/71/ Beyond the Perimeter

191K 7.5K 1K
                                    

ILANG sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ILANG sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko. Pero dahil unti-unti na naman akong kinakain ng kuryosidad, naramdaman ko na lang yung sarili ko na lumalapit sa lamesa kung saan nakalagay sa ibabaw nito ang isang kahon.

'Jill's Secret' ang nakasulat sa isang puting papel na nakadikit sa harapan ng kahon. What an irony, I do have a secret but I do not even know what it is.

Open me, tila ang sinasabi ng kahon. I remember Alice, who found a curious bottle telling her to drink it, and now, feeling ko ako ngayon si Alice—pero wala nga lang ako sa Wonderland. After all these years ngayon ko lang natagpuan ang kahon na ito na naglalaman daw ng lihim ko, lihim na inilihim sa'kin sa matagal na panahon.

And so, para sa ikatatahimik ng aking kalooban binuksan ko ang kahon ng walang pag-aalinlangan. Hindi pa ko nakuntento dahil itinaob ko yung kahon at itinaktak lahat ng laman nito kaya nagkalat tuloy sa lamesa kung ano man yung nasa loob nito. Unang una kong napansin ang isang lumang vinyl o plaka, may nakaimprentang 'Que Sera Sera', familiar dahil alam ko isa 'yong kanta.

Pangalawang tumawag ng atensyon ko ang isang lumang photo album, binuksan ko 'yon at nakita ang mga larawan ng isang batang babae. Kung hindi ko pa nakita sa pinakaibaba ang nakasulat na pangalan kung sino 'yon hindi ko maiisip na ako pala ang bata na nasa mga larawan. Tiningnan ko ang mga larawan at nagtataka ako... Nagtataka ako dahil wala akong maalala ni isa sa mga pangyayaring ito.

From infancy up to childhood, I tried to find an old memory from this photos pero wala talaga. We went to the zoo, to amusement parks, and so on. Ako ba talaga ang batang 'to? Bakit ngayon ko lang naisip na wala akong maalala na kahit ano tungkol sa kabataan ko. Pakiramdam ko tuloy kalahati ng buhay ko ang nawawala dahil wala akong maalala, meron man ngunit iilan lang.

May isang maliit na kahon, binuksan ko yun to found out na mga baraha ang laman nito, puro shapes at guhit yung nasa baraha, paulit-ulit lang at hindi ko alam kung anong klaseng playing card ba 'to.

Nag-eexpect ako ng journal or any written documents na siyang magbubunyag ng sinasabing lihim ko, pero wala kahit isang kapiranggot na papel—wala. Pero alin dito? Alin dito ang sinasabing sikreto ko? Si dad ba ang may pakana ng lahat ng 'to?

Akala ko wala ng laman yung kahon nang makita ko ang pinakahuling bagay na nasa mesa—isang flashdrive.


*****


IT feels like the key is in my hands and now I had to open the so called 'secret'. Bumalik ako sa common room but to found out na tulog silang lima, sila Cloud, Dean, Eliza, Vicente at Palm, kanya-kanya silang pwesto at nakatulugan 'ata ang paglalaro ng kung anu-anong board games. Hindi ko na sila iistorbohin pa kaya binalikan ko si Jing sa balcony.

Papalapit pa lang ako sa kinaroroonan ni Jing nang makita ko siyang nakaupo habang yakap-yakap ang sarili, namamaluktot, at mukhang kailangan niya munang mapag-isa matapos niyang ikwento sa'min ang tungkol sa nakaraan at pagkatao niya, hawak pa rin ni Jing yung journal na pinabasa ko sa kanya. That's it, she needs space.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon