Chapter 30: No Please

521K 5.2K 556
                                    

KYLIE

Ang sakit ng katawan ko. Napagod ako sa byahe, ang layo ba naman ng pinuntahan ko eh. Buti nalang nagustuhan talaga nila yung gawa ko. Gustong gusto talaga nila! Yung mga ngiti nila habang nakita yun. Di ko makalimutan! Manghang mangha sila sa gawa ko. Tama nga si Matt, maganda daw talaga ang gawa ko. Oh si Matt! Kailangan ko syang tawagan at sabihin sakanya na natuwa sila sa gawa ko. Sigurado akong matutuwa din yun sakin. Yun pa!

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko. At pag tingin ko sa phone ko, sakto! Tumatawag si Matt! Parang kanina na isip ko lang sya, tas ngayon tumatawag sya. Ayos diba!

Sinagot ko naman agad yung tawag nya. "Hello Matt!!" Masayang bati ko sakanya.

[Pumunta ka dito sa bahay please..] Sabi nya sa kabilang linya.

Anong nangyari sakanya? Bakit ganun yung boses nya? May sakit ba to? Nako! "S-sige, ano bang nangyari sayo? Hintayin mo dyan, mga 15 minutes."

Agad ko namang binaba yung phone ko at nagmadaling pumunta sa kotse ko. Kahit masakit na yung katawan ko, pupuntahan ko padin yung nilalang na yun. Parang may mali sa boses nya, parang may sakit sya. Hindi ko maintindihan! Nag aalala ako!
Binilisan ko ang pag d-drive ko, kaya agad naman akong nakarating sa bahay ni Matt. Pumasok naman agad ako kasi nakabukas yung gate nito. Hindi man lang nya sinarado? Pati yung front door nya hindi din nakasarado. Pumasok naman agad ako.

Nakita ko si Matt, na nakahiga sa sofa nya at nakahawak sa ulo nya. Jusko! Anong nangyari sakanya?! Agad naman akong lumapit kay Matt at hinawakan yung mukha nya. "My god Matthew Aragon! Anong nangyari sayo?"

Tanong ko sakanya. Nakita ko yung labi nya, putok! May dugo. Tapos yung isa nyang mata parang namamaga na ewan? Natataranta ako!! Anong nangyari sakanya? Hindi naman sya nag sasalita at nakapikit padin.

"Matt!!! Anong nangyari?" Ginalaw galaw ko yung kamay nya. "Matt naman eh, nag aalala ako.. Mag salita ka naman dyan."

"Aghhh!" Umupo sya sa sofa. Tinabihan ko naman sya.

Nung nakita ko ng maayos yung itsura nya agad agad akong tumayo at umakyat sa kwarto nya para kunin yung first aid kit nya. Hindi ko alam pero parang naluluha ako. Ayokong nakikitang nassaktan yung mga importanteng tao sakin.
Pag baba ko, lumapit ako kay Matt. Tumayo ako ulit at kumuha ng yelo. Natataranta talaga ako!

"Matt, ano bang nagyari sayo? Bat nag kaganyan mukha mo?" Tanong ko habang ginagamot yung sugat nya sa labi.

Tumingin sya sakin. "Si Liam." Sabi nya. Si Liam?!

"Si Liam?! Anong ginawa nya sayo?" Sht sht.

"Pumunta sya dito. Pinuntahan nya si Kath." Huminto sya. "Diba nga gusto ni Kath mag party.."

"Sinamahan ko sya. Pero nag pakalunod naman sa alak tong si Kath at alam kong may problema sya. Kaya nung lasing sya, sabi nya dito muna sya matutulog sa bahay ko dahil ayaw nya ngang makita si Liam.. Gusto ko ngang iuwi si Kath sakanila pero alam ko namang di aalagaan ni Liam yun eh, kawawa naman. Kaya dito ko sya inuwi. Tapos nagulat nalang ako na may missed calls sya sakin at kay Kath.." Napahawak naman ako sa bibig ko. Sht lang.

"Tapos ayun nga.. may nagbulabog ng pinto ko. Tapos pag bukas ko si Liam, sinapak agad tong mukha ko. Tangina nya." Sabi nya, at kita kong galit si Matt.

Kasalanan ko to eh.

Pauwi na ko, pero malayo padin yung ibyabyahe ko ng biglang nag ring phone ko. Pag tingin ko ng phone ko si Liam.. Tumatawag sya. Bat naman tumatawag tong lalaki na to? Syempre sasaguti ko yung tawag para malaman ko kung anong kailangan nito diba? Hay nako Kylie.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon