Chapter 36: Papers

499K 5.4K 636
                                    

LIAM

Mga tatlong araw na ako dito sa family house namin. Sana nga hindi ako nakakaabala sa mga magulang ko. Pero sa tingin ko naman mas okay din to kasi mas naasikaso at napag uusapan namin ang mga bagay tungkol sa trabaho.

Hindi naman nila nababanggit sakin si Katherine, nakakaramdam din naman siguro sila at mukha namang ayaw nilang makialam saming dalawa. Hayy.. Makabangon na nga, kanina pa ko gising pero di pa ko bumabangon. Babangon na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko.


"Liam? Liam!!"



"Pasooook." Sabi ko na medyo inaantok pa yung boses.



Si Dad pala. Hindi pa pala sya pumapasok. Siguro may pag uusapan pa kami tungkol sa kompanya. Pumasok sya loob ng kwarto. Umupo naman ako sa kama at nag unat.



"Mag usap nga tayo." Seryosong sabi ni Dad.



Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay. "Ano yun, Dad?"



"Si Katherine.. Nag usap na ba kayo?" Tanong nya, bigla namang kumunot yung noo ko. Damn, hindi man lang ba nya naisip?!



"Hindi pa. Bakit?" Dammit! Ang aga aga Katherine agad ang bungad sakin. Wala na.. Sya na naman nasa isip ko nito mag damag.



"For pete's sake Liam! Please kausapin mo na si Katherine! At pwede bang pumasok ka! Wag na wag mong pababayaan ang kompanya natin. Hindi purkit may problema kayo ni Katherine habang buhay ka nalang mag mumokmok dyan! Mag ayos ka na!" Sigaw sakin ni Dad. Moron! Hanggang ngayon kompanya padin nasa isip nya?!



"And what?!--"



Bumukas yung pinto ng kwarto ko at bigla namang pumasok si Mommy na bangong gising lang ata. Hoooooly. Narinig kami ni Mommy. Dammit! "Tumigil nga kayo! Anong nangyayari dito at nag sisigawan kayong mag ama?" Tanong ni Mommy. Tinignan ko nalang si Dad na nakatingin sa baba. Hindi nalang din ako nag salita.



"Bumaba na kayo. Kumain na tayo at mag ayos na kayo at pumasok. Please, wag kayong mag away.." Mahinhin na sabi ni Mommy samin. Lumapit naman si Daddy kay Mommy at niyakap nya ito sa bewang nya. Humingi narin ako ng sorry kay mommy pero kay Dad? Wag na. Although may point yung sinabi nya sakin pero.. Kahit na.



This is bullshit! Umalis na ko sa kwarto ko at iniwan na silang dalawa dun na nag lalambingan. Tss, sa kwarto ko pa talaga? Bumababa nako at umupo na sa table. Naka handa na yung pag kain na niluto ni Manang Emma, maya maya bumaba na din si Mommy at Daddy. Sabay sabay na kaming kumain, tahimik lang ako habang kumain habang silang dalawa naman ay nag kwekwentuhan. Binilisan ko talagang kumain dahil naiinis ang sa presensya ni Dad.



Tumayo na agad ako at iniwan silang kumakain dun. Tinawag ako ni Mommy pero hindi ko na sya pinansin at dumeretso na ko sa kwarto ko. Naligo na ako at nag ayos dahil may meeting ako sa kompanya na hinahawakan ko at wala akong balk sumabay sakanya.



Pag tapos kong maligo at mag ayos, bumaba na ko at sumakay na sa kotse. Nag drive na ko papunta sa kompany, kahit medyo malayo pa ang idadrive ko. Nasa kalagitnaan na ko ng pag ddrive ng bigla kong maalala yung usapan namin ni Dad nung umuwi sya at pinag patuloy namin yung usapan namin.



Nakatayo ako dito sa terrace ng bahay namin, nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Dad. May dala syang beer at nilapag nya yung table at umupo sya sa upuan. Tumingin naman ako sakanya at tinignan nya din ako na parang sinasabi na umupo ako at mag usap kami.



Lumapit naman ako at umupo. Sinalinan nya yung dalawang baso at inabot nya sakin yung isang baso na may kalahating laman ng beer.


"Nakausap mo na ba sya?" Tanong ni Dad habang uminom ng beer. Huminga muna ako ng malalim at sumagot.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon