Chapter 10: Tender Love And Care

578K 5.2K 376
                                    

KATHERINE

Nakauwi na kami galing Batangas, hindi padin kami nagpapansinan ni Liam. I mean.. Hindi ko siya pinapansin. Eh hindi din niya ko pinapansin. Napansin kong tahimik si Liam kanina sa byahe at pag uwi namin diretcho agad siya sa kama. Anong nangyari dun?

Umakyat ako sa kwarto para kunin yung cellphone ko, nakita ko si Liam na nakakumot at at nakabaluktot ang katawan. Ano bang nangyari sakaniya? Nilapitan ko siya, giniginaw siya. Hinawakan ko yung noo niya at.. Holy Cow! Ang init init niya. Nilalagnat siya, kinabahan naman ako.

Kumuha ako ng thermometer, gising si Liam at nanghihina siya, pag tingin ko sa thermometer 39.5 ang taas ng lagnat niya.

"Liam.. Anong masakit sayo?" tanong ko sakaniya. Tumingin siya sakin, yung mga mata niyang dati ang sama tumingin naging matamlay.

"Kath.. Tubig.." agad naman akong pumunta sa baba at kumuha ng pitsel at baso, nagsalin ako sa baso at nilapag ko muna sa table. Inalalayan kong tumayo si Liam.

Inabot ko sakaniya yung tubig at ininom niya, "Thank you.." nanatali siyang nakaupo sa kama. Medyo namumutla siya.

"Liam.. Pa check up ka kaya?" tanong ko, nagaalala na kasi ako eh. Baka kung ano ng nangyari sakaniya.

"No.. Wag na, ayos lang ako." sabi niya, hindi malamig ang tono niya. Sa mga salita niya halatang nanghihina siya.

"Anong gusto mong kainin? Pagluluto kita." tumabi ako sakaniya at hinawakan ang noo niya, "Ang taas ng lagnat mo.." tumingin siya sakin at nagsalita.

"Lutuan mo ko ng kahit ano.."

Nagluto naman ako ng soup, pag kaluto ko umakyat agad ako sa taas. Umupo naman si Liam sa kama, kukunin niya sana yung soup pero nilayo ko sakaniya.

"Kath..?" tinignan ko siya at nginitian. "Aaaahhh!" sabi ko sabay subo sakaniya ng kutsara, ngumanga naman siya. At sunod sunod na ang pagkain niya pero ako padin ang nagsusubo sakaniya. Hindi ko alam pero hindi ako makatingin ng diretcho kay Liam. Naiilang ako, pero may sakit siya.. Kailangan ko siyang alagaan.

Pag tapos niyang kumain bumaba ako at hinugasan ko na yung pinagkainan niya. Umakyat ulit ako sa kwarto at nakahiga at nakakumot na naman si Liam.

"Liam, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka at pag may masakit sayo ha?" hindi siya sumagot, bumaba ako at pumunta sa kusina. Nakaramdam din ako ng gutom.

"Kaaaath!" sigaw ni Liam. Nataranta naman ako at umakyat ng mabilis pataas. Pag dating ko sa kwarto nakaupo si Liam sa kama.

"Bakit? A-anong nangyari sayo? May masakit ba?" nagaalalang tanong ko sakaniya.

"Dito ka lang, para hindi na ko sisigaw pag may kailangan ako." napangiti naman ako sa sinabi niya. Umupo ako sa sofa, bigla akong nakaramdam ng antok.

Nagising ako bigla, nanaginip ako na malalaglag daw ako sa bench. Hindi naman pala, ano ba yan kainis! Pag katingin ko sa orasan 8:30 na. Mga dalawang oras din yung tulog ko. Pag tingin ko kay Liam tulog na din siya at nakakumot. Tumabi ako sakaniya at hinawakan yung noo niya, ang init niya padin.

Nalulungkot na ko, ayoko ng nagkakaganiyan siya. Papainumin ko ng gamot si Liam, kinakabahan akong gisingin siya baka mag dragon naman siya pero kailangan niya uminom ng gamot para naman kahit papano bumaba na ang lagnat niya.

"Liam.. Uhm-- Liam.. Inom ka ng gamot..?" nagising naman siya at kumunot naman yung noo niya.

"The hell, I'm sleeping.. Aarrghh!!" napahawak si Liam sa ulo niya.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon