/9/ Her Eyes

412K 15.2K 1.4K
                                    


"Jillianne Morie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Jillianne Morie. Please come with me."

Automatic namang napatingin silang lahat sa'kin. Biglaan kasi 'tong―whatever you call that session. Agad din naman silang nagbalik sa sari-sariling mundo, they breathed a sigh of relief dahil hindi sila ang maswerteng naunang tawagin.

Lumabas kami ng classroom at nauna siyang naglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Bakit random pa kung pumili ng tatawagin? At sa dinami-rami ako pa talaga ang inuna nitong si Miss Karen.

Tsaka ko lang narealize na hawak ko pa rin pala yung itim na papel na binigay nya kanina. Bumalik na naman yung  mga tanong sa isip ko. Hindi ko maintindihan kung para saan ba 'to. Tiningnan ko ulit yung sinusundan ko, papunta kami ng right wing ng building. Parang may kakaibang aura na bumabalot sa pagkatao niya. Bigla akong na-curious.What she'll do next?

Huminto siya sa tapat ng isang silid. Pumasok kami sa loob, malamig ang kwarto,may malaking clear window, isang mesa at dalawang upuan na magkaharap.

"You can ask questions later." Sabi niya tsaka naupo sa pwesto. She just said what? "I can see it to your face. Have a seat." nahalata niya nga siguro kung anong nasa isip ko base sa expression ko. Pero I just stood where I am, hindi ako kumilos.

"Jillianne Morie."

Nagbalik ako sa ulirat, umupo ako kaharap siya, without looking at her eyes. Tumingin sa labas ng bintana si Miss Karen, "Good weather, isn't it?" napatingin din ako sa bintana, tama nga siya, maaliwalas ang kalangitan at maganda ang sikat ng araw.

I looked at her, blangko ang ekspresyon at nakatingin pa rin sa malayo.

"Why are you looking outside?" tanong ko.

"You're comfortable in this way." she's right "How do you feel right now?" she asked, we're still looking outside.

"I'm fine." I'm really trying to. Even though I'm so tired of acting like I'm fine, and trying to forget the truth, I'm not just happy. I want someone to look in my eyes to see how I really feel.

"Minsan talaga hindi naaayon ang nilalabas ng bibig sa nararamdaman natin." napatingin ako sa kanya, pero binalik ko ulit ang tignin sa labas ng bintana. So, she can sense it. 

"My life is dreadfully boring."

"Why do you say so?"

"Doing the same things every day sucks."

"Then, why you're still here?"

"Para mag-aral. You said life is not fair enough for those lazy and stupid."

"You think so?"

"Can we make it shortly? It's pointless." Funny, dahil nag-uusap kami ng hindi nakatingin sa isa't isa, nag-uusap kami habang nakatanaw sa ganda ng paligid sa labas.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon