Chapter 14: Welcome Back

588K 5.3K 711
                                    

KATHERINE

"Nagtext sakin si Kylie, may pupuntahan daw sya. Sorry daw kung di sya nakapag paalam biglaan daw kasi." sabi sakin ni Matt habang nakatingin sya sa phone nya at binabasa yung text ni Kylie sakanya.

"Okay lang yun, sabihin mo mag ingat sya."

"Sent!" sabi ni Matt, sya padin ang kasama ko. Nagaalala na nga ako pano kung umuwi na si Liam tapos hanapin nya ko? As if namang hanapin nya ko. Hindi pa alam ni Liam na nandito ako.

"Kath.. Ang ganda talaga ng kamay mo, tignan mo naman yung akin oh. Panlalaking panlalaki." nakangusong sabi ni Matt. Natawa naman ako sa sinabi nya at hinampas sya ng mahina sa ulo.

"Baliw, malamang lalaki ka. Alangan namang kamay pambabae yan." hinawakan naman ni Matt yung kamay ko. Sinukat nya yung kamay ko sa kamay nya at natawa maman sya.

"Maganda nga.. Maliit naman. Pff- HAHAHA!" natawa naman ako sa sinabi nya, hindi naman ganun kaliit ang kamay ko ah. Tama lang ang laki nya para sa isang kamay ng babae.

"Kath! Massage!" sabi nya, agad ko namang binigay yung kamay ko kay Matt at minasahe nya ito. Alam nyang gusto kong minamasahe ang mga kamay ko nakakapag relax kasi ako pag may nagmamasahe, at laging ginagawa ni Matt at Kylie yun sakin dati nung college kami. Kabilang kamay ko kay Matt, at yung kabila naman kay Kylie. Haha!

Biglang bumukas yung pinto, akala ko yung nurse na na mag checheck sakin pero nagulat ako ng si Liam ang nakita ko. Pano nya nalaman? Bigla akong napangiti, pero nawala agad ito ng makita kong kumunot yung noo ni Liam.

Akala ko lalapitan nya ko pero nilapag nya lang pala yung bag sa sofa at umalis na agad ito. Akala ko pa naman pumunta sya para bantayan ako o ano. Pero hindi pala. Tinignan ni Matt kung ano yung laman ng bag na nilagay ni Liam sa sofa, mga damit ko pala. Kahit papano natuwa naman ako dahil naisipan nya naman na dalin yung mga damit ko dito sa hospital. Pero sino kaya ang nagsabi kay Liam na nandito ako? Hindi naman si Matt. O baka si Kylie. Siguro nga, si Kylie.

"Napaka walang kwenta talaga ng asawa mo girl! Iniwanan ka lang ng damit. Ni hindi ka man lang kinamusta? Napaka tyaga mo at natitiis mo ang lalaking tulad nya!" sabi ni Matt. Oo nga eh, buti nga natitiis ko pa si Liam. Mahal ko eh. Nginitian ko nalang si Matt. Wala naman akong ibang masasabi na kaya ko sya natitiis kasi mahal ko sya, ang hard pa naman mag salita nito ni Matt. Sasabihin nya na naman sakin tanga ko. Pero totoo naman, kahit ako alam ko naman na nagpapakatanga na ko.

"Hay nako Katherine, naalala mo ba si Wayne?" nag nod naman ako. Syempre hinding hindi ko din naman makakalimutan yung taong yun. Sya yung lalaking dalawang taong nanligaw sakin nung 4th year high school ako hanngang 2nd year college. Yun nga lang.. Binasted ko, si Liam talaga ang mahal ko eh. Ayoko namang gawing panakip butas lang si Wayne.

"Nako! Isang model na yun sa Germany! Biruin mo Kath, sinayang mo sya. Mahal na mahal ka pa naman nun tapos binasted mo lang. Sana kasi binigyan mo man lang sya ng chance, matututunan mo din namang mahalin yun eh. Edi sana kung binigyan mo sya ng chance hindi ka nagkakaganyan at edi sana sya ang asawa mo ngayon hindi yang Liam Martinez na yan!" bigla namang kumunot ang noo ko. Hindi naman ako nag sisisi na hindi ko man lang binigyan ng chance si Wayne dati. Alam ko naman kasi sa sarili ko na si Liam lang talaga.

"Ayoko naman kasing maging panakip butas lang sya noh, ayoko din na masaktan sya. Alam nya namang mahal ko si Liam simula dati pa. Tsaka bat ba natin pinaguusapan to Matt? Ang tagal na nun!"

Bigla namang ngumisi si Matt. "Wala lang, nakikita ko lang kasi na mas mabuting lalaki yun kaysa kay Liam. Nako wala nevermind! Sinayang mo lang kasi"

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon