Chapter 40: Setting You Free

454K 4.5K 667
                                    

KATHERINE

(Play nyo yung video sa multimedia. lol)

"Ano ba kasi yan Kath? Halata naman sayo na ayaw mong makipag hiwalay kay Liam!" Sabi ni Kylie sakin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Hindi nga kasi pwede Kylie!" Hindi naman pwedeng magkatuluyan pa kami ni Liam. Hindi na pwede. Ang sakit sakit na hayaan mo yung taong mahal mong mawala sa piling mo para gawin ang nararapat.

Nandito kami ngayon sa parking lot ng ospital, sa loob ng kotse. Papunta palang kami sa parking lot pinipigilan ko ng yung iyak ko dahil maraming tao. Naninikip yung dibdib ko nang makita ko si Liam na tuwang tuwa na dumalaw ako. Ramdam kong nagbago sya. Eto, eto yung hinahanap ko dati pa tapos ngayon naman kailangan kong ipagtulakan yung loob nya sakin. Ang sakit sakit.. Mahal ko tong taong to, gustong gusto ko na ako ang mag alaga sakanya. Kahit anong galos gusto ko ako ang gagamot pero hindi pwede. HINDI PWEDE. Magiging makasarili ako.

Sa pag kakataong to, ninakaw ko na yung opportunity kung kelan sobrang mahina sya physically and emotionally para sumama ang tingin nya sakin. Tinanong ko sya kung nakapag desisyon nab a sya sa paghihiwalayan naminn. Ayaw kong kong gawin pero ginawa ko.. Sobrang hinang hina ako sa ginawa ko dahil nanlumo ang mukha ni Liam ng marinig ko nya yung sinabi ko.

Lalo akong nanghina nung sinabi nya saking mahal nya ko. Mahal nya na ko.. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa kung kailang hindi na kami pwede. Na kung kalian handa na kong isuko ang lahat kahit masakit na masakit sakin..

Niyakap ako ni Kylie habang hinahaplos yung likod ko para patahanin ako. Ayaw tumigil ng pag agos ng mga luha ko. Lumabas na lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng sakit na tinatago ko. Buong tapang ko tong dinala at tinatago at ngayon hindi ko na kaya. Ang sakit sakit sakin na ipagtabuyan sya kahit gustong gusto ko syang yakapin. Kahit gusto kong magalit sakanya ng sobra sobra. Masakit na talaga, hindi ko na kaya. Siguro nga tama na to.. Tama na.

From: Liam Martinez

3:30 pm

Kita tayo sa Starbucks Shangrila. 4:30. Pag usapan natin to.

Text sakin ni Liam,. Akala ko wala syang balak ayusin to, akala ko hahayaan nya na lang to katulad ng ginagawa nya sakin dati. Kaya nagdrive agad ako papunta sa Shang. Gusto ko din namang marinig yung paliwanang nya. Siguro nadala lang talaga ako sa nakita ko. Nadala ako ng selos.

Mga ilang minuto din ng makarating ako dun, hinanap ko agad si Liam pero hindi ko sya makita. Wala pa sya. Umupo mun ako sa upuan at hinintay sya pero mga ilang minuto na ang nakalipas wala pero wala padin sya.. Mag 5 pm na pero wala padin sya. Nasan na ba sya? Niloloko nya lang ba ako na pupuntahan nya ko dito? Hanggang sa mag 5 pm na wala padin sya. Akmang tatayo na ko para umalis ng may biglang humablot ng braso ko.

Biglang kumulo yung dugo ko ng makita ko kung sino yung humablot ng braso ko. Ang kapal ng mukha nyang pumunta dito! Sya ba ang kasama ni Liam pumunta dito?!

"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito. Ikaw yung nagtext saking gamit yung cellphone ng asawa ko noh?!" Pinandiinan ko yung salitang asawa. Pero hindi naman sya nakapag salita.

"Ano?! Babae ka ng asawa ko? Ang tibay ng sikmura mo para harapin ako. Halata naman sa itsura mo na pang kama ka lang nya." Sabi ko sakanya at tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

Nagiba naman yung itsura nya at mukhang naooffend. Nadala na talaga ako ng galit kay Liam, ng galit sakanilang dalawa! Wala talagang balak si Liam na ayusin to. Gago talaga sya.. Bakit ba gustong gusto nya kong saktan?

"Wala ka pa ngang alam, kung ano ano na agad pinagsasabi mo. Halatang frustrated house wife ka."

Ang kapal ng mukha nya. Tumalikod na ko para umalis, wala na kong panahon makipag talo sa walang kwentang kabit ng asawa ko. Bigla nanaman nyang hinablot yung braso ko at lumapit sya at bumulong sa tenga ko. "Don't make a scene. We're going to talk about this. Makinig ka muna."

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon