Vladimir Ciervo

86.1K 651 113
                                    


 "Eduardo! What are you doing to our son?!" Bungad na tanong ni Imelda sa kanyang asawa na busy-ing busy sa pagpirma ng mga tambak na papeles sa lamesa nito.

"What about him?" tamad na sabi nito habang patuloy parin sa pagpirma.

"For God sake, Eduardo! 24 years old palang anak mo, pero parang 40 years old na kung makapagtrabaho. Hindi na nga siya lumalabas kasama mga kaibigan niya. Pinagbigyan ko na siya ng ilang taon sa pagiging subsob sa trabaho pero ngayon hindi ko na kaya na makita siyang ganyan." Napatigil si Eduardo sa kanyang ginagawa at tumingin sa kanyang asawa.

"Hindi ko siya pinipilit na gawin niya lahat ng ginagawa niya ngayon. Siya lumapit sa akin at humingi ng trabaho kaya binigyan ko siya. Sorry honey, kung ayan na ang napapansin mo, siguro gusto lang niya makalimot, mas maganda naman na ito kesa sa doon sa ginagawa niya dati diba?"

"I know but still, do something! Hanggang kailan siya magiging ganyan? Akala ko rin mas maganda na, magpakabusy siya sa pagtratrabaho kesa sa dati niyang ginagawa ,pero ang totoo pareho lang naman na kinukulong niya ang sarili niya. Please honey, I want my son back." Mangingiyak ngiyak na sabi ni Imelda, tumayo si Eduardo para yakapin ang asawa..

"Okay Honey, I will do something but please cooperate."

Minabuti na ni Eduardo na kausapin ang kanyang anak, tama ang kanyang asawa kailangan na niyang kumilos. Sa tatlong taon na pagtratrabaho ni Vladimir sa kanilang kompanya, malaki talaga ang naitulong nito, nakikita nito ang kabataan niya, kung paano mag handle ng business at masasabi na nito na magiging maayos ang pag-iiwanan niya sa oras na bitawan na niya ang pwesto. Pero tulad ng sinabi ni Imelda, bata pa ang kanilang anak, para sa mabibigat na responsibilidad na ganun at meron pa itong pinagdadaanan, kailangan na nitong maging ama at hindi isang business tycoon.

Mag-iisang buwan na ng mag-usap ang mag-ama at tulad ng napag-usapan last business trip na niya dito sa Singapore bago siya ganap na makapagpahinga sa business world na naging mundo niya ng halos mag tatatlong taon. Mismong ang ama na nito ang humiling sa kanya na pahinga at nagulat si Vlad na hindi basta simpleng pahinga ang gusto ng kanyang ama na tatagal lang ng isang linggo, kundi isa o dalawang taon na kalayaan para sa kanya. Wala na itong nagawa kundi sumang-ayon dahil wala naman itong choice kundi sumunod. Buong buhay nila binibigyan sila ng kalayaan na mag desisyon, pero this time bihira lang humiling ang kanyang ama kaya wala itong karapatan na tumanggi.

Kinaugalian na ni Vlad na pumunta sa Merlion fountain ng hating gabi tuwing may pagkakataon. Nakasuot ito ng hoody jacket na kulay puti at black pants habang dala dala ang kanyang gitara. Halos iilan nalang ang mga tao nandoon dahil weekdays at karamihan ng mga tao ay tulog na sa mga ganung oras. Pumwesto siya sa dati niyang inuupuan dahil walang tao.

(River flows in you

Nakapikit niyang tinitipa ang kanyang gitara at dinadamdam ang bawat tunog na nangagaling dito, kasabay ang ingay ng tubig na nangangaling sa fountain. Malamig na hangin ang parang humahaplos sa kanyang mukha habang nakatingala sa langit na parang may hinaharana sa itaas. Isang imahe ang tanging naiisip niya sa mga sandaling iyon na mas lalong nagpapangulila sa kanya, dinaan nalang niya ang lahat ng emosyon na nararamdaman sa pag gigitara na madalas niyang ginagawa. Dumaan ang ilang taon pero sariwa parin ang sugat na naiwan sa kanya, matapos ang trahedyang iyon at hindi malaman kung kailan ito maghihilom.

Ang imaheng kanina pa tumatakbo sa kanyang isipan ay dahan dahan ng naglaho ng maka amoy siya ng kakaibang amoy. Isang amoy ng bulaklak na hindi masakit sa ilong. Minulat niya ang kanyang mata para tignan kung saan nangagaling ang amoy na iyon habang patuloy parin siya sa pagtipa ng kanyang gitara. Isang babae ang nakatayo sa hindi kalayuan, naka dilaw na bistida at nakalugay ang buhok at tanging malakas na hangin ang nagpapagulo sa buhok nito. Patuloy paring pag gigitara ni Vlad sa kabila ng presensya ng babaeng iyon, kahit hindi ito kumportable na may ibang tao sa kanyang paligid. Pinikit niya ulit ang kanyang mata at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Napahinto siya sa pagtugtog ng makaramdam siya ng yabag na palapit sa kanya at pagbukas ng kanyang mata, bumungad sa kanya ang babaeng nakadilaw na bistida, yumuko ito at tinayo ang basong nasa harapan nito, binuksan ang kanyang maliit na bag at halos lahat ng pera na nandun ay nilagay niya sa basong tinayo. Tumingin ito kay Vlad at saka ngumiti, kapansin pansin ang mugto nitong mata na mukhang kagagaling lang pag-iyak at laking gulat ni Vlad ng mahina siyang tinapik ng babae sa balikat. 

"You can go home and eat." Sabi nito at saka nagsimula na itong maglakad palayo sa kanya.

Naguguluhan si Vlad sa ginawa ng babae, tinignan niya muli ang basong puno ng pera at nag proseso agad ang kanyang utak na possibleng na pagkamalan siyang busker ng babaeng iyon. Nagkibit balikat nalang siya at nilingon kung saang direksyon naglalakad kanina ang babae pero wala na ito. 

--------------

Last day na ni Vlad sa Singapore, natapos na ang kanyang trabaho doon at naging maayos ang lahat. Magdadalawang linggo na rin siyang nag stay sa bansa at ngayon na pauwi na siya, ineexpect na niya ang malaking pagbabago sa kanyang pagbabalik. Kasama niya ngayon ang ate niyang si Alexa at ang kanyang brother in law na si Miguel Sebastian na kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Nikolas, kumakain sila ngayon ng breakfast bago tumulak pa airport. Hindi sila magkasabay na uuwi dahil mag-eextend ng bakasyon ang mag-asawa bago itake charge ni Miguel ang lahat ng naiwan ni Vlad na trabaho. Mag sesecond honeymoon sila sa Maldives, habang hindi pa malaki ang tyan ni Alexa, na nasa third trimester na ng kanyang pagbubuntis.

"How are you feeling right now, na malaya ka na? Mag eexpect na ba ako ng pamangkin from you?" casual na tanong ni Alexa sa kanyang nakakabatang kapatid habang himas himas ang kanyang tyan.

"Nothing." Tipid na sagot nito sa unang tanong. Bihira lang maka kumpleto ng isang sentence itong si Vlad, maliban nalang sa mga importanteng bagay lalo na sa business na marami siyang dapat sabihin pero when it comes sa feelings nito at sa personal na buhay, mas pinipili nalang nitong manahimik.

"Darling, paano ka magkakapamangkin eh, wala naman girlfriend itong little bro mo. Baka mas mauna pa itong si Niko magbigay ng pamangkin, kahit hindi mo hingan." Natatawang sabi ni Miguel habang hinahalo ang kanyang kape.

"Saan na nga pala iyong kapatid kong iyon?" tanong ni Miguel na hindi naman sinagot ni Vlad na busy sa pagkain.

"Seriously, tawagan mo ako when you need something, kahit binilinan na kami ni dad na huwag make-alam and try to loosen up, okay?" bilin ni Alexa sa kanyang kapatid ng makarating sila sa airport.

"Lastly, hindi ko ineexpect na sasabihin ko ito ngayon pero sasabihin ko na, please magsasama ka naman kay Niko, magpahawa ka naman sa kawalang hiyaan niya." Dagdag pa nito at sabay yakap sa kanyang kapatid na yumakap rin pabalik. 

"Tama si Alexa bro, kahit papaano may maidududlot naman na maganda ang kapatid ko sa buhay mong masalimuot. Huwag kang mag-alala sa naiwan mo, ako na bahala dun basta bigyan mo lang ng kalaro itong magiging pamangkin mo." Sabi ni Miguel at sabay tapik sa balikat nito, napapikit nalang ito ng makaramdam siyang ng kurot mula sa kanyang asawa. 


Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon