/74/ The Jaded Girl

249K 8.9K 2.2K
                                    

/74/ TheJaded Girl

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

/74/ TheJaded Girl

Sentral City, December 24

10:30 am


Namalayan ko na lang si Uncle Julius na nasa harapan ko. Kanina pa 'ko rito nakaupo sa sofa ng office lounge ng IADC. Isa't kalahating oras na ang nakalilipas matapos nila 'kong dalhin sa lugar na 'to.

"Jillianne." Hindi ko pinansin si Uncle, nakatingin lang ako sa kawalan, hanggang sa maramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. "Ihahatid na kita sa inyo." Naisip ko kung tama bang magalit ako kay Uncle ngunit isa lang din naman siya sa piyesa na ginamit sa 'laro' na 'to. Memoire controlled the authorities, at panigurado napagtakpan nila kaagad kung ano mang 'milagro' ang nasaksihan nila kanina, madali lang sa kanila na literal na burahin sa isip nila ang tungkol sa mga Peculiars.

"Nasaan sila?" mahinang tanong ko, halos pabulong, walang lakas, parang nanghihina. Alam kong nakatitig lang sa'kin si Uncle, hinahanap ang mga salitang pwedeng isagot sa'kin, nakita ko sa gilid ng mata ko na dahan-dahan siyang umiling, alam ko na, hindi niya pwedeng sabihin o sadyang hindi niya rin alam. Tumayo ako, at gayon din siya, "Tara na, uncle." Walang ganang yaya ko sa kanya. Tumango lang siya at naunang naglakad, sumunod lang ako sa kanya.

Hindi ko sukat akalaing maraming media ang nag-aabang sa lobby ng building, kaagad akong hinarangan ni Uncle para hindi nila makita. Biglang nagsikislapan ang mga camera nila, akala mo mga paparazzi at isa kong celebrity . Ang dami kaagad nilang tanong na mga ibinato, sunud-sunod, walang preno, muntik ko ng makalimutan na anak nga pala ko ng isa sa mga prominenteng tao sa Sentral city, ang doktor at propesor na si Richard Morie. Maagap ang mga staffs ng IADC kaya hindi nila nahayaang malapitan ako. Sa likuran ng gusali kami dumaan ni Uncle, at pagkarating namin ng paradahan doon ay hinarang naman nila kami—ang Sentinels, gaano kaya sila karami at saan sila nakukuha dahil parang hindi sila nauubos?

Biglang naglabas ng baril si Uncle dahil mukhang hindi siya na-abisuhan tungkol dito.

"Put that gun down." Mula sa kung saan ay sumulpot siya, ang deputy headmaster ng Mnemosyne Institute, na siya ring tumatayong Chief ng mga Sentinels na 'to. Si Cairo. "We're from the higher-ups." Higher-ups? "Kami ang in-charge sa batang 'yan."

"Wala akong order na natanggap tungkol dyan, ako ang maghahatid sa kanya dahil iyon ang iniutos sa'kin." Mukhang naamoy na ni Uncle na masasama ang budhi ng mga nilala na 'to, oh well, it's a detective thing.

"Julius Fajardo, right?" sabi ni Cairo, poker faced. "You're wasting our time, alam mo ba 'yon?"

"Uncle," sumabat na 'ko, "It's fine, sasama ako sa kanila, they're indeed from the higher-ups." Sabi ko.

"Pero—"

"Then shall we go?" Si Cairo. Wala nang nagawa pa si Uncle kundi pabayaan akong sumama kila Cairo. Wala naman na talaga siyang magagawa dahil iisa lang siya at hindi niya alam kung anong klase ng tao 'tong si Cairo pati ang mga kasama niya. Sa totoo lang, I don't have that kind of strength anymore to fight them this time, ano pa bang ipaglalaban ko?

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon