/17/ Devil's Hour

382K 13.8K 1.6K
                                    

"Hoy Mariah Martinez, ang takaw-takaw mo naman, magtira ka nga!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy Mariah Martinez, ang takaw-takaw mo naman, magtira ka nga!"

"Kupal ka talaga  Cris Baldemor, wag mo kong tawagin sa buo kong pangalan, anu beeeey!"

Magkakasama kaming naglalunch dito as usual sa  tambayan nila, ang roof top, may mga kanya-kanya kaming baon na pinagsasalu-saluhan. Mabuti na lang hindi ganun kainit at may covered place naman dito  na pwedeng silungan at pagkainan.

Apat na araw na rin yung lumilipas since na madischarged ako sa ospital. Everything went smoothly again, hindi naman pala masamang magbago kahit kaunti lang, well except sa pag-iwas ko ng direktang eye contact at pagtitig ng matagal sa mga mata nila. At yung mga boses sa panaginip ko at tuwing pag gising ko tuwing---

"Morie, oh, gusto mo pa?" alok ni Penelope sa ulam na baon nya. Hindi tuloy ako nakasagot kaagad.

"Nako, kung ayaw ni Morie, akin na lang. Waaah." Tutusukin sana ni Aya yung chicken pero pinigilan sya ni Baldo.

"Mariah Masiba Martinez!"

"Baldooo naman, gusto ko pa nung baon ni Penpen eeeh." Kaming dalawa lang ni Yue ang pinakatahimik. Si Penelope kasi nagiging taga awat nilang dalawa.

 Weird. Hindi ko alam kung paano at kalian pa sila nabuo as a group of friends. Si Aya, ang alam ko may mga kaibigan din syang kasama.  Si Penelope, yung unang kaklase ko na nakitaan ko ng future, alam ko mas gusto nyang mapag-isa at mag-aral. Si Baldo, na may kinalaman kay Alexi Sabina, ang alam ko rin ang grupo nila Tadeo ang kasama niya. At si Yue... na nagging dahilan ng pagiging rank 40 ko noon.

 Lahat sila naging konektado na sa buhay ko. They were not meaningless after all. Ito rin pala siguro yung naging bunga ng lahat ng mga nakita ko. Everything happens for a reason. Cliché na kasabihan pero totoo nga. Naniniwala ako. Hindi na ganun kasama. Matapos ang matagal na panahon, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng mga kasama.

 Matapos kumain, gumawa na lang kami ng mga assignments. Nagpatulong sila sa'min ni Penelope, kesyo raw consistent na matataas ang grades naming sa lahat ng subjects. Pero sa bandang  huli, nabugnot din sila Aya at nagyaya na lang magkwentuhan ng kung anu-ano para ubusin yung oras ng lunch break.

 "Ang weird ng homeroom teacher natin no? Tss."  Out of the blue nag-change topic si Aya, wala syang ibang tinutukoy kundi si Karen Italia, the adviser. Yeah, that lady is weird. Baldo, Penelope, and Yue also agreed.

"Ang creepy creepy pa nya nung counseling! Parang wala kasi siyang emotions. As in po-po-poker face ang peg! Naku, kinikilabutan talaga ko pag naaalala ko." Aya hugged herself as a sign of being chilled.

 "Cyborg ata yun eh." Sabi ni Baldo.

 "Ha-ha, funny Baldo." React naman ni Penelope.

 "Hindi naman siguro ganun ka-weird si Miss." Then Yue, for the first time, started to talk.

 "Hmm... What do you mean?" Penelope asked.

 "Kasi noong nangyari sa platform ng station six..." mukang alam ko na yung tinutukoy ni Yue. Natatandaan kong nabanggit ko kay miss Karen ang tungkol sa nakita kong mangyayari. Nandoon sya sa station six.

 She's the one who stopped Yue for killing himself.

 "Hindi ko makakalimutan yung araw na 'yon, Jill."

 "Wait, anong nangyayari, hindi kami makarelate. Dibaaa Baldo, Penpen? OP kami oh, O-P." sabi ni Aya na may pakumpas-kumpas pa sa ere.

 "Magsusuicide sana ko. Pero si Jill yung napagkamalang magpapakamatay." sagot ni Yue na ikinabigla nila.

 "HAAAAAAAAAAA?" Aya, Baldo and Penelope blurted as they heard Yue's unbelievable statement. Sabagay kahit sino naman mabibigla kapag nakarinig ng ganun. Namayani ang katahimikan kaya naman naisipan kong basagin ito.

 "...Ano bang nangyari bagoako dumating?" tanong ko sa kanya.

 Huminga muna ng malalim si Yue bago magsalita. Inaalala ang mga pangyayari noong gabing yon. Noong gabi bago ako tumalon sa riles.

"Dumating na kasi sa punto na gusto ko ng wakasan ang walang kwentang buhay ko. Alam nyo naman siguro kung bakit, being the lowest rank sa section natin. Ireneo never treated me right. Naghihintay ako ng train sa station six, ewan ko, parang may kung anong demonyo ang bumulong sa'kin na tumalon. Pero may biglang humagip na mga braso sa'kin." Lahat kami taimtim na nakikinig sa kwento ni Yue.

 "Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na yon. Akala ko magiging katapusan ko na talaga." Kabaligtaran ng nakita ko noong una kong makita sa mga mata ni Yue ang nangyari. Pero dahil nga sa sinabi ko  yon kay miss Karen, nagbago ang hinaharap. "Nagulat ako nang makita ko si miss. Hindi ko inaasahang sya yung magliligtas sa'kin. Akala ko sasampalin nya ko kasi itinaas nya yung kanang kamay nya. Napapikit na lang ako at naramdaman ang pagtap nya sa ulo ko..."

 "Tapos anong sinabi nya sa'yo?!" excited na tanong ni Aya. Tumingin sa direksyon ko si Yue.

 "Wala siyang sinabi eh.."

"Teka paano naman nalaman ni miss na gagawin mo yun?" 

 Because I told her. Napakibit balikat lang si Yue sa tanong ni Baldo. Ang ipinagtataka ko... 

 "I can see the future.."

"Really? So can you tell what's mine?" sa sinabi noon sa'kin ni miss, hindi siya naniniwala na nakakakita ko ng hinaharap. Pero pinuntahan nya pa rin si Yue. So... naniwala rin pala sya sa'kin? Marami pa silang gustong itanong kay Yue kaso nagring na ang bell at oras na para bumalik sa klase. Kailan din kaya masasagot lahat ng misteryong tanong sa isip ko?

 Kailan?


*****


"Jill.. Morie..

"Jill... Morie..

"Jill... come... with... us..."

Ayan na naman sila.. Yung mga boses na tumatawag sakin. Magmula nang makalabas na ko ng ospital at nakabalik ulit dito sa apartment.. Muli na namang nagbalik yung mga boses na yan.  Kalahati ng diwa ko ang gising. Wala akong ibang makita kundi kadiliman... At wala rin akong ibang marinig kundi ang boses nila..

 "Jill Morie..." paulit-ulit. Mga boses ng mga taong hindi ko kilala. Nakakatakot. Parang bangungot. Kailangan kong magising.. Kailangan kong gumising....

Bigla akong napabalikwas. Nananaginip na naman ako.. At kagaya ng paulit-ulit na kakaibang nangyayari sa'kin... Nandito na naman ako sa tapat ng study table ko.

 3:34 am. The devil's hour.

 Hindi na maganda to. Anong nangyayari sa'kin? May demonyo na bang namamahay sa katawan kong 'to?

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon