/27/ Exam

366K 11.6K 1.5K
                                    

[George Morris' P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[George Morris' P.O.V]  

TULUYAN nang nilamon ng dilim ang liwanag. Nasa labas pa rin kaming lahat ng main house, naghihintay sa kung anong susunod na mangyayari. Halos tatlong oras na ang nasasayang sa paghihintay. Naiinip na sila, nabubugnot. Abala sila sa kanya-kanya nilang ginagawa.

Tumingin ako kay Jill na naroon di kalayuan, alam kong nagalit siya sa ginawa ko kanina pero wala akong magagawa roon, kahit na gustung gusto ko ng sabihin sa kanya lahat, hindi pwede dahil sa isang dahilan: nangako ako kay Lucille.  Saktong napatingin din siya sa'kin pero agad din siyang umiwas ng tingin.

Hindi maipinta ang mga mukha nila kanina matapos sabihin ni Miss Karen ang susunod niyang ipagagawa. Bigla siyang nagpaalam saglit at pagkatapos ay hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabalik.

"Men." May tumapik sa balikat ko. Si Tadeo.

"Kinakabahan ako, men." Sabi niya sa'kin at muka nga siyang kinakabahan dahil sa galaw niya.

"Bakit?"tanong ko.

"Ewan ko ba, men. Feeling ko nasasapian na ng kung anong masamang espiritu si Miss. Kung anu-ano ang ipinagagawa. Akala ko pa naman makakapagrelax ako rito." Dismayadong sabi niya. Hinawakan ko siya sa balikat para naman mapirmi yung katawan niya sa iisang lugar, ang likot niya kasi.

"She's unpredictable."

"Naman! Tss. Siguro nagseset up na ng mga bitag 'yung si Miss. Nako, napanood ko na to sa pelikula eh, ano nga ba 'yon." Nag-iisip siya habang kumakamot sa ulo, "Ah! Ayun! Death Bell na 'to, men. Takte uwi na ko!"

"Ang paranoid mo, Roman."

"Tsaka, Battle Royale! MEN! OO NGA! Pano nga kung ganon yung ipagagawa ni mam Karen HA?! Magpapatayan tayo rito sa isolated na lugar tapos WAAAH."

"Adik." Sabi ko, natatawa sa mga sinasabi niyang kalokohan. Napapatingin tuloy sa'min yung iba pa naming kaklase, narinig nila yung mga pinagsasasabi ni Tadeo at napapaisip na rin kung baka tama siya.

"Tingnan mo, nahawa tuloy sila ng ka-paranoid-an mo, Tado." Biglang may sumulpot sa gilid namin, si Cris o mas kilala nila ngayon na 'Baldo'. Nakipag fist bump siya kay Tadeo, at pagdating sa'kin medyo nag-alangan ako, ngayon lang ulit namin 'to ginawa. Matapos kasi ang mga insidente noon, nagkalayu-layo kami sa hindi maipaliwanag na dahilan. Dahil pa rin siguro sa pagkawala ni Lucille? Naapektuhan si Tamaki? Ang lahat? Ewan.

"Oh natakot ka naman Baldy.Haha! Baldy! Baldy!"

"Ulul mo, ikaw yon.Wag mo kong tawaging Baldy hayup ka, TADO ka talaga."

Nagsakalan sila bilang biruan, gaya ng dating gawi.

"Si Senji na lang kulang, kumpleto na sana tayong F4."

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon