Chapter 49: Baby

459K 5.5K 960
                                    

KATHERINE

Nagising ako ng wala si Liam sa tabi ko. Napatingin ako sa paligid ko, at naalala ko yung mga nangyari kagabi. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, ibang ibang Liam na talaga ang kasama ko ngayon. Hindi na sya yung Liam na walang pake sa mundo at makasarili. Kagabi, ramdam na ramdam ko na mahal nya talaga ako. Pinaalala nya sakin nung una namin ginawa yun, yung pinilit nya ko. Nag sisisi sya kasi hindi daw nya ginawang maganda yung unang experience ko sakanya. Natawa nalang ako kasi sorry sya ng sorry. Hindi sya napapagod kakasabi sakin ng sorry.

Hindi ako nag sisisi na bumalik ako sakanya, laking tuwa ko pa nga na naging maayos na ang lahat lahat saamin. Bumangon na ko sa kama at nagsuot na ng damit. Akmang lalabas na ko ng kwarto ng biglang pumasok si Liam na may dala dalang tray. Napatingin naman ako sa hawak nya at may dala syang.. Pagkain?

"Goodmorning." Nakangiting bati nya sakin. "Breakfast in bed?" Taas kilay na sabi nya, kaya bumalik naman ako at umupo sa kama. Kailan pa sya natuto mag luto?

At ang niluto nya pa, sopas. Umupo naman sya sa tabi ko at kinuha yung bowl ng sopas.

"Kailan ka pa natutong magluto?" Nakangiting tanong ko sakanya.

"Kanina lang, nanuod ako sa youtube." Sagot nya. Si Liam, nagluto? Sa pagkakatanda ko nilinis ko pa yung mga kawaling nasunog nya. Napatingin naman ako sa sopas, mukha namang masarap at ang bango ng amoy. Siguro masarap naman talaga.

"Sabihin mo sakin pag masarap o hindi ah. Ahhh.." Sabi nya at sinubo ko naman yung kutsara.

"M-masarap?"

"Mmm.. ang sarap!" Nag thumbs up pa ko, kahit sa totoo lang.. Ang tabang ng sopas. My god Liam, pasalamat ka mahal kita kaya kahit ganyan yung luto mo kakainin ko padin. Bigla nya naman ako sinubuan ulit, wala naman akong ibang magagawa kundi kainin ko nalang yung luto nya, sayang naman kasi yung effort nya.

"Sorry.. kung hindi ganun kasarap, ngayon lang kasi ako nag luto nyan eh. Masarap ba talaga?" Tanong nya, parang nahalata nya siguro na hindi ako nasarapan. Natawa naman ako sa isip ko.

"Oo, masarap nga!" Natatawang sagot ko.

"Talaga?" Sabi nya, nagulat naman ako ng bigla nya kong hinalikan. "Masarap?" Tumango naman ako.

"Yung kiss ko masarap?"

"Liam!"

Natawa naman sya, kagabi pa ganyan si Liam eh, hindi ako tinitigilan sa pag hahalik. Sabi nya sakin utang ko daw sakanya yun. Kaya daw tatadtadin nya ko. Hindi ko talaga akalain na may mga ganitong sides si Liam, akala ko kasi wala lang syang ibang gawin kundi saktan ako. Pero ngayon, kahit simpleng pag hawak lang ng kamay ko, natutuwa na ko.

"Wala padin ba si Nate? Ang tagal naman.." Sabi nya at sinuksok yung mukha nya sa leeg ko.

"Bakit ba gusto mo na agad?" Tanong ko sakanya.

"Syempre, gusto ko na ng anak galing sayo. Sayo ko lang naman gusto mag kaanak eh.. Tsaka para layuan ka na ng mga nag kakagusto sayo kasi alam nilang may nag mamay-ari na sayo."

Hinampas ko naman sya ng mahina. "Sus, nambola ka pa." Nakangiting sabi ko sakanya, ayoko kasi masyadong ipahalata na kinikilig ako.

"Kamukha mo kaya sya, o kamukha ko?"

"H-hindi ko alam! Wala pa naman eh.." Nahihiyang sagot ko. Liam talaga oh.

"Aalis tayo."

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

"May bibilin lang ako. Samahan mo ko." Sabi nya at tumayo na.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon