Chapter 26: Decisions

510K 4.6K 188
                                    

MATT

"Oh my gooood! Pare-pareho tayo ng course. I can't believe eeeet!" Tuwang tuwang sabi ni Kylie samin ni Kath.

"Oo nga! Ang saya! Gusto ko sana sa iisang bahay lang tayong tatlo habang wala pa tayong mga asawa hahaha!" Natatawang sabi naman ni Kath.

"Mag bebestfriends talaga tayo noh kahit ba naman sa course pare pareho padin tayo. Baka naman di na natin kayang mawalay sa isa't isa nyan?" Sabi ni Kylie.

"Eh sa hindi naman tayo mag hihiwahiwalay diba?"

Naalala ko nung college pa kami nila Kath at Kylie. Yes, pare pareho kami ng course. Design and arts. Well sa arts ako, pero minsan may mga subjects na pare pareho kaming tatlo kaya naman pag nagkakaron kami ng pare parehong subject tuwang tuwa kaming tatlo.

At ngayon.. Eto nga ako, nag momodel sa Paris. Pero hindi alam nila Kath at Kylie. Ayoko lang munang sabihin sakanila. Pero balang araw sasabihin ko din naman sakanila eh.

And yeah, si Kylie.. Nakwento niya sakin na nakuha na siya sa isang clothes line. Nagustuhan ng mga boss ang mga design sketch nya sa portfolio. Pinakita pa nga nya sakin yun bago nya ipasa eh, talagang maganda naman kaya kahit sino ba naman magugustuhan talaga yun. Talaga namang talented yang si Kylie at kahit sino hahanga talaga sakanya. Bet ko nga mga designs nya sa mga gown. Ganda ng color combination. Bet na bet ko nga yung suot nya dun sa interview nya. Kung pwede lang talaga ako eh.. Buti nga sya nagamit yung pinang aralan nya.

Pero si Kath.. Dang! House wife. Alam ko namang gusto din ni Kath magamit yung pinag aralan nya noh, pero napunta lang sya sa house wife?

Kailangan namin ng model na babae, yung team namin. Gusto kong ioffer kay Kath kasi may looks siya at forte nya yan nung nagaaral kami. Modeling and make up. Sayang naman kung hindi man lang nya magamit yung pinagaralan nya nung college. Tumatanda itsura nya dahil dyan kay Liam. What the hell, nagiging manang agad si Kath. Haha!

Alam ko naman na gusto nya din to, pero depende na kasi kung papayag sya. Baka kasi isipin nya na naman si Liam. Pero sana nga, sana pumayag sya..

Kinuha ko naman agad yung phone ko at tinext ko sya na mag kita kami sa Rockwell mamayang 5pm.



KATHERINE

Pag tapos ng ilang oras kong pag mumukmok dito sa bahay, nag ayos na din ako at agad ng sumakay sa kotse. Ayoko na naman kasing pag hintayin si Matt, kasi pag may lakad kami lagi nalang talaga namin syang pinag hihintay pero ang nakakatuwa naman sakanya, hindi sya umaangal. Well.. Swerte talaga kami ni Kylie kay Matt eh. Mabait na nga wala pang angal.

Ano naman kaya yung sasabihin ni Matt? Sa text nya kasi parang importante eh. Nacucurious tuloy ako. Binilisan ko naman mag drive at maya maya nakarating na din ako sa Rockwell. Tinext sakin ni Matt kung saang restaurant kami mag kikita. At ayun, nakita ko na syang nakaupo dun.

"Kath!" Tawag nya sakin. Lumapit naman ako agad at umupo sa harapan nya.

"Oh, ano ba sasabihin mo?" Agad kong tanong pag kaupo ko.

"Excited much? Hinga ka muna mukhang pagod na pagod ka eh." Nakangiting sabi ni Matt. Ngiti, I mean pang asar na ngiti.

"Maaaatt! Dali na, importante ba yan?"

"Oo naman!" Hay nako naman Matt di pa sabihin.

"Ano ba talaga yun?" Naiinip na sabi ko. "May pa I have something to tell you kapang nalalaman dyan!"

"Ewan ko sayo girl! Okay ganto kasi yan.." Tumigil sya at huminga ng malalim.

"Uhmm.. Kailangan kasi namin ng model na babae para sa team namin. So eto.. Okay lang ba sayo na ikaw yung kunin namin na model? Tutal wala ka namang ginagawa sa bahay nyo at nakatunganga ka lang dun kakahintay sa sira ulo mong asawa." Mahabang sabi nya sakin.

Oh my god. Gusto ko. Gusto ko talaga, at totoo naman na wala naman talaga akong ginagawa sa bahay. Gusto ko naman talaga na mag trabaho ako pero ayaw ni Daddy dahil nga kaya naman daw ni Liam. Ganun naman kasi si Dad eh, kahit nga si Mommy dati hindi nya narin pinag trabaho dahil kaya naman daw nya.

Pero kasi.. Baka ayaw naman ni Liam? Baka malaman ni Daddy at magalit sya kay Liam kasi nga pinag trabaho ako. Gusto ko talaga pero hindi ko pa alam eh..

"Matt.. Uhm, pag iisipan ko." Matamlay na sabi ko sakanya.

"Seriously?! Pag iisipan mo pa? Eh wala ka namang ginagawa sa inyo--"

"Alam mo naman si Dad at si Li--"

"Hay nako.. Basta, sabihin mo lang sakin kung papayag ka ah. Pero please pumayag kana." Nakangusong sabi sakin ni Matt.

"Maaatt! Pag iisipan ko nga okay?!"

"Ughh. Fine. Tara gumala nalang tayo dito." Sabi nya at tumayo na.

Tumayo na rin ako at sumunod sakanya. Nag punta kami kung san san ni Matt. Alam nyo naman si Matt, gastosera slash gastosero. Pero nakakatuwa kasi nilibre nya ko ng heels. Napaka galante talaga nito ni Matt!

Matapos namin mamili kumain naman kami. Pag tapos naman nun nag paalam na ko na kailangan ko ng umuwi. 7pm na din kasi eh. At baka nandun na si Liam.

"Sige girl, ingat ka. Basta ah! Sabihin mo sakin pag nagawan mo na ng paraan yan." Sabi ni Matt. Nag lakad na ko papunta sa parking lot at sumakay na ko sa kotse ko.

Gusto ko talaga, gustong gusto ko talaga. Pero syempre kung pumayag naman ako baka minsan gabihin na ko umuwi or something tapos mag tatanong naman si Liam kung saan ako galing. Kaya mas mabuti ng ipaalam ko sakanya.. Pero may side din sakin na parang ayoko ipaalam. I don't know.

Loooord, please give me a sign! Sasabihin ko ba sa asawa ko? May karapatan naman syang malaman diba? Tatanggapin ko ba yung offer ni Matt sakin? Ohhh please.. Lord help me!

Maya maya nakarating na ako sa bahay. Pinark ko na yung kotse ko. Nandito na si Liam dahil nandito na yung kotse nya.

Pag pasok ko sa bahay wala si Liam sa sala. Malamang nandun sya sa kwarto namin. At tama nga ako nandun sya sa kwarto namin at nakatapat sya sa laptop nya.

Nilapag ko yung bag ko sa kama at umupo. Kinakabahan ako.. Sasabihin ko ba? Gusto ko din sabihin sakanya. Gusto kong malaman nya.

Tumayo at kumuha ng lakas ng loob. Lumapit ako sakanya.


"Liam.." Tawag ko sakanya.

Lumingon naman sya sakin na nakakunot yung noo. "Ano Kath?! Nakikita mo namang may ginagawa ako. Pwede bang gawin mo nalang kung anong gusto mo." Sabi nya at humarap na ulit sya sa laptop nya.

Sasabihin ko pa nga lang sakanya eh.. Sasabihin ko pala pero mukhang nakuha ko na agad yung sagot nya. Haay..

Hindi ko nalang sasabihin. Nga pala, wala naman syang paki diba? We don't have to support each other. We don't have to depend on each other in making decisions.

Lumayo na ko sakanya at pinabayaan na sya sa ginagawa nya. Kanya kayang buhay naman namin ni Liam to. Ganto naman talaga buhay mag asawa namin eh, bakit ba hindi pa ko nasasanay?

Lumabas ako ng kwarto ko at kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Tinype ko agad yung pangalan ni Matt at tinawagan sya. Pangalawang ring palang eh sinagot nya na agad yung tawag.

[Oh ano na girl? Payag kana?]

"Y-yeah.. Payag na ko."




|10.16.13|

Join our facebook group! (Gingerbreads)

https://www.facebook.com/groups/1410006009323013/

#MarriedToAWomanizer
#MTAW
#MarriedToAWomanizerWP
#gingerbread9

On twitter @jamaxne

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon