Chapter 44: Help

401K 4.3K 363
                                    

LIAM

"Liam! Ah.. si Kateren nandito.. ay kaalis lang!" Sigaw ni Manang Emma samin.

Agad naman akong nataranta nung sinabi nya, si Kath? Nandito? Ah shit! Agad naman akong tumakbo papunta sa labas, nakita kong kakaandar palang ng kotse nya. Shit! Agad naman akong sumakay sa kotse ko para sundan sya. Busina ako ng busina para sabihing tumigil sya.

Bigla naman akong kinabahan dahil bumilis ang pag papa-takbo nya ng kotse. Mas binilisan ko at pag drive ko at naunahan ko sya, hinarangan ko agad yung kotse nya at bumaba ako sa kotse ko. Nakatigil yung kotse nya.

Pinuntahan ko naman sya sa kotse nya pero hindi sya bumababa at nakalock yung pinto nya. Kinatok katok ko sya, pero ayaw nya padin bumaba. Hindi ako tumigil sa pag kakatok sakanya hanggang sa hindi sya bumababa.

Maya maya nagulat ako dahil binuksan nya na yung pintuan ng kotse nya at lumabas sya.

"Kath.." Akala ko kakausapin nya ko pero nilagpasan nya ko.

"Kath teka lang naman.." Hinabol ko sya. Hindi parin tumitigil si Kath sa paglalakad, hanggang sa naabutan ko na sya. Agad kong hinawakan yung braso nya. Hinila ko sya sa tabi.

"Wag mo kong hawakan Liam!!" Sigaw naman nya sakin habang pumipiglas.

"Kath, gusto kitang makausap.. H-hinahanap mo ba ko Kath? Bakit umalis ka agad? Dapat tinawag mo ko para-"

Napatigil ako nung nakita kong napayuko sya. Agad ko namang inangat yung mukha nya at nakita ko ang mga luha nya sa mukha. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko, ayoko ng makita syang umiiyak. Tama na yung dati na napaiyak ko sya. Agad ko naman syang niyakap.

"Kath.. I miss you.. Wag mo naman akong iwan, wag mo naman akong iwasan. Umuwi ka na sa bahay natin."

"H-hindi na tayo magiging okay.. Hayaan mo na lang ako.. Bumuo ka na ng pamilya mo Liam. May anak ka na.."

Niyakap ko naman sya ng mahigpit. Alam nya na? Who told her? Pero bigla naman akong tinulak.

"Alam ko Liam.. Matagal ko ng alam. Matagal na. Liam, ang sakit sakit.. Bakit ba ganito? Hirap na hirap na ko. Hindi ko na kaya, sobrang sakit ng mga nangyayari.. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon nakakaya ko pang harapin ka! Ang sakit.. para akong pinapatay.."

Nanikip lalo yung dibdib ko sa nakikita ko. Alam ko, nararamdaman ko na nasasaktan na talaga sya. At ayokong nakikita yang ganun. Walang tigil yung pag tulo ng mga luha nya.. Lalapitan ko sya pero umaatras naman sya.

"A-alagaan mo nalang yung anak mo Liam, man up! Akuin mo na yang responsibilidad at bigyan mo yung anak mo ng masayang pamilya.." Napakuyom naman yung palad ko. I know, si Victoria.. Sya ang nag sabi nito kay Kath.

Nilapitan ko naman agad sya at niyakap ulit kahit pilit nyang kumakalas sa mga yakap ko. "Kath.. wag ka namang ganyan. Ikaw, ikaw ang gusto kong makasama. Ikaw ang asawa ko, tayong dalawa. Tayo ang bubuo ng masayang pamilya.." Lalo kong hinigpitan yung yakap ko sakanya. Ayoko talaga syang pakawalan. Hindi ko kaya.

"Hanggang ngayon, sarili mo parin ang iniisip mo. Hindi ka na ba talaga mag babago? Ibang buhay na, ibang tao na ang damay damay dito tapos ikaw sarili mo padin ang iniisip mo!" Sai nya sakin at tinulak tulak ako.

"Kath.." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi sakin ng asawa ko. Nasasaktan ako. Nagiinit na ang sulok ng mga mata ko at kumikirot na ang dibdib ko.

"Ang mahirap kasi sayo, hindi mo man lang naisip yung mga paghihirap ng ibang tao dahil sa mga kalokohan mo!! Hindi mo naisip yung pinag hirapan ko bilang asawa mo. Ni hindi ko man lang naramdaman.. Ako lang nagpupumilit maging parte ng buhay mo noon Liam..

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon