong interesado sa kin. Kaso kakaiba itong si Ella. Ang bilis!

From: Ella

Are you busy? Or did I say something you don't want? Sorry im just a little paranoid, hindi ka na kasi nagreply. Pacenxa na kung makulit ako.

Ganun ba ko katagal nag hugas ng plato?

Clarice POV

From: Excel

No worries. naghugas ako ng plato kasi medyo natambakan na ko.

(Akala ko naman nagalit na siya sa kin, paranoid lang kasi ako, dahil natutuwa ako sa kanya, at ayokong dumating kami sa point na, bigla na lang siyang mawala na parang bula. Kasi kapag nangyari yun. End of story na para sa min. Story na, hindi pa nga nagsisimula, matatapos na. -___-)

Medyo gusto ko kasi iseparate ang wattpad sa real life. Naniniwala naman ako sa sinabi mo. online connections are not stable. I mean we talk online but personal hang outs are way different. I don't know. akin lang naman yun pero malay mo ikaw ang exception sa paniniwalang kong yun :)

(Sana nga balang araw masabi niya sa kin na, “You are the only exception”. Hahaha, Libre naman mangarap diba?) :)

Haha. logic mo ha. :) ikaw makakasagot niyan. Hindi ko naman pwedeng idikta sau na attracted ka sakin. :p

Awww. Hindi kita pwede tawaging ate? 4 years younger ako sau eh. haha kidding :)

(Lakas niya mangasar. -___- Ang mean niya. Pero syempre I always look on the brighter side. Good thing na inaaasar na niya ko, pakiramdam ko nagiging close na kami. Haha)

 Interested in a romantic way or friendly way? :)

Kelangan ko bang sagutin yang tanong niya nay an? Bakit parang kinabahan ako. Hindi naman yan Miss Universe question, hindi naman din yan tanong sa exam, pero ang hirap sagutin. Ano nga ba?

_____________________________________________________________________________________

Guys nalilito ba kayo kung bakit Excel at Ella yung sa messages tapos Andrea at Clarice yung POV? Kasi, Ang tunay na pangalan ni Excel is Andrea, and si Ella is Clarice. :) Just want to make it clear.

Thank you sa vote guys! :D

-Hazelnot

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon