/8/ Photographs

457K 14.8K 1.8K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"...masama bang dalawin ang ate ko?"

"What do you want, Lily?"  sabi ko, "at hindi kita kapatid."

"Yeah, hindi nga tayo magkapatid biologically. But, I have good news."

"Ano naman?" sabi ko habang nilapag sa tabi ng cabinet ang bag ko at nagtanggal ng medyas, siya naman ay umupo sa couch, nakangiti pa rin ng ubod ng tamis na animo'y nang-iinis. At ako naman, laging tinatablan sa mga pang-iinis na ginagawa niya.  Teka, lagi naman akong naiinis sa kanya, the way she speaks, the way she acts, lahat ng tungkol sa kanya kinaiinisan ko. Well, ganun naman talaga diba, when you dislike someone, kahit wala siyang ginagawa sa'yo, maiinis ka, maaapektuhan ka.

"Tito Richard will adopt me. Magiging Morie na rin pala ako." Napahinto ako sa sinabi niya, pinilit kong hindi ipakita na naapektuhan sa sinabi niya. So, dad will adopt her? That's not cool.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta rito?" 

"No."

Tinalikuran ko na siya para pumasok sa kwarto ko, hindi maganda ang araw ko kaya gusto kong magpahinga, "Bukas ang pinto pwede ka ng umalis." Lily and I are not close, I don't even consider her as a friend as well, siguro noon oo, pero ngayon? Simula ng malaman ko na ang ina niya ang magiging bagong asawa ni dad, hindi ko na siya kinakausap. Coincidently, magkaklase kami, at hindi alam ng iba naming classmates na step-sister ko siya.

"Stay away from him." narinig kong matigas na sabi ni Lily. Napahinto naman ako at the same time ay biglang napangisi. So, nakita niya siguro kanina sa library, at ito pala ang pinunta nya rito.

"I see." I smirked, "Bakit? Natatakot ka ba?" alam kong sa mga sandaling ito naglaho ang ngiti ni Lily, ngiting lagi niyang suot kahit saan, ngiting kinamumuwian ko. 

"Shut up!"

 Tumawa ko. Sinasabi ko na nga bang mapipikon siya sa mga sinabi ko. Magkalayo kami ng limang metro, pero damang-dama ko ang panggagalaiti niya sa'kin. So sa mga sandaling 'to, nararamdaman ko na the favor is mine. 

"Natatakot ka ano? Sabagay, kapag nasa tuktok ka nga naman, hindi mo na nanaisin pang bumaba.You may got everything I have, Lily, but the time will come, lahat ng 'yon, babalik sa tunay na nagmamay-ari."

At sa akin yon. 

"Don't make me laugh, Jill." tanging nasabi nya at narinig ko ang mga yabag ng pag-alis nya, pero bago yon, nagbitaw pa si Lily ng mga salitang, "There's no place for you to come back."

Isang dahilan kung bakit ayoko kay Lily, dahil nasa sa kanya yung mga bagay na matagal kong pinabayaan. Hindi mo rin masasabing inagaw niya, dahil hinayaan ko lang. Parang snatcher na nang-agaw ng bag, pero binitiwan o lang, hindi na ko nakipaghilahan. Sa madaling salita, hindi ko pinaglaban.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon