/10/ Rank 40

424K 15.7K 1.8K
                                    

Mahirap makipagsiksikan sa tren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mahirap makipagsiksikan sa tren. Pero nakapagtatakang maraming tao pa rin ang nakikipag-unahan at nakikipagtulakan para maunang makapasok sa loob. Sa loob ng tren ay hindi lahat nabibigyan ng magandang pribilehiyo, hindi lahat nakakaaupo, may lugar para sa mga babae, may lugar na para sa mga matatanda, hindi pantay-pantay, parang sosyedad.

 Sa tuwing paparating na ang tren at bubukas ang pinto nito, wala ng makakapigil pa rito. Ibig sabihin, tuluy-tuloy lang ang pag-usad, walang hihintayin, kung hindi ka hahabol, maiiwan ka, ang mauna ay mauna. Sa panahon ngayon, kapag nadapa ka, hindi na ganun kabait ang mga tao para huminto at bigyan ka ng atensyon para tulungan, matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. The one who will fall behind, will left behind.

"Approaching next station, please check your belongings before leaving the train. Thank you."

Sa pagbukas ng pinto, may mga bagay na naghihintay. Mga bagay na hindi mo matatakasan. Pagbaba ko ng station six, may itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko, bumukas ang tinted window nito.

"Good morning, Miss Jillianne." Si Albert, nakangiting inanyayaan akong pumasok sa loob ng sasakyan. Sumakay nga ako at tahimik kaming nakarating sa White Knights. Bumaba ako ng kotse, nang tawagin ako ni Albert, lumabas din siya."Miss Jillianne." Huminto ako, "Hinihiling sana ni Dr.Richard—"

"Ayokong pumunta."

"Pero iyon ang kagustuhan ng papa mo."

"Pakisabi wala akong balak pumunta."

"Miss Jillianne, kahit ngayon lang, iha. Pagbigyan mo na ang papa mo. Matagal ka na ring hindi umuuwi."

Napabuga ako ng hangin. "Pag-iisipan ko."

Ngumiti si Albert at sinabing, "Isang dinner party ang inihanda nila sa sabado, sana makadalo ka, miss Jillian." Tumango na lang ako at nagpasalamat. Tinanaw ko munang makaalis si Albert bago ako pumasok sa loob ng malaking gate ng academy.

Nagmamadali lahat ng estudyanteng kasabay ko. Ano kayang meron?

"Good morning Morie!" biglang may tumulak sa likuran ko kaya muntik na kong sumadsad.

Sino pa ba? Si Aya.

"Sorry nemen! Hehe." Sinabayan niya ko sa paglalakad, "Uwaa, ngayon lang tayo nagkasabay sa umaga. Ang saya-saya!" kinawit niya yung braso niya sa braso ko. Nahalata naman ni Aya na nagulat at nailang ako sa ginawa niya.

"OMO! Malelate na tayo!" biglang tumakbo si Aya at dahil nga nakakawit yung braso niya sa braso ko, hinayaan ko na lang na mapatakbo na rin ako. Ganito si Aya, she always acts friendly sa kahit na sino. Lagi siyang hyper, at parang walang pinuproblema sa buhay. Kahit na minsan nakakainis at nakakairita na.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon