Chapter 45: Criminal

382K 4.1K 340
                                    

KYLIE

Para kong nawindang nung sinabi ng mommy nya na help. "H-Help?" Ulit ko sakanya, baka kasi nabibingi lang ako.

"Yes.. I need your help, Kylie." Sabi nya at ngumiti sakin. Ang chikas talaga ng nanay ni Liam!

"Ano naman pong klaseng tulong?" Nagtatakang tanong ko, sa lahat ng pwede nyang hingan ng tulong bakit naman ako pa ang naisip nyang hingian?

"It's about Jeremy.. I know kilala mo sya, and you're Katherine's bestfriend.." Napatigil sya saglit. "Gusto ko tulungan mo ko tungkol sa bata. Gusto ko kasi makasigurado kung anak ba talaga sya ni Liam at kung apo ko ba talaga sya. Ayoko mag alaga ng hindi ko naman talaga apo.."

"Kaya sisiguraduhin ko muna kung anak ba talaga ni Liam yun.. at naaawa ako sa anak ko. He loves your bestfriend so much.."

Bigla namang natahimik saglit yung mommy nya. "Mahal naman nila ang isa't isa alam ko yun.. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko eh.. Pero eto nalang siguro.. Kaya gusto kong samahan mo akong ipa DNA yun bata.."

"B-Bakit naman po ako?" Tanong ko sakanya. Dami namang pwede dyan, bakit ako pa?

"Ikaw nalang kasi ang malalapitan ko. Hindi ko pwedeng ipaalam sakanila.. Pag nalaman ni Victoria to, baka hindi pa sya pumayag. I don't like her attitude. Walang modo at walang pinag aralan ang babae nun, halata sa pananalita nya sakin.. So Kylie.. please, help me.."

Hindi naman ako makakatanggi dito kay Tita, at symepre gusto ko din malaman ako totoo. Para din kay Kath to. Gusto ko din maging masaya ang bestfriend ko noh! "Yes tita. Tutulungan ko po kayo.."

Ngumiti naman sya sakin. "Thank you.. pero Kylie? Pwede bang wag mong sabihin to sa mag-asawa?"

"Bakit naman po?" Tanong ko sakanya.

"Basta. Ako na bahala dun." Hmm.. sige na nga. Dahil naniniwala naman akong mother knows best!

"Sige po Tita, pero nasan po si Jeremy?" Tanong ko sakanya. Nginitian nya naman ako.

Nandito kami ngayon sa kotse ng mommy ni Liam ngayon. Iniwan ko na sa bahay yung kotse ko kasi yung sakanila nalang daw yung gagamitin. Mabilis naman kaming nakarating sa ospital. Nakakatuwa nga tong mommy ni Liam kasi planado nya na pala ang lahat.

Lahat ng kailangan meron na sya, nasa kanya na. Talagang pinlano nya na daw at ako nalang daw ang kulang. Sabi sakin ni Tita, nararamdaman nya daw na parang may mali. Gusto daw nya maka-siguro.

Nakwento sakin ni Tita lahat ng ginagawa ni Liam. Nakaramdam ako ng awa sakanya, sa mga ginawa ni Liam talagang mahal nya na ang bestfriend ko. Pero syempre, mas nakakaaawa nadin si Kath. Kaya nga sumuko na talaga sya. Hindi nya na daw kaya yung sakit na nararamdaman nya.

Pag kadating namin dun, agad na pinaasikaso ni Tita ang para sa DNA. Umupo naman kami sa upuan at dun nag hintay. Sobrang taga bago ilabas kung ano ang resulta ng DNA. Matagal tagal din bago kami nag hintay, nag kwentuhan muna kami ni Tita. Masaya naman sya kausap, sinabi nya sakin na gustong gusto daw nya si Katherine para kay Liam. Alam daw nya na may mabuting puso si Kath.

At totoo naman. Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng lumabas na ang doctor..

"Mrs. Martinez.."

LIAM

Aalis kami ngayon nila Mom at pupunta kami sa party ng pinsan ko. Hindi ko talaga ganun kakilala ang pinsan ko na yun. Sabi nga sakin ni Mom, isama ko daw si Victoria. Bakit ko naman isasama ang babaeng yun? Tumanggi ako dahil ayokong isama si Victoria. Mas gugustuhin kong si Kath nalang ang isama ko.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon