Chapter 5

492K 6.3K 1.9K
                                    

Yumiko POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng phone ko. Shit ang sakit ng ulo ko. Ano ba 'yan. Inabot ko yung phone ko na nasa side table.

I looked at the screen.

Papa calling...

Argh. Ang aga naman. "Hello?"

"Iha,are you okay? Pabalik na ako ng Japan. Pasensya ka na iha kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo ng personal. Binilhan kita ng kotse. Itanong mo nalang sa butler d'yan kung alin, nasa kanya din ang susi."

"Okay 'Pa. Thanks. Take care."

"Mas mag-ingat ka, iha."

"Yeah."

"Okay bye."

"Bye."

Hay. Ano bang gagawin ko? Wala ako sa mood pa mag-ayos ng mga papel ko sa SWU. Ayoko munang pumasok.

Saka...

Parang sa tingin ko hindi ko na yata kailangang ayusin kasi parang ayoko nang ituloy iyong pagpasok ko sa SWU.

Parang naiisipan kong bumalik na ulit ng Japan.

Hindi naman sa give-up na ako. Pakiramdam ko kasi, wala na talagang pag-asa na magkabalikan kami ni Lance.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin naman kayang tanggapin na may mahal na siyang iba.

Sa loob ng six months? May pumalit na agad sa akin sa puso ni Lance? Ibig sabihin, hindi niya ako ganoon kamahal.

Ewan. Ang gulo na. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Nasasaktan na nga din ako totoo lang. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Sobra.

Hay.

Bakit pagkatapos kong mag-sacrifice, heto't nasasaktan pa din ako?

Naalala ko pala si Trigger. Ang bait nya. Hindi ko akalaing may mga lalaki pang ganoon.

"Yumi!!!!"

Pwede ko ng gawing alarm clock si Fancy. Psh.

Bumangon ako saka binuksan ang pinto. "Oh bak---"

Niyakap nya ako. Ha? Bakit.

"Yumi are you okay?" Tanong niya pagkakalas niya ng yakap sa akin.

Tumango ako bilang sagot. Kasi ang totoo, hindi naman ako okay. Pinipilit ko lang maging okay.

"But last night, you looked so miserable. What happened ba?"

"Ah, wala iyon. It just..."

Nag-aalangan ako kung sasabihin ko sa kanya. "Hindi tinanggap ni Lance ang arranged marriage between us dahil hindi na niya ako mahal. Sinabi niya na may mahal na siyang iba."

Nanggigilid na naman luha ko.

"Oh my! That bastard! I really hate Reid na! He's so nakakainis!"

I sighed. "Huwag kang mainis sa kapatid mo. It's okay. Matatanggap ko din 'yon."

"No Yumi. I know Reid loves you."

Umiling ako. "Please, ayoko na 'tong pag-usapan." Sabi ko.

Masyado na akong nasaktan kahapon. Binuhos ko na lahat ng sakit kaya ayoko ng pag-usapan pa ang bagay na 'yon.

"Okay Yumi. I'm sorry. By the way, let's have breakfast."

"Hm, okay." Sagot ko.

Sumama na ako kay Fancy pababa then pagdating namin dito sa dining area, kumakain sina Lance at James.

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now