Chapter 15: Bonding

555K 5K 807
                                    

KATHERINE

Nasampal ko na naman sya, sobra na kasi sya eh. Sobra sobra na. Pag labas ko ng bahay sumakay ako sa kotse ko, pupunta ako kay Kylie. Tinext ko na sya na pupuntahan ko sya ngayon. Tinanong nya naman kung ano yung problema ko pero sabi ko sakanya mamaya ko nalang sasabihin pag magkasama kami.

Maya maya nasa tapat nako ng bahay nila Kylie, pumasok na sya kotse ko. Pupunta kami kila Matt ngayon. "Kath.. Ano bang nangyari? Anong probelma?" tanong ni Kylie.

"Mamaya ko nalang sasabihin, pag nandun na tayo kila Matt." Sabi ko.

"Okay. Basta Kath.. Lagi ka lang lalapit samin ni Matt pag may problema ka ah, wag na wag mong sosolohin yan." nginitian ko naman si Kylie. Buti nalang nandyan sila. Maya maya nandito na kami sa tapat ng bahay ni Matt. Pumasok na kami agad, sinabi kasi ni Matt na pumasok nalang daw agad. Pag dating namin sa loob nagulat si Matt.

"Oh? Kath! Buti nakasama ka! May problema ka noh?" Sabi ni Matt. Napabuntong hinga nalang ako.

"Ky.. Anong problema nya?" tanong nya kay Kylie.

"Hindi ko nga alam eh, di pa nya sinasabi. Oy Kath.. Wag mong sabihing sinaktan ka nanaman ng asawa mo ah!" Sabi ni Kylie. Umiling naman ako.

"Eh ano bang nangyari?"

"Si Liam kasi.."

"Oo, girl alam namin si Liam ang problema mo. Ano bang ginawa nya?"

"Pag.. Pag uwi nya kasi, hinila nya ako. Galit na galit sya sakin.. Sinasabi nya na nawala daw yung deal ng dahil sakin. Hindi ko maintindihan yung sinasabi nya. Kung ano anong masasakit na salita yung sinabi nya sakin. Hindi ko na napigilan kaya nasampal ko sya.. Galit na galit sya sakin." basag boses na sabi ko.

"Ang kapal talaga ng mukha ng asawa mo Kath!! Kakagaling mo lang sa sakit tapos gaganyanin ka nya! Sira ulo ba talaga yang asawa mo! Dapat lang nasinampal mo yan, dapat nga kaliwa't kanan eh! Iwanan mo na yan Katherine!" gigil na sabi ni Kylie. Nilapitan naman sya ni Matt at hinagod yung likod nya.

"Chill Kylie.. Chill!"

"Chill?! Paano ako mag chichill kung ganun ginagawa ng Liam na yan kay Kath! Napaka sama ng ugali. Hiwalayan mo na Kath!"

"No! Wag! Pano yung plan natin?" sabi ni Matt.

"Matthew? Naririnig mo ba nga sinasabi mo?" sabi ni Kylie sakanya.

"Oo naman girl noh! Ituloy natin yung plan."

"Wag na siguro.. Masasayang lang oras natin, kahit ano namang gawin natin hindi magseselos si Liam. Mas lalo lang dumdumi yung tingin sakin. Sinasabi nya malandi ako." sabi ko sakanila.

"WHAT? ANG KAPAL TALAGA!!! BAKIT SYA HINDI? MAKAPAGSALITA YANG ASAWA MO AKALA MO KUNG SINONG MALINIS! SYA NGA SOBRANG LANDI! IWANAN MO NA!" Galit na galit na sabi ni Kylie.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko, naguguluhan ako.

"Kath, 3 chances. Pag gumawa sya ng katarantaduhan, palipasin mo muna. Pag gumawa ulit palipasin mo ulit, pag gumawa ulit sya.. Iwanan mo na." sabi ni Matt. Nagulat naman si Kylie sa sinabi nya.

"What?! No! Ano ba yan!"

Napapikit nalang ako, naguguluhan ako. Hindi ko din maintindihan si Matt, parang nung dati lang sya na nagsasabi na hiwalayan ko na si Liam. Sinabi nya na mag Wayne nalang ako. Pero ngayon.. Bakit ganyan na mga sinasabi nya.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon