Chapter 8: My Wife

605K 5.4K 305
                                    

KATHERINE

Kath! May outing tayo bukas, 3 days tayo sa Batangas, swimming. Sinabi ko na ngayon para alam mo, baka iba na naman dahil ng asawa mo. See you there!

Text ni Charmaine sakin. Aalis kami bukas? Di man lang sinabi ni Liam sakin yun. Pag labas ni Liam sa banyo tinanong ko siya.

"Liam, aalis ba tayo bukas?" tumingin siya sakin at pinunasan ang basa niyang buhok. God! Topless. Twalya lang nakabalot sa katawan niya.

"Oh.. Yes. Katherine..? Wag mo kong titigan ng ganiyan." sabi niya. Nanlaki naman yung mata ko, napatulala na ba ako sa ganda ng katawan niya?

"Ah.. Eh, ganun ba.. Saan naman tayo pupunta?" pa-inosenteng tanong ko.

"I know tinext ka ni Charmaine para bukas, siguro naman sinabi niya na din kung san tayo pupunta bukas." kumuha siya ng damit.

"Hindi.. Sinabi lang niya na aalis."

"Malalaman mo din naman bukas. Tss." pumasok siya sa banyo, pero binuksan niya ulit yung pinto at dumungaw.

"Mag ayos ka na ng damit mo, tatlong araw tayo dun." at sinara niya na ang pinto.

Swimming.. Mag swiswimming kami dun, magdadala ba ko ng bikini? NAMAN! Bakit ko pa ba tinatanong yan. Syempre magdadala ako. Baka kahit papano mainlove naman yung asawa ko sakin. Joke! Joke lang! Lumabas na si Liam sa banyo, habang ako nagaayos padin ng mga dadalin ko bukas. Ilang minuto din ay tapos na ko sa pag aayos ng damit ko para bukas. Nakita ko si Liam na nakahiga na sa kama.

Pano yung damit niya? Ayos na ba yun? "Liam, yung sayo ayos na ba?" tanong ko sakaniya,

"Mamaya ko nalang--" di ko na siya pinagpatuloy mag salita.

"Sige, ako nalang mag aayos." binuksan ko yung cabinet niya.

"Ako na Katherine." angal niya.

"No, ako na." sa huli, ako din ang na nalo. Hindi mawala yung mga ngiti ko sa labi, first time na pinabayaan niya kong asikasuhin kahit mga gamit lang niya. Naglalaptop lang siya sa kama, tapos ko ng ayusin ang damit niya para bukas.

Kumuha ako ng damit ko, maliligo ako. Papasok na ko sa pinto ng biglang magsalita si Liam.

"Thanks." sabi niya, kahit malamig na tono atleast nagpasalamat siya. Nginitian ko siya. Nalublob ko na yung katawan ko sa mainit ng tubig. Relax muna kahit sandali.

Pag tapos ko maligo, tulog na si Liam sa kama. Lumabas ako sa kwarto at sa sala nagblower ng buhok. Ayokong magising pa si Liam. Baka mag dragon yun, pag tapos ko mag blower bumalik nadin ako sa kwarto at tulog na tulog padin si Liam. Humiga na ko sa kama at hinalikan siya.. Lagi ko ginagawa yan, di ko naman kasi siya mahalikan pag gising siya eh. Hinihintay ko muna siyang makatulog tsaka ko siya hahalikan. "I love you Liam.."

Nagising ako sa pag alarm ng phone ni Liam. 6:30am palang, nagising nadin si Liam.

"Shit!" sabi niya at bumangon ng kama.

"7 tayo aalis ng bahay. Maligo ka na." sabi niya sakin. Nagmadali na kong maligo, at nagbihis na ko. Nakaligo na din si Liam, dun siya naligo sa cr sa baba. Kawawa naman ang Liam ko. Hehe.

Pumunta kami sa bahay nila Charm, pinark namin yung kotse namin sa malaking parking lot nila. Nandun si Zach, syempre si Charm, si Gene at may kasama siyang babae. At si Migz.. may kasama din siyang babae. Ngayon ko nalang nakita si Migz! Simula ng gumraduate sila bigla ng nawala si Migz eh.

Dala dala naman ni Liam yung gamit namin, lumapit na kami sakanila at nilagay yung gamit namin sa isang Van.

"Migz!" tawag ni Liam at nag bro fist sila.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon