Part Five

194K 7.7K 1.1K
                                    




"Dad."

"Yes?" Mula sa pintuan na kanina pa nag-aabang, ay nag-aalangan siyang pumasok sa loob ng opisina ng ama. "Lily? Come here, bakit kanina ka pa dyan?"

"I-it's been a month since na magpunta ka sa ibang bansa, dad." Hindi niya alam kung paano sisimulang sambihin dito ang nangyari.

"Oo nga pala, Lily, ipakuha mo na lang kay Alfred yung mga binili ko para sa inyo―"

"Dad may―"

"And by the way how's Jillianne? Christmas break niyo na right? Kamusta ang school―"

"Dad." Napatigil si Richard nang makitang seryoso ang anak, ngayon lang niya nakita rito kaya napakunot noo siya.

"What? May problema ba? Nag-away na naman ba kayo ni Jill?"

"No. Hindi po." Napayuko si Lily, hindi alam kung paano sasabihin, "She's...she's..."

"She's what?" kinutuban na ng masama si Richard, pinagdasal niya bigla na sana walang nangyaring masama sa anak niya. Isang buwan siyang nawala sa dahilang may mahalaga siyang inasikaso sa University of Adelaide bilang guest professor, nagwithdraw siya sa pagpresent ng research sa tungkol sa anomalous conditions ng isang tao o Peculiarities. At pagbalik ni Richard, balak niyang putulin lahat ng koneksyon sa kanila―sa Memoire.

"Anong nangyari kay Jillianne, Lily?"

"Nasa...kamay na po siya... ng Memoire."

Hindi nakapagsalita si Richard, pero kaagad ding nakabawi, "P-paano mo nalaman ang tungkol―"

"Matagal ko na pong alam dad, tungkol sa kapangyarihan ni Jill, at tungkol sa Memoire."

"Paano?"

"Morris blackmailed me, no, hindi siya, yung other persona niya, si Sio, sinabi niya lahat sa'kin dad―"

"I need to go." Hindi muna inisip yon ni Richard, ang importante sa kanya ngayon ay si Jillianne. Dali-dali siyang lumabas ng silid at kinuha ang cellphone mula sa bulsa, "Alfred, pakihanda yung chopper, pupunta tayo sa MIP, ngayon na."

Kung alam lang niya na magdadala ng kapahamakan sa anak niya ang mga mata ni Beatrice, sana hindi niya na hinayaang ibigay yon kay Jill―hindi―walang kasalanan si Beatrice, wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili dahil siya ang may kasalanan ng lahat ng 'to.



Sentral City Hospital

Halos magtakbuhan sa hallway sila Aya, Tadeo, Sabina, Ireneo at Tamaki at kung hindi pa sila sitahin ng nurse ay hindi sila matitinag. Hingal na hingal silang lima nang huminto sa harapan ng isang silid, inayos muna ang sarili at mga dala-dalang prutas at bulaklak. Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Mrs.Cruz, mas masigla kumpara sa huli nila itong nakita.

"G-good afternoon po." Sabay-sabay nilang sabi kahit na hinihingal pa.

"Kayo ba yung mga kaibigan ng anak ko?"

"Opo!"

"Pasensya na kayo kung ngayon lang kayo sinabihan na pwedeng dumalaw, dalawang araw na ang nakalipas simula nang magising siya." Isang malaking balita ang bumungad sa kanila kaninang umaga―nagkamalay na si Penelope at mabuti na ang kundisyon nito. Kaya naman wala na silang inaksayang panahon at kaagad silang pumunta para dumalaw.

"O-okay lang po tita." Wika ni Aya habang pinagpapawisan kahit na malamig naman sa hallway.

"Sige, kayo munang bahala at dito lang muna ako sa labas."

"Thank you po." Pumasok silang lima at maluha-luha namang tumambad sa kanila si Penelope nasa kama at nakasandal ang likod nito sa headboard.

"Penpen!" si Aya ang kaagad nanguna, sinundan ito nila Tadeo sa pagbati. Matapos ang ilang pangungumusta ay naglibot ng tingin si Penelope, may hinahanap.

"N-nasaan sila Baldo? Si Stephen...tsaka...si Jill?" nagtinginan silang lima sa sinabi ni Penelope, hindi alam ang isasagot.

"Ano kasi Penelope, ano, ah, kasi, ano ahh." Si Tadeo na hindi mahanap ang tamang salita para sabihin dito.

"Matagal na namin silang hindi nakocontact simula nang matapos yung night out." Si Ireneo ang nagtuloy sa sasabihin nito. Natahimik silang lahat pagkatapos, hindi man nila sinasabi sa isa't isa alam nilang may nangyayaring kakaiba.

"Guys... May sasabihin ako sa inyo." Si Penelope na nanginginig ang boses, "Hindi talaga ako nahulog sa hagdan."

Napakunot noo sila, nagtataka, lumapit pa lalo para makinig ng mabuti kay Penelope.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sabina.

"M-may tumulak sa'kin."

"H-ha?!"

"Si...si...Morris."

Pareparehong namilog ang mga mata nilang lima sa sinabi ni Penelope na biglang umiyak.

"Seryoso ka ba? Si Morris?" si Tamaki na umaasang biro lang ang sinabi ng kaklase.

"Oo." Sabi ni Penelope habang pinipigilan ang luha sa mga mata, "Nakita ko sila ni Lily, narinig ko yung usapan nila." At inilahad niya kung paano niya nalaman noong araw na 'yon, nang marinig niya ang pagtatalo ni Lily at Morris, nagtago siya at narinig ang usapan nito na hindi niya lubusang maintindihan hanggang sa mahuli siya ni Morris. "Parang hindi siya si Morris kasi ibang-iba siya kumilos at magsalita..." at kung paano siya dapat tatakas at itetext si Jill pero nahablot siya nito at malakas na itinulak sa hagdan.

Hindi makapaniwala sila Aya sa nalaman kaya naman hindi sila kaagad nakapagsalita.

"Malinaw sa mga nalaman ko... Jill can see the future, may mga taong gustong kumuha sa kanya. Kabilang si Baldo sa mga magpeframe up sa kanya. Si Stephen...si Stephen...katulad ni Baldo―"

"Guys." Pinutol bigla ni Aya si Penelope, "May gusto rin akong ipaalam sa inyo."

"A-ano?"

Inilabas ni Aya mula sa bag ang isang videocam at ipinakita sa grupo ang ipinlay niyang clip, "May kakaibang nangyari noong Night out.Basta ang alam ko nagbivideo lang ako noong nagrarakrakan, matapos kumanta nila Jill, naisipan kong puntahan siya sa backstage kaso...." Sabi ni Aya habang pinapanood ng mga kasama video clip, "Hindi ko alam kung anong kawirdohang nangyayari pero masama yung kutob ko na may kinalaman din to kila Jill." At kitang kita sa video na huminto ang oras, huminto ang paggalaw ng mga tao, pero may mga ibang tao na nakakagalaw, at nakita nila sa madilim na kuha ng video, si Baldo at Jill na tumatakbo papunta sa loob ng building.

"Paanong nangyari 'to?"

Nagkatinginan lang sila habang binabalot ng kaba.Kung anong misteryo ang nangyayrari, hindi nila alam.

"Kailangan nating pumunta sa school." Sabi ni Ireneo.

"Para saan?" tanong ni Sabina.

"Para malaman natin kung anong nangyari noong gabing yon."

"Ha?"

"CCTV cameras."




-xxx-



TIMELINE

Dec.16- Night Out event at White Knights Academy

Dec.17-Train Dilemma, Karen was kidnapped

Dec.18-Jill was betrayed by the Carnies and her first day at MIP

Dec.19-Day two at MIP

Dec.20- Meeting Dr.Irvin, she saved Klein and discovered the HGPs RM

Dec.21-Jill, Jing, and Cloud tried to escape. Jill met the chain gang.



The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon