Kabanata Labinsiyam

95 10 1
                                    

Past 11 na nang matapos ang talk. Ngayon, magkakasama na kami sa labas ng garden. Hindi pa luto ang lunch kaya pinagpatuloy nalang namin ang program para wag sila mainip.

"Syempre, ang ating brothers and sisters hindi lang gwapo't magaganda. Mga talented pa! Kaya naghanda kami ng simpleng entertainment para sainyo" masayang sabi ni Remcie.

Nagkatinginan kami nina Jana saka nila brother Kent saka natawa. "Atin na pong  tunghayan ang talaga namang world class performance na ngayon nyo lamang masasaksihan!" Pabirong sabi ni Jhim na may kasamang tawa.

Nakaformation na kami.

May tatlong bibe akong nakita...

Nagtawanan yung mga nanunuod. Nagtatawanan din kami habang ginagawa ang kahiya hiyang mga steps. Bakit ba kasi nauso pa to?

Mataba mapayat mga bibe

Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa.

I stepped forward.

Syang leader na nagsabi ng kwak kwak.

Yes, ako ang leader na bibe.





Tawang tawa kami lahat matapos yun. Pampagoodvibes lang. "Nagenjoy ba kayo?" tanong ni Sister Remcie. "Ang bibibo ng mga bibe natin, diba?" banat naman ni Jhim.

"Diba ang talent blessing ni God? So dapat shineshare. Step up and show us what you've got para maentertain natin ang mga kasama natin. Part talaga ng camping na 'to ang talent portion" sabi ni Remcie.

"Mamaya may q&a din, pageant talaga 'to guys" biro ni Jhim. "Woah. Looks like we have a volunteer from the audience"

Napatingin kami sa direksyon na tinutukoy ni Remcie, si Marlo. Tinaas nya yung kamay ni Aldrin. Ang laki ng ngisi. Siniko sya bigla ni Aldrin, "Tol para ka namang ano, share your blessing nga daw diba?" pang-aasar nya. "Magaling yan maggitara sister!" sabi pa nya. 

"Yun naman pala, pwede ba naming makita?" nakangiting sabi ni Remcie. "Wag kayong magpapaniwala sa unggoy na 'to" pagtanggi ni Aldrin saka binatukan ng mahina si Marlo.

"Nagduet pa nga sila ni Mira dati sa klase namin, diba Mira?" saka tumingin si Marlo sa sa akin.

"Duet?" sabi naman ni Jhim. "Baka nahihiya siya kasi wala syang kasama, sister Mira pwede mo ba samahan sa isang duet si Aldrin?" sabi ni Remcie.

Everyone's looking at us as if we're making a scene.

Nagkatinginan kami ni Aldrin, nagkibit balikat sya.

"Sure" sabi ko.

Pinahiram ni Brother Steeven ang gitara na ginagamit namin sa Music Min. "Anong kakantahin natin?" tanong ko sakanya. "Ano ba yung gusto mo?" tanong nya.

"Request daw from one of our audince, pwede raw bang 'photograph' by Ed Sheeran?" sabi ni Jhim.

"Alam mo ba yung chords?" tanong ko kay Aldrin. "oo naman" sabi nya.

We searched for the lyrics, mahirap kasi pag on the spot baka mablangko ako sa lyrics. Buti kahit papano may signal. Nagkasundo na kami sa pagkakahati ng song.

Nakaupo si Aldrin habang nakatayo ako hawak ang mic.

Nagsimula na syang magstrum.

Aldrin:

Loving can hurt

Loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know

Exit Wounds (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon