Kabanata Dalawampu't isa

45 6 0
                                    

Nang idilat ko ang mga mata ko, nakasandal ako sa balikat ni Aldrin. Bakit ako nakasandal sakanya?

Mabilis akong tumuwid ng upo. Mahimbing syang natutulog habang nakasandal sa pader ng hukay.

Napatingin ako sa braso nya, tumagos na ang dugo sa yellow na hanky ko pero mahalaga tumigil na sa pagdurugo.

Madilim pa rin. Tiningnan ko ang relo ko, 3:46am. Madaling araw na. Maliwanag pa rin ang buwan. Tiningnan ko muli si Aldrin. Ngayon lang ako ulit naging ganito kalapit sakanya.

Pinagmasdan ko yung mukha nya. Ang cute ng dimples nya na kahit tulog e mejo kita pa rin. Kitang kita pa yung kaputian nya dahil sa sinag ng buwan.

Ano na namang ginagawa mo Mira? Humaharot ka na naman jan!

Biglang may narinig akong alulong ng aso.

Napatingin ako sa paligid. Nakadama ako ng biglang takot. Naramdaman ko ang malamig na hangin na tila yumapos sa aking katawan.

Nangilabot ako, tumayo na lahat ng balahibong pwedeng tumayo sakin.

Nakarinig ako ng kaluskos.

Jusmiyo ano yun?

"Awooooo" muling pag alulong ng aso, dumadagungdong ito sa katahimikan ng gabi.

Napasign of the cross ako.

"Awoooooo"

Tinakpan ko ang tenga ko. Sobra ang kabog sa dibdib ko.

"Awoooooo"

Habang nakatakip ang tenga, nakasubsob ang mukha ko sa dalawang tuhod ko.

Naiiyak na ko sa sobrang takot. Mamamatay na ba kami? Marami pa po akong pangarap!

"Mira" narinig ko ang boses ni Aldrin, dahan dahan kong tinaas ang ulo ko. Nasa harap ko sya, nakaupo habang katapat ang mukha ko. Hinawakan nya yung kamay ko na nakatakip sa magkabilang tenga ko.

Nakita ko sa mata nya ang pagaalala "wag kang matakot" sabi nya at dahan dahan inalis ang mga kamay ko sa tenga ko.

"Awooooo"

Napayakap ako sakanya.

Natatakot ako. Wala kaming ideya sa maaaring mangyari samin bago mag umaga. Kung anong nasa loob ng gubat.

"Nandito lang ako" sabi nya at mahinang tinapik tapik ang likod ko.

Now, i feel much safer.

Nanatili kami ng ilang segundo na nakayakap sya sakin at ako sakanya ng mahigpit.

Unti unti kumalas sya sa pagkakayap, he wiped off my tears through his thumbs. Hindi ko na napansin na umiiyak pala ko.

"Look at me" sabi nya. Tiningnan ko sya sa mga mata and he gave me a warm smile. "If God's with us..." sambit nya na tila hinihintay nya mula sakin ang kasunod "who can be against us?" Sabi ko kahit na takot na takot ako.

"Say it with me." Hinawakan nya yung dalawang kamay ko. "If God's with us, who can be against us?" Sabay naming sabi.

"If God's with us, who can be against us?"

Unti unting naibsan ang takot na nararamdaman ko habang paulit ulit namin sinasabi yon at habang nakikita ko ang mukha nya na nakangiti at pinipilit pagaanin ang loob ko.

"Let's pray" sabi nya sakin. Tumango ako ng dahan dahan.

Hawak namin ang kamay ng isat isa at sabay kaming nagdasal ng taimtim. Ipinagdasal kong protektahan kami ng Ama. Sa isang iglap nawala lahat ng pangamba ko.



Exit Wounds (AlDub)Onde histórias criam vida. Descubra agora