Chapter 39: Text Message

447K 4.4K 532
                                    

KYLIE

Andito ako sa kotse ko ngayon. Diretso uwi na ako kasi nagtext sakin si Kath na nasa bahay na daw sya. Nag take out narin ako ng dinner namin. Mga ilang minute din ng makarating na ko sa bahay. Finally! Bumaba na ko ng kotse ko at pumasok na sa loob.

"Kaaaath! May pagkain na tayo, nag take out na ko!" Sigaw ko sakanya, siguro nasa kwarto yun? Pumunta nako sa kusina at nag hinain ko na dun yung tinake out ko.

"Bumaba ka na dito! Naghain na kasi ako, wag mong paghintayin yung pagkain!"

Ano ba naman tong si Katherine. Pagod na ko eh, gustong gusto ko na kayang kumain tapos di padin bumababa. Wait, baka naman wala sya dito? Baka nasa guest room? Umakyat ako sa kwarto ako sa guestroom pero wala sya dun, kaya pumunta ako sa kwarto ko at nandun nga sya, kaso nakalock yung pinto.

Sinubukan kong buksan yung pinto. Nakalock nga! "Uy Katherine! Labas ka na!" Sigaw ko sakanya.

"Sandali lang. Nagbibihis ako." Sagot nya. "Mauna kana, baba nalang ako." Pahabol nito. Ano bay an! Bakit ba nakalock to? Kalian pa sya nahiya sakin pag nagbibihis? Hindi naman nag lolock ng pinto yan kahit nagbibihis pag nandito sa bahay. Antayin ko na nga lang sya dito.

Bumukas na yung pinto at lumabas na si Katherine. What the hell? Bakit ang haggard nya? Namamaga yung mata nya. Umiyak ba to? Wala akong ibang ginawa kundi yakapin sya agad. Niyakap ko sya at hinihimas yung likod nya. Ano bang nagyari? Hayy.. mamaya ko na nga lang itatanong.

Sa yakap nya nararamdaman kong parang naghihina sya. Kilalang kilala ko na tong si Katherine, kahit hindi sya magsabi sakin. Alam ko, ramdam ko. Si Liam kaya yung dahilan kung bakit sya nagkakaganito ngayon? Pero kasi ramdam ko na may nangyari sigurong di maganda kaya ganto sya ngayon, lutang.

Bumitaw na si Kath sa pagkakayakap sakin at nginitian ko sya. "Tara na, kain na tayo." Alok ko sakanya, baka gutom lang yan o kaya.. namiss nya lang ako kaya kung makayakap sya? Ugh stop it Kylie! Pero mamaya tatanungin ko kung ano yung problema nya. Kailangan muna naming kumain!

Tumango naman si Kath at bumaba na kami sa kainan at kumain. Hindi naman nagsasalita si Kath habang kumakain kami, nakafocus lang sya sa kinakain nya. Ano bang nangyayari dito? Para syang nakakita ng multo na ewan.

Pagtapos naming kumain, umupo ako sa sala. Si Kath tahimik parin at paakyat na sa kwarto. Mukhang matatagalan pa ata sya bago magkwento ah. Inaantay ko lang naman sya kahit atat na atat talaga ko at nagaalala na kung bakit sya tahimik at lutang. May problema ba sya sa pamilya nya? Ughhh!

"Kylie! Tara magbihis ka. Samahan mo ko." Nagulat naman ako sa sinabi ni Kath at nabalik ako sa wisyo.

"Huh? Bakit? San tayo pupunta?" Tanong ko sakanya habang paakyat sya sa hagdan. Sinundan ko narin kasi sya sa kwarto.

Humarap naman sya sakin bigla. "Kylie.. n-naaksidente si.." Nakikita ko mga mata nya na nasasaktan sya.

Hala! Sana naman tinapos nya yung sinabi nya. Tangina sinong naaksidente?! Hinawakan ko sya sa balikat at niyugyog. "Katherine! Sinong na aksidente?!"

"Si.. Liam."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. "Ha?! Bakit?! Anong nangyare!?"

"Nabunggo kasi yung kotse nya.. malakas daw yung pag kabangga tapos nasa o-spital sya ngayon.." Mahinang sabi nya. Grabe to. Hindi ako makapaniwala! Napa nganga ako sa sinabi nya. Alam kong kahit hindi umiiyak si Katherine ngayon alam kong natatakot sya.

"K-kailangan pumunta dun, kailangan kong malaman kung malala ba yung sitwasyon nya.." Patuloy na pag sabi nya, nakita ko sa mga mata nya na naiiyak sya pero pinipigilan nya..

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon