/66/ The Aftermath

272K 8.9K 3.6K
                                    

"WHERE exactly are we?" tanong ko sa kanila habang bumabyahe, mag-dadalawang oras na rin siguro ang nakalilipas magmula nang makatakas kami sa Mnemosyne Institute

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHERE exactly are we?" tanong ko sa kanila habang bumabyahe, mag-dadalawang oras na rin siguro ang nakalilipas magmula nang makatakas kami sa Mnemosyne Institute. Until now, medyo hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa naming makatakas.

The view is really breath-taking, kakalagpas lang namin sa isang tulay at ngayon nama'y napapalibutan kami ng bundok at mga matatayog na puno. Sure thing na malayung-malayo ang lugar na 'to ng kabihasnan, the Sentral city, everything's about nature at walang ibang dumadaan sa kalsadang hindi pa platada kundi kami lang.

"At...saan talaga tayo pupunta?" halos dalawang oras na ring walang nagsasalita sa'min, kahit boses ni Eliza sa intercom-wala. Ngayong matagumpay kaming nakatakas ng MIP, what now?

Tiningnan ko si Jing na nakasandal sa upuan ng driver's seat, tulog, na-drain 'ata masyado yung energy sa ginawa niyang 'himala' kanina-oh, she just moved the sea. Si Cloud wala ring imik, kahit sa isip hindi 'ko binubulabog, I wonder why. Maya-maya'y narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dean.

"Morie," nagsalita siya, nainip na rin siguro. "Gusto ko sanang humingi ng sorry sa mga sinabi ko kanina."

"Wala 'yon." Nagkibit balikat kong sagot.

"Over acting lang siguro ako. Atsaka hindi kasi ako makapaniwala na ikaw mismo, hinayaang mangyari 'yon," sabi niya pa. "Ang ibig kong sabihin, hindi ba kapatid mo siya? Bakit hinayaan mo lang siyang gawin yung gusto niya kahit na alam mo kung anong pwedeng mangyari sa kanya."

Gusto ba talaga niyang malaman yung dahilan ko? O sadyang concern lang siya para kay Ate Karen? "It's complicated." Honestly, I don't want to talk about it, ayokong isipin na dapat ba kong magsisi, manghinayang at malungkot.

"Okay." At pagkatapos ay itinuon ulit niya yung atensyon sa pagmamaneho, dismayado ata. Hindi pa rin nasasagot yung dalawang tanong ko kanina sa kanila, kung nasaan kami at kung saan kami pupunta. Ipapasuyo ko pa lang kay Dean na pindutin yung intercom nang tumunog 'yon.

"Guys, kamusta kayo?" boses ni Vince.

"Ahh...mabuti naman." Sagot ni Dean.

"Ako, nagugutom na," saad nito. "Seryoso. Iyon pa naman ineexpect kong isasagot mo, Dean. Hindi ba kayo nagugutom?"

"Vicente, ano ba namang klaseng tanong 'yan."

"Dean, ang aga-aga nating nagising! Walang almusal-almusal, nakipagbakbakan tayo ng madaling araw. Tao lang din naman tayo 'diba, nagugutom. Tanungin mo si 'Moses' kung nagugutom siya."

"Sinong Moses?"

"Si Moses, yung humati ng dagat!"

Medyo natawa ko sa sinabi ni Vince, buti na lang at tulog 'tong si Jing dahil kung hindi lalamunin siya ng katarayan nito.

"Dean? Morie?" si Eliza na yung narinig naming nagsalita. Nauuna pa rin yung jeep nila, kasunod yung cargo truck habang nahuhuli kami.

"Yes, Eliza?" thank goodness dahil natigil na rin sa pangungulit si Vince. Now, I don't know what to say.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon