Chapter 19: Tickets

522K 4.9K 781
                                    

LIAM

Kakauwi ko lang, buti nalang nakauwi na ko. Kakabukas ko palang ng pinto ng may maamoy ako. Ano yun? Ang bangooo. Nagutom tuloy ako. Pag tingin ko sa kusina nandun si Kath at nagluluto. Gutom na talaga ako kanina pa eh. Makapag hain na nga, kakain ako dito ngayon. First time. Hindi ako binati ni Kath ah, wow sungit. Anong kayang problema nito?

Dati rati binabati ako nito pag kadating ko sa bahay, tapos yayayain ako kumain pero di ako kumakain. Haha! Tapos ngayon kung kailan gusto kong kumain hindi nya yayayain. Tagal na nga nyang nawala sa bahay eh, magtatampo na ba ko?

Naala nung wala sya, hindi ko man lang mabuksan yung delata. Nakakainis! Alam ko may ginagamit si Manang dati dito eh tapos umiikot yung delata. Ilang minuto din yung linaan ko para sa delata na yun kasi ginamitan ko ng kutsilyo di man lang nabuksan. Kaya naisip kong magluto ng bacon, tapos kinuha ko yung bacon sa freezer, ininit ko muna yung frying pan. Alam ko may nilalagay na liquid bago magprito kaya nilagyan ko ng tubig tapos biglang umusok. Natakot ako baka masunog ko yung bahay kaya pinatay ko nalang at natulog ako ng gutom nun. Kaya ngayon kakain na talaga ako ngayon.

Lumapit ako sa lagayan ng plato at kumuha ng dalawa, kumuha ng dalawang baso at dalawang pares ng kutsara't tinidor at hinain ko na sa lamesa. Anong meron sa ngayon bat ang sipag ko? Dala siguro ng gutom.

Tinignan ko si Kath bago umakyat, napansin kaya nya yung kasipagan ko? Pag akyat pumasok sa banyo at nag shower, pag katapos nun nagbihis agad ako at bumaba agad gutom na talaga ako at hindi ko na kaya. Pag baba ko nakita ko sa dinning table kumukuha na ng kanin si Kath. Aba hindi ako hinantay. Gutom din?

Umupo nadin ako at kumuha na ng kanin at ulam. Kare kare, naalala ko si mommy nagluluto sya nito. Tinignan ko si Kath kumakain lang, grabe ang tahimik. Galit padin kaya sya sakin? Oh well.. Kakain nalang din ako.

Gutom talaga ako kaya nagsecond round ako, pag kakuha ko ng kanina bigla syang nagsalita. "K-kamusta naman?"

Buti naman nagsalita na sya, hindi ko na kasi kinaya yung katahimikan. Awkward. "Uh.. PAGOD sobrang PAGOD."

Pwede ko kayang labasan ng sama ng loob si Katherine? Puro nalang kasi ako trabaho, tapos yung mga tropa busy din hindi ko na sila nakakasama busy din. Napupuno na ko kaya lagi din siguro akong badtrip.

"Ahh, sa trabaho ba?" Narinig kong sagot nya, akala ko tatapusin nya na yung usapan. Buti nalang tinuloy. Kailangan ko talaga ng makakausap ngayon.

"Oo, ang dami nilang binibigay na trabaho sakin. Lagi pa may meeting minsan lutang na ko hindi ko na maintindihan nga sinasabi nila, iba iba kasing kompanya nakikipagdeal sa kompanya natin." Sagot ko.

"Grabe naman yan, wala ka bang secretary?" Secretary.. Wala eh, hindi pumasok. Nakakainis. Siguro may sakit kaya hindi pumasok.

"M-meron.. Di pumasok eh." Ang ganda nga eh, ang sexy nga eh. Ang puti. Naalala ko nung una ko syang nakita. Hapit na hapit yung damit na suot nya. Naalala ko tuloy.

"Ahh, baka gusto mo ng tulong?" Tanong nya sakin.

"Hindi na, kaya ko naman. Nakakapagod nga lang kasi lagi nalang akong busy. Onti pa lagi tulog ko." Sabi ko sakanya.

"Eh kasi nag lalaptop ka pa bago matulog." Natatawang sabi nya. Bago kasi matulog tinitignan ko emails ko. Natawa din ako sa sinabi nya.

"Nagchecheck kasi ako ng emails."

"Ah.." Wala na, tapos na yung usapan. Tahimik na ulit kaming kumain. Pag tapos namin kumain nag hugas na si Kath ng plato. Nilapitan ko naman sya, kinuha ko yung platong hugas na at pinunasan.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon