/55/ Day Two

303K 8.5K 2.1K
                                    

[George Morris' POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[George Morris' POV]

"WHAT are you doing here?"

"Can't you see? Nagbabasa ako." Naaninag ko siya nang makalapit ako. Nakita ko siya sa study-table, nakaharap siya sa laptop. Nandito na naman siya, kailangan ko siyang paalisin.

Nang malapitan ko siya tsaka ko lang nakita kung ano yung binabasa niya.

White Knights Academy's

Heartless Heartbreaker

Jillianne Morie

"What the hell is that?" I heard him laugh.

"A blog, about your ex-girlfriend's blog actually."

"Get out."

"I'm still updating it―" Dali-dali kong sinara yung laptop, tinuro ko yung pinto para umalis siya. "Get out." Ulit ko. Tumayo siya sa kinauupuan, akala ko aalis na siya pero humiga pa siya sa kama ko at mula kung saan may hawak siyang libro―no, hindi 'yon basta libro.

"Bakit na sa'yo yang sketchpad ni Lucille?!" Sigaw ko sa kanya. Sinubukan kong agawin yung sketchpad, yung sketchpad na pinagdrowingan ni Lucille, mga mangyayari sa hinaharap, mga mangyayari kay Jill Morie. I heard him laugh again, hindi ko 'yon nakuha dahil kaagad siyang bumangon at pumunta sa sulok ng silid.

"Too bad, ngayon mo lang nalaman na nasa akin?" He laugh again. "Poor me."

"Ibigay mo sakin yan!" Pero hindi man lang siya natakot.

"I'm doing this for you, for us..."

"Shut up!"

"Kapag na sa kanila na si Jill Morie, ibabalik nila sa'tin si ate Georgina, hindi mo ba gusto 'yon? Kailangan magpasalamat ka sa'kin dahil malapit ng mangyari 'yon, at lahat ng nakaguhit dito ay unti-unti ng nagkakatotoo. Salamat din sa cooperation mo noon sa recollection at natupad na magkaayos yung klase niyo base sa kung anong nakaguhit dito―"

"You threatened me! At sabi mo sa'kin magiging maayos na ang lahat kapag nagkaayos yung klase namin!" that's the reason why I urgently asked that favor to Miss Karen, sabi niya magiging okay na si Jill kapag nangyari 'yon but that was a lie.

"Kailangan ko rin palang magpasalamat kay Lily dahil sa laki ng tulong niya, though ikaw ang nagsasuffer, nakulong ka sa relasyong hindi mo naman talaga gusto, well kaysa naman ipagkalat niya kung ano talagang meron si Jill Morie diba? Kaya pumayag ka sa gusto niya kahit na-blackmail ka niya," I can't contain my anger right now. "Wait, ang ironic lang, she blackmailed you," he pointed at me, "Then I blackmailed her as well to put those cameras, actually you—"

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon